Lumang Tipan 2022
Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya


“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Para Kanino ang Resource na Ito?

Ang resource na ito ay para sa bawat indibiduwal at pamilya sa Simbahan. Layon nitong tulungan ka na matutuhan ang ebanghelyo—mag-isa ka man o kasama ang iyong pamilya. Kung hindi ka regular na nag-aaral ng ebanghelyo noon, matutulungan ka ng resource na ito na magsimula. Kung nakasanayan mo nang mag-aral ng ebanghelyo, matutulungan ka ng resource na ito na magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan.

Paano Ko Dapat Gamitin ang Resource na Ito?

Gamitin ang resource na ito sa anumang paraan na makatutulong sa iyo. Maaari itong makatulong sa iyo bilang gabay o tulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan nang mag-isa o kasama ang iyong pamilya. Magagamit mo rin ito para sa home evening. Ang mga balangkas o outline ay nagtatampok ng mahahalagang alituntuning matatagpuan sa Lumang Tipan, nagmumungkahi ng mga ideyang pag-aaralan at mga aktibidad para sa mga indibiduwal at pamilya, at naglalaan ng mga lugar para maitala ang iyong mga impresyon.

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay hindi nilayon upang palitan o makipagpaligsahan sa mabubuting bagay na ginagawa mo. Sundin ang patnubay ng Espiritu upang malaman kung paano mo gagawin ang iyong personal na pag-aaral ng salita ng Diyos.

Larawan
mag-asawang nag-aaral ng banal na kasulatan sa tahanan

Paano Nauugnay ang Resource na Ito sa Nangyayari sa Simbahan?

Ang mga outline sa resource na ito ay inorganisa ayon sa lingguhang iskedyul ng pagbabasa. Ang resources na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Primary, para sa Sunday School, at para sa mga korum ng Aaronic Priesthood at mga klase ng Young Women ay magkakapareho ng iskedyul. Para suportahan ang mga pagsisikap mong matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo sa tahanan, bibigyan ka ng iyong mga guro ng mga pagkakataong ibahagi ang iyong mga karanasan, ideya, at tanong tungkol sa mga talata sa banal na kasulatan na pinag-aaralan mo sa tahanan.

Dahil dalawang beses lang sa isang buwan itinuturo ang Sunday School, maaaring piliin ng mga guro na laktawan o pagsamahin ang mga outline para masunod ang lingguhang iskedyul. Maaaring kailangan din itong gawin sa mga linggo (kapwa para sa Sunday School at Primary) na hindi nagdaraos ng regular na mga miting sa Simbahan dahil sa mga stake conference o iba pang mga dahilan. Sa mga linggong tulad nito, inaanyayahan kang patuloy na pag-aralan ang Lumang Tipan sa tahanan.

Kailangan Ko Bang Sundin ang Iskedyul?

Tutulungan ka ng iskedyul na mabasa ang mga piling bahagi ng Lumang Tipan at ang Mahalagang Perlas sa katapusan ng taon. Bukod pa rito, ang pagsunod sa iskedyul na katulad ng sa iba ay hahantong sa makabuluhang mga karanasan sa tahanan, sa simbahan, at saanman. Ngunit huwag isiping nalilimitahan ka ng mga iskedyul o pinipilit na basahin ang bawat talata; ang iskedyul ay gabay lamang para tulungan kang orasan ang iyong sarili. Ang mahalaga ay natututuhan mo ang ebanghelyo nang mag-isa at bilang pamilya.

Paunawa tungkol sa Iskedyul ng Pagbabasa ng Lumang Tipan

Hindi kasama sa mungkahing iskedyul ng pagbabasa ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa 2022 ang bawat kabanata sa Lumang Tipan. Dahil ang Lumang Tipan ay mas mahaba kaysa sa iba pang mga aklat ng banal na kasulatan, ang ilang kabanata at aklat ay nilaktawan upang mas makayanan mo at ng iyong pamilya ang iskedyul ng pagbabasa.

Ang mga kabanata at aklat ay pinili upang iwasan ang pag-uulit-ulit at bigyan ng karagdagang pansin ang mga talatang nagpapatotoo kay Jesucristo, mayaman sa doktrina, at lalong angkop sa ating panahon. Halimbawa, ang iminungkahing iskedyul sa pagbabasa ay hindi kinabibilangan ng 1at 2 Mga Cronica dahil karamihan sa nilalaman ng mga aklat na ito ay kapareho ng materyal na nasa 1at 2 Mga Hari. Hindi rin kasama sa iskedyul ang Awit ni Solomon, dahil itinuro ng Propetang Joseph Smith na hindi ito inspiradong banal na kasulatan (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Awit ni Solomon,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Gayunman, tandaan na ito ay isang mungkahing iskedyul lamang ng pag-aaral. Ang iyong personal at pampamilyang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay dapat magabayan ng personal na paghahayag.

Print