Bagong Tipan 2023
Abril 24–30. Juan 7–10: “Ako ang Mabuting Pastol”


“Abril 24–30. Juan 7–10: ‘Ako ang Mabuting Pastol’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Abril 24–30. Juan 7–10,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2023

Si Jesus kasama ang babae na bumagsak sa lupa

Hindi Rin Kita Hinahatulan, ni Eva Koleva Timothy

Abril 24–30

Juan 7–10

“Ako ang Mabuting Pastol”

Habang binabasa mo ang Juan 7–10, isipin mo ang mga batang tinuturuan mo. Marami sa mga ideya para sa mas nakatatandang mga bata sa outline na ito ay maiaangkop sa mga mas maliliit na bata, o vice versa.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ipaalala sa mga bata ang isang bagay na inanyayahan mo silang gawin sa nakaraang lesson. Hilingin sa kanila na ibahagi kung paano nila isinagawa ang paanyaya.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Maliliit na Bata

Juan 7:14–17

Ang pagsunod sa mga kautusan ay tutulong sa akin na malaman na ang mga ito ay totoo.

Itinuro ni Jesus na maaari tayong magkaroon ng patotoo sa mga katotohanang ibinahagi Niya kapag ipinamumuhay natin ang mga ito. Ang kapayapaang nadarama natin kapag sinusunod natin ang mga kautusan ay tumutulong sa atin na malaman na totoo ang mga ito. Isipin kung paano mo maituturo sa mga bata ang katotohanang ito.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibuod ang Juan 7:17 gamit ang mga salitang mauunawaan ng mga bata. Tulungan silang malaman na ang pagsunod sa mga kautusan ay tumutulong sa atin na mas mapalapit kay Jesucristo. Halimbawa, maaari ninyong sama-samang kantahin ang isang awitin tulad ng “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” o “Piliin ang Tamang Landas” (Aklat ng mga Awit Pambata, 68–69, 82–83). Hilingin sa mga bata na pakinggan kung paano tayo pagpapalain kapag sinusunod natin ang mga kautusan.

  • Magbahagi ng isang karanasan kung saan natutuhan mo na ang isang kautusan ay mula sa Diyos dahil ipinamuhay mo ito, tulad ng pagbabayad ng ikapu o pagpapatawad sa isang taong hindi mabait. Hilingin sa mga bata na umisip ng isang karanasan kung saan sinunod nila ang isang kautusan. Hilingin sa kanila na ibahagi ang nadama nila nang sila ay sumunod.

  • Hilingin sa mga bata na idrowing ang sarili nila na sumusunod sa isang kautusan. (Tulungan silang mag-isip ng mga halimbawa.) Anyayahan silang ibahagi ang kanilang mga larawan sa isa’t isa at pag-usapan ang kaligayahang idinudulot sa kanila ng pagsunod sa kautusang iyon.

Juan 8:29

Sinunod ni Jesus ang Kanyang Ama.

Palaging ginagawa ni Jesucristo ang mga bagay na ikinalulugod ng Kanyang Ama sa Langit. Paano mo matutulungan ang mga bata na makahanap ng mga paraan para matularan ang Kanyang halimbawa?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Tulungan ang mga bata na ulitin ang sinabi ni Jesus tungkol sa Ama sa Langit sa Juan 8:29: “Lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kanya” Hilingin sa kanila na magbahagi ng mga bagay na ginawa ni Jesus na nagpasaya sa Ama sa Langit. Ipakita sa kanila ang ilang larawang mula sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo para mabigyan sila ng mga ideya.

  • Itanong sa mga bata kung ano ang nagpapasaya sa kanila. O anyayahan ang magulang ng isa sa mga bata na magbahagi ng isang karanasan kung saan gumawa ang kanyang anak ng isang bagay na nagpaligaya sa kanya. Ano ang magagawa natin para pasayahin ang ating Ama sa Langit? Hilingin sa mga bata na magdrowing ng mga larawan ng kanilang sarili na ginagawa ang mga bagay na iyon. Iuuwi nila ang mga larawan para mapaalalahanan sila tungkol dito.

Juan 10:1–16

Kilala at mahal ako ni Jesus.

Ang talinghaga ng mabuting pastol ay makakatulong sa mga bata na maunawaan na minamahal at nakikilala sila ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Bigyan ang mga bata ng mga larawan na kumakatawan sa isang bagay sa talinghaga ng mabuting pastol, tulad ng tupa, pastol, o isang lobo. Pumili ng ilang talata mula sa Juan 10:1–16 na babasahin sa mga bata, at hilingin sa kanila na itaas ang kanilang mga larawan kapag narinig nilang binasa mo ang mga bagay sa kanilang mga larawan. Tulungan ang mga bata na mag-isip ng mga paraan kung paano nagiging isang pastol si Jesus sa atin. Magpatotoo na mahal tayo ng Tagapagligtas at gagabayan Niya tayo pabalik sa Kanya.

  • Ipakita ang larawan ni Jesus at ng mga kordero sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Paano natin malalaman na mahal ni Jesus ang mga kordero? Paano natin masasabi na mahal ng mga kordero si Jesus? Paano natin maipapakita kay Jesus na mahal natin Siya?

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Nakatatandang mga Bata

Juan 7:14–17

Ang pagsunod sa mga kautusan ay tutulong sa akin na malaman na ang mga ito ay totoo.

Ikaw at ang mga batang iyong tinuturuan ay maaaring nagkaroon na ng mga karanasan kung saan ipinamuhay ninyo ang mga katotohanan ng ebanghelyo at nalaman na ang mga ito ay totoo. Paano mo magagamit ang mga karanasang ito sa iyong pagtuturo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Isulat ang bawat talata ng Juan 7:14–17 sa iba’t ibang piraso ng papel at idispley ang mga ito nang hindi magkakasunod. Hilingin sa mga bata na pagsunud-sunurin ang mga ito at tingnan sa Juan 7:14–17 kung sila ay tama. Hilingin sa mga bata na magpartner-partner at ibahagi sa kanilang partner ang mga naunawaan nila sa bawat talata. Paano nakatulong sa kanila ang pagsunod sa mga utos para malaman na totoo ang mga kautusan?

  • Magbigay ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan na nagpapakita kung paano pinagpala ang mga tao dahil ipinamuhay nila ang mga katotohanan ng ebanghelyo, tulad ni Daniel (tingnan sa Daniel 6) o ni Elizabeth (tingnan sa Lucas 1:5–14). Anong mga pagpapala ang ibinigay na sa atin dahil sa pagsunod sa mga kautusan?

  • Ilang araw bago magklase, anyayahan ang isa sa mga bata na isulat ang isang pagkakataon nang siya ay nagkaroon ng patotoo tungkol sa isang kautusan sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito. Sa oras ng klase, hilingin sa bata na ibahagi ang isinulat niya.

Juan 8:31–36

Ang katotohana’y magpapalaya sa akin.

Iniisip ng ilang tao na nililimitahan sila ng pamumuhay ng ebanghelyo. Paano mo magagamit ang Juan 8:31–36 para matulungan ang mga bata na maunawaan na ang pamumuhay ng ebanghelyo ay talagang nagpapalaya sa atin?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin sa mga bata na basahin ang Juan 8:31–36 at ibahagi kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng maging alipin ng kasalanan. Paano tayo natutulungan ng mga turo ni Jesus na maging malaya?

  • Magpakita ang isang kandado na kakatawan sa kasalanan at isang susi na kakatawan sa paraan kung paano tayo pinalalaya ng mga katotohanan ng ebanghelyo. Halimbawa, ang kaalaman tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay makapagbibigay sa atin ng kalayaan na magsisi at mapatawad sa ating mga kasalanan. O ang malaman ang tungkol sa Salita ng Karunungan ay makapagbibigay sa atin ng kalayaan na umiwas sa adiksyon.

si Cristo na nagtuturo sa templo

Itinuro ni Jesus, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).

Juan 10:1–18

Si Jesus ay tulad ng isang pastol sa akin.

Habang pinag-aaralan mo ang talinghaga ng mabuting pastol, alamin ang mga katotohanang nagtuturo tungkol sa ating kaugnayan sa Tagapagligtas. Sa paanong paraan napagpapala ang mga bata ng kaalaman sa mga katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Isulat ang mabuting pastol at upahan sa pisara. Ipaliwanag na ang upahan ay isang tao na binabayaran ng pera upang gawin ang isang trabaho. Hilingin sa mga bata na ilista ang mga pagkakaiba na makikita nila sa Juan 10:1–18 sa pagitan ng mabuting pastol at ng upahan. Bakit gugustuhin mong tularan ang mabuting pastol at hindi ang upahan? Paano natutulad ang Tagapagligtas sa isang pastol na pumoprotekta sa atin?

  • Magdrowing o magpakita ng larawan ng isang pintuan. Sama-samang basahin ang Juan 10:7–9, at itanong sa mga bata kung paanong si Jesus ay tulad ng isang pintuan. Ayon sa talata 9, anong mga pagpapala ang dumarating sa mga “pumapasok” sa pintuan? Paano tayo pumapasok sa pintuan na inilaan ni Jesucristo para sa atin?

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Tulungan ang mga bata na mag-isip ng isang kautusan na masusunod nila nang mas lubusan. Hilingin sa kanila na subukang sundin ang utos na ito sa susunod na linggo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magtanong ng inspiradong mga tanong. Magtanong ng mga bagay na nag-aanyaya sa mga batang tinuturuan mo na gumawa nang higit pa sa pag-uulat lamang ng mga katotohanan. Sa halip, hikayatin silang ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo. Halimbawa, kung ang tinatalakay mo ay tungkol sa mga kautusan, maaari mong hilingin sa mga bata na ibahagi kung paano sila napagpala ng pagsunod sa mga kautusan.