Lumang Tipan 2022
Karagdagang Resources


“Karagdagang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan sa tahanan

Karagdagang Resources

Karamihan sa resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.

Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa mga nakalimbag na bersyon ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at mga awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa Sacred Music and Gospel Media apps.

Mga Manwal sa Seminary at Institute

Ang mga manwal sa seminary at institute ay nagbibigay ng mga impormasyon sa kasaysayan at komentaryo tungkol sa doktrina ng mga alituntunin at salaysay na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Mga Magasin ng Simbahan

Ang mga magasing Kaibigan, Para sa Lakas ng mga Kabataan, at ang Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

Mga Paksa ng Ebanghelyo

Sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org) matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makatutulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video. Matatagpuan mo rin ang Gospel Topics Essays, na nagbibigay ng detalyadong mga sagot sa mga tanong tungkol sa doktrina at kasaysayan.

Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Ang Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2005) ay makatutulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Lumang Tipan. Makakakita ka rin ng mga video ng mga kuwentong ito sa Gospel Library app at sa MediaLibrary.ChurchofJesusChrist.org.

Coloring Book ng mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan—Lumang Tipan

Ang resource na ito ay naglalaman ng mga pahina ng aktibidad na idinisenyo upang mapahusay ang pagkatuto ng mga bata mula sa Lumang Tipan.

Mga Video at Sining

Ang mga likhang-sining, video, at iba pang media ay makatutulong sa inyong pamilya na ilarawan sa inyong isipan ang doktrina at mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bumisita sa Gospel Media at MediaLibrary.ChurchofJesusChrist.org para i-browse ang koleksyon ng media resources ng Simbahan. Makukuha rin ang Media Library bilang mobile app. Maraming larawan na magagamit mo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo.