Doktrina at mga Tipan 2021
Disyembre 13–19. Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo: “Ang Mag-anak ang Sentro ng Plano ng Tagapaglikha”


“Disyembre 13–19. Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo: ‘Ang Pamilya ay Sentro sa Plano ng Tagapaglikha’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Disyembre 13–19. “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2021

isang pamilya

Disyembre 13–19

Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo

“Ang Mag-anak ang Sentro ng Plano ng Tagapaglikha”

Anong mga alituntunin ang nakikita mo sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” na inspirado kang ibahagi sa mga bata? Habang naghahanda kang magturo, itala ang mga pahiwatig na natatanggap mo mula sa Espiritu.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na magdala o magdrowing ng larawan ng kanilang pamilya na maibabahagi nila sa klase. Hilingin sa mga bata na magbahagi ng isang bagay na gustung-gusto nila sa kanilang pamilya o natutuhan nila tungkol sa mga pamilya sa linggong ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Maliliit na Bata

Ang mga pamilya ay mahalaga sa plano ng Ama sa Langit.

Paano mo magagamit ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak upang matulungan ang mga bata na maunawaan kung gaano kahalaga ang pamilya sa plano ng Diyos?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Tulungan ang mga bata na mag-isip ng mga bagay na napakahalaga kung kaya’t gugustuhin nilang sabihin sa lahat ang tungkol sa mga ito. Ipakita sa mga bata ang kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” at ipaliwanag na isinulat ito ng mga propeta at apostol para sabihin sa lahat kung gaano kahalaga ang pamilya sa Ama sa Langit. Itanong sa mga bata kung bakit sa palagay nila ay mahalaga sa Ama sa Langit ang pamilya. Magbahagi ng isang bagay mula sa pagpapahayag na sa tingin mo ay kailangang malaman ng lahat ng tao.

  • Magpakita sa mga bata ng larawan ng isang templo at larawan ng isang pamilya. Ipahawak sa mga bata ang larawan habang binabasa mo ang huling pangungusap sa ikatlong talata ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak. Hilingin sa kanila na ituro ang tamang larawan kapag binasa mo ang mga salitang “templo” at “mag-anak.” Magpatotoo na dahil sa mga ordenansa ng templo, ang ating mga pamilya ay maaaring magkasama-sama magpakailanman. Sama-samang kantahin ang isang awitin tungkol sa mga walang-hanggang pamilya, tulad ng “Templo’y Ibig Makita,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99), at tulungan ang mga bata na abangan ang mga salitang tulad ng “templo” at “pamilya.”

  • Itanong sa mga bata kung ano ang magagawa natin para palakasin ang iba’t ibang bagay—tulad ng ating mga ngipin, ating katawan, o isang gusali. Ano ang magagawa natin para palakasin ang ating pamilya? Tulungan ang mga bata na maunawaan ang mga alituntuning nagdudulot ng kaligayahan sa buhay ng mag-anak, na nasa ikapitong talata ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak (tingnan sa pahina ng aktibidad para sa linggong ito). Tulungan ang mga bata na magplano ng mga paraan para mapatatag nila ang kanilang pamilya.

    isang pamilyang nagluluto

    Kailangang palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan.

Ako ay isang “minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit.”

Itinuturo sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak na tayong lahat ay anak ng mga Magulang sa Langit at narito tayo sa lupa upang maging higit na katulad Nila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sama-samang kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3). Pagkatapos ay maghagis ng bola o ng isang malambot na bagay sa isang bata kapag sinabi mo ang “May kilala akong anak ng Diyos na nagngangalang [pangalan ng bata].” Hilingin sa bata na ihagis ang bola o malambot na bagay sa isa pang bata, habang sinasabi ang parehong mga salita at ang pangalan ng batang iyon. Ulitin ang aktibidad hanggang sa ang lahat ay nagkaroon na ng pagkakataon. Magpatotoo na ang bawat bata ay isang “minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit.”

  • Mag-isip ng mga paraan na maaari mong mailahad na dahil tayo ay mga anak ng mga Magulang sa Langit, maaari tayong maging tulad Nila. Halimbawa, magpakita ng mga larawan ng mga hayop at ng kanilang mga anak, o ng iyong sarili at ng iyong mga magulang o mga anak, at tulungan ang mga bata na makita ang mga pagkakatulad. Magpatotoo na tulad ng mga sanggol na lumalaki upang maging katulad ng kanilang mga magulang, maaari tayong maging katulad ng ating mga Magulang sa Langit balang-araw.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Nakatatandang mga Bata

Ang mga pamilya ang sentro ng plano ng Ama sa Langit.

Inilabas ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak upang mapagtibay ang mga walang-hanggang katotohanan tungkol sa pamilya. Isipin kung paano mo tutulungan ang mga bata na mapalalim ang kanilang mga patotoo sa mga katotohanang ito.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Itanong sa mga bata kung alam nila kung sino ang sumulat ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak. (Sa kanyang mensaheng “Ang Plano at ang Pagpapahayag” [Ensign o Liahona, Nob. 2017, 28–31.], inilarawan ni Pangulong Dallin H. Oaks kung paano ito isinulat.) Ipaunawa sa mga bata kung ano ang kahulugan ng mga salitang “taimtim na nagpapahayag” sa panimulang talata. Hilingin sa kanila na ibahagi ang kanilang mga iniisip kung bakit gusto ng mga propeta at apostol na “taimtim na [i]pahayag” ang mga katotohanan tungkol sa pamilya sa ating panahon.

  • Magbahagi ng ilang pangungusap mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak na partikular na makabuluhan sa iyo. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga nadarama tungkol sa katotohanang iyon. Paano maiiba ang buhay natin kung hindi natin nalaman ang mga bagay na ito? Sama-samang kantahin ang isang awitin na may kaugnayan sa mga katotohanang matatagpuan sa pagpapahayag, tulad ng “Susundin Ko ang Plano ng Diyos” o “Mag-anak ay Magsasamang Walang-Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 86–87, 98).

  • Ipakita sa mga bata ang mga larawan (o anyayahan silang gumuhit ng ilang larawan) na naglalarawan ng mga katotohanang matatagpuan sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak. Ang mga ito ay maaaring larawan ng isang templo, isang pamilyang nagdarasal o naglalaro nang sama-sama, o isang magkasintahang magpapakasal. Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga pangungusap sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak na may kaugnayan sa mga larawan. Ano ang itinuturo ng mga pangungusap na ito sa atin?

  • Maghanda ng ilang tanong na masasagot ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak, tulad ng “Ano ang damdamin ng Diyos tungkol sa kasal?” at “Ano ang kailangan para maging isang masayang pamilya?” Papiliin ang bawat bata ng isang tanong, at tulungan silang makita ang mga sagot sa pagpapahayag.

  • Anyayahan ang isang ina at ama ng isa sa mga bata na ibahagi sa klase kung paano sila “[nagtu]tulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan” sa kanilang “banal na mga tungkulin” sa kanilang pamilya. Anyayahan ang mga bata na talakayin kung ano ang magagawa nila ngayon para maghandang maging mabubuting asawa, ina, at ama.

Pinakamaligaya ang pamilya kapag sinusunod nila si Jesucristo.

Mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa Kanyang mga anak, at nais Niya silang maging maligaya. Paano mo matutulungan ang mga batang tinuturuan mo na maunawaan na ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa pagsunod sa mga turo at halimbawa ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magdrowing sa pisara ng isang malaking outline ng puso, at anyayahan ang mga bata na basahin ang ikapitong talata ng pagpapahayag. Hilingin sa kanila na alamin ang mga bagay na magagawa nila para tulungan ang kanilang mga pamilya na maging masaya, at isulat ang kanilang mga sagot sa loob ng puso. Anyayahan ang mga bata na pumili ng isang bagay na magagawa nila para gawing mas masaya ang kanilang mga tahanan.

  • Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan nang nadama nila na mahal sila ng isang kapamilya. Tulungan ang mga bata na tukuyin ang mga alituntunin mula sa ikapitong talata ng pagpapahayag na makakatulong sa mga miyembro ng pamilya na makadama ng pagmamahal. Paano dapat makaapekto ang ating kaalaman sa ebanghelyo ni Jesucristo sa paraan ng pakikitungo natin sa ating pamilya?

  • Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang sasabihin kung tinanong sila ng isang kaibigan kung bakit ang pag-aasawa o pagkakaroon ng mga anak ay mahalaga. Paano natin matutulungan ang kaibigang ito na maunawaan kung gaano kahalaga ang mga pamilya sa Ama sa Langit? Tulungan ang mga bata na humanap ng mga pangungusap sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak na maaaring makatulong.ChurchofJesusChrist.org).

    NaN:NaN
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na gumawa ng isang plano na gawin ang isang bagay para palakasin ang kanilang mga pamilya. Hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga plano sa kanilang pamilya sa bahay.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maging sensitibo. Habang itinuturo mo ang mga katotohanang itinuro sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak, mangyaring magkaroon ng kamalayan na maraming mga bata ang lumalaki sa mga pamilyang ang mga pamantayan ay hindi tugma sa nakasaad sa pagpapahayag tungkol sa pamilya. Maging maingat na huwag magsalita ng anumang bagay na maaaring magpahina ng kanilang loob o magpadama na sila ay mas mababa kaysa sa iba.