Bagong Tipan 2023
Mayo 15–21. Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12: “Tingnan Mo, ang Iyong Hari ay Dumarating”


“Mayo 15–21. Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12: ‘Tingnan Mo, ang Iyong Hari ay Dumarating’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Mayo 15–21. Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2023

lalaki sa itaas ng puno habang papalapit si Jesus

Zacchaeus in the Sycamore Tree [Si Zaqueo sa Puno ng Sikomoro], ni James Tissot

Mayo 15–21

Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12

“Tingnan Mo, ang Iyong Hari ay Dumarating”

Habang binabasa mo ang Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; at Juan 12, pansinin ang mga impresyong matatanggap mo mula sa Espiritu Santo. Sumangguni sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Mas Maliliit na Bata” na nasa simula ng resouce na ito para sa mga bagay na dapat mong isaisip habang itinuturo mo ang mga alituntuning ito.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ipakita ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at anyayahan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa nangyayari sa larawan.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Maliliit na Bata

Lucas 19:1–10

Kilala ako ng Ama sa Langit at ni Jesus sa pangalan.

Habang binabasa mo ang tungkol sa pakikipag-ugnayan ng Tagapagligtas kay Zaqueo, anong mga mensahe ang sa tingin mo ay magpapala sa mga bata na tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ng larawang Si Zaqueo sa Isang Puno ng Sikomoro (sa outline na ito o sa SimbahanniJesucristo.org). Tulungan ang mga bata na hanapin si Zaqueo at bigkasin ang kanyang pangalan. Gumawa ng mga galaw na gagawin ng mga bata habang ikinukuwento mo ang tungkol kina Zaqueo at Jesus—halimbawa, pagtingkayad para makakita sa kabila ng maraming tao o pagkukunwaring umaakyat sa isang puno. Ipaliwanag na nakita ng Tagapagligtas si Zaqueo at tinawag ito sa kanyang pangalan. Magpatotoo na kilala ng Tagapagligtas ang bawat isa sa mga bata at alam Niya ang kanilang mga pangalan.

  • Magdala sa klase ng isang picture frame na walang laman sa gitna, o gumawa ng isa gamit ang papel. Hilingin sa mga bata na isa-isang hawakan ang frame at itapat ito sa kanilang mukha habang sinasabi ng klase na “Kilala ng Ama sa Langit at ni Jesus si [pangalan ng bata].”

  • Sama-samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagmamahal ng Ama sa Langit, tulad ng “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3). Tulungan ang mga bata na pakinggan ang mga bagay na tutulong sa kanila na malaman na mahal sila ng Ama sa Langit.

Mateo 21:12–14

Ang templo ay isang banal na lugar.

Ang pagpipitagan ni Jesus para sa templo, tulad ng inilarawan sa mga talatang ito, ay makakatulong sa mga batang tinuturuan mo na maunawaan na ang templo ay isang sagradong lugar.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawang Nililinis ni Jesus ang Templo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 51), at isalaysay ang kuwento na nakatala sa Mateo 21:12–14. Tulungan ang mga bata na hanapin ang mga pera at mga hayop sa larawan. Pagkatapos ay talakayin kung bakit gusto ng Tagapagligtas na umalis sa templo ang mga mamamalit ng salapi at ang mga taong nagbebenta ng mga hayop.

  • Magpakita ng mga larawan ng mga templo (para sa mga halimbawa, tingnan ang Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 117–19), at ipabahagi sa mga bata kung ano ang nararamdaman nila kapag nakikita nila ang templo. Maaari mong ipaliwanag na ang templo ay isang lugar kung saan tayo pumupunta para gumawa ng mga pangako sa Diyos, maghanap ng mga sagot sa mga panalangin, at mapalapit sa Diyos. Tulungan ang mga bata na matukoy ang mga damdaming mula sa Espiritu Santo na nagsasabi sa kanila na ang templo ay isang espesyal na lugar. Hilingin sa mga bata na kumilos tulad ng gagawin nila kung nasa loob sila ng templo. Halimbawa, maaari silang magsalita nang pabulong at umupo nang may paggalang.

  • Sama-samang kantahin ang isang awiting tungkol sa templo, tulad ng “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99), at hikayatin ang mga bata na mithiin na makapasok sa templo balang-araw.

Fort Collins Colorado Temple

Ang templo ang bahay ng Panginoon.

Mateo 21:28–32

Kaya kong maging masunurin.

Nais ng Ama sa Langit na maging masunurin tayo. Ang talinghaga ng dalawang anak na lalaki ay isang pagkakataon upang ituro ang kahalagahan ng pagsunod.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magdrowing ng larawan ng dalawang anak na lalaki sa pisara, at gamitin ang mga drowing habang isinasalaysay mo ang talinghaga sa Mateo 21:28–32. Sinong anak ang gumawa nang tama sa huli? Hilingin sa mga bata na tukuyin ang mga bagay na magagawa nila para maging masunurin sa tahanan. Ipadrowing sa kanila ang kanilang sarili na ginagawa ang isa sa mga bagay na iyon.

  • Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga naging karanasan nila nang naging masunurin sila sa kanilang mga magulang. Paano sila pinagpala sa pagiging masunurin?

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Nakatatandang mga Bata

Lucas 19:1–10

Kapag hinahanap ko ang Tagapagligtas, Siya ay natatagpuan ko.

Maaari mong gamitin ang kuwentong tungkol kay Zaqueo upang matulungan ang mga bata na mag-isip ng mga bagay na maaari nilang gawin para mapalapit sa Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin ang Lucas 19:1–10, na humihinto pagkatapos ng ilang mga talata para talakayin ang mga inihahayag tungkol kay Zaqueo sa mga talata. Ano ang ginawa ni Zaqueo para makita niya si Jesus? Paano siya tumugon nang sabihan siya ni Jesus na bumaba mula sa puno? Magpabahagi sa bawat bata ng isang dahilan kung bakit gusto nilang makita si Jesus. Kung pumunta ang Tagapagligtas sa ating lugar, ano ang gagawin natin para maghanda?

  • Hilingin sa mga bata na mag-isip ng mga taong kilala nila na tulad ni Zaqueo na maaaring naghahanap sa Tagapagligtas. Itanong sa mga bata kung ano ang maaari nilang gawin para tulungan ang iba na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas.

  • Hikayatin ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan kung saan ay nadama nilang nalalaman ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang tungkol sa kanila at na minahal Nila sila.

Mateo 21:12–14

Ang templo ay isang banal na lugar na dapat kong igalang.

Paano makakatulong sa iyo ang salaysay tungkol sa paglilinis ng Tagapagligtas sa templo para maituro sa mga bata ang tungkol sa kabanalan ng mga templo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipabasa sa mga bata ang Mateo 21:12–14. Ipakita ang larawang Nililinis ni Jesus ang Templo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 51), at itanong sa kanila kung anong talata ang ipinapakita sa larawan.

  • Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang naramdaman nila nang sila ay pumasok sa loob ng isang templo, bumisita sa bakuran ng templo, o tumingin sa mga larawan ng mga templo. Ano ang nakatulong sa kanila na malaman na ang templo ay isang sagradong lugar? Maaari mong ibahagi sa mga bata kung bakit mahal mo ang templo. Bakit ito sagrado sa iyo?

  • Anyayahan ang isa o higit pang mga kabataan na magsalita sa klase kung paano sila naghanda na makapasok sa templo. Kung nakapunta na sila sa templo, hilingin na magsalita sila tungkol sa nadama nila noong naroon sila.

  • Gupitin ang larawan ng isang templo para maging mga piraso ng isang puzzle, at bigyan ang bawat bata ng isang piraso. Hilingin sa mga bata na isulat sa likod ng kanilang piraso ng puzzle ang isang bagay na magagawa nila para makapaghanda sa pagpasok sa templo. Habang nagbabahagi ang bawat bata ng isang ideya, idagdag ang kanyang piraso sa puzzle.

  • Sa pisara, isulat ang sumusunod: Ang ay makatutulong sa akin na maghandang maglingkod sa templo. Anyayahan ang mga bata na magmungkahi ng mga paraan para makumpleto ang pangungusap na ito. Maaaring kabilang sa ilang ideya ang “pagtupad sa aking mga tipan sa binyag” o “Espiritu Santo.”

Mateo 23:25–28

Nais ni Jesus na maging matuwid ang aking mga kilos at mga hangarin.

Itinuro ni Jesus sa mga eskriba at mga Fariseo ang tungkol sa kahalagahan ng tunay na pamumuhay ng ebanghelyo—hindi lamang para magkunwaring mabait. Ano ang makakatulong sa mga bata na maunawaan ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Habang binabasa mo ang Mateo 23:25–28 sa mga bata, isiping ibahagi ang kahulugan ng mapagkunwari mula sa Bible Dictionary: “Isang taong nagkukunwaring relihiyoso.” Bakit masamang maging mapagkunwari o hipokrito?

  • Magpakita sa mga bata ng isang tasa na malinis sa labas ngunit marumi sa loob para makatulong na mailarawan ang metapora sa Mateo 23:25. Paano natin matitiyak na malinis at dalisay ang ating kalooban?

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Tulungan ang mga bata na mag-isip ng isang bagay na natutuhan nila sa klase na maibabahagi nila sa kanilang pamilya sa tahanan.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Suportahan ang mga magulang ng mga bata. “Ang mga magulang ang pinakamahahalagang guro ng ebanghelyo para sa kanilang mga anak—nasa kanila kapwa ang pangunahing responsibilidad at ang pinakadakilang kapangyarihang impluwensyahan ang kanilang mga anak (tingnan sa Deuteronomio 6:6–7). Habang tinuturuan mo ang mga bata sa simbahan, mapanalanging maghangad ng mga paraan na masuportahan ang mga magulang sa kanilang mahalagang tungkulin” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas25).