Doktrina at mga Tipan 2021
Abril 5–Abril 11. Doktrina at mga Tipan 30–36: “Ikaw ay Tinatawag na Mangaral ng Aking Ebanghelyo”


“Abril 5–Abril 11. Doktrina at mga Tipan 30–36: ‘Ikaw ay Tinatawag na Mangaral ng Aking Ebanghelyo,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Abril 5–Abril 11. Doktrina at mga Tipan 30–36,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

mga missionary ng Simbahan noong araw

Abril 5–Abril 11

Doktrina at mga Tipan 30–36

“Ikaw ay Tinatawag na Mangaral ng Aking Ebanghelyo”

Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 30–36, anong mga mensahe sa pakiramdam mo ang may kaugnayan sa mga tinuturuan mo? Ano ang maghihikayat sa kanila na ibahagi ang ebanghelyo sa iba?

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang isang bagay na nabasa nila sa Doktrina at mga Tipan 30–36 na naghihikayat sa kanila na ibahagi ang ebanghelyo.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 30–36

Tayo ay tinawag na ipangaral ang ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Iminumungkahi sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na saliksikin ang Doktrina at mga Tipan 30–36 para sa hinihiling ng Panginoon sa Kanyang mga missionary at ang pangako Niya sa kanila. Maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang natuklasan nila. (Tingnan, halimbawa, sa, Doktrina at mga Tipan 30:8; 31:3–5; 32:1, 5; 35:24.) Marahil ay maaari mo silang anyayahang lumiham sa isang tao na kasalukuyang naglilingkod o naghahandang maglingkod sa misyon at isama ang ilan sa mga tagubilin at pangako ng Panginoon.

  • Mga kabataan bang naghahandang maglingkod bilang mga missionary ang tinuturuan mo? Kung gayon, maaari mong anyayahan ang bawat miyembro ng klase na saliksikin ang isang bahagi mula sa Doktrina at mga Tipan 30–36 at hanapin ang isang bagay na naghihikayat sa kanila na maglingkod. Maaari mong bigyang-diin na ang mga missionary na binanggit sa mga bahaging ito ay bago at walang karanasan sa Simbahan. Ano ang nagpamarapat sa kanila na ibahagi ang ebanghelyo? Maaari mo ring ipakita ang isa sa mga video na nakalista sa “Karagdagang Resources.” Ano ang iminumungkahi ng mga video na ito kung bakit tayo dapat maglingkod bilang mga missionary at kung paano tayo makapaghahanda?

  • Hindi lahat ay may pagkakataong maglingkod sa full-time mission, ngunit maaaring anyayahan nating lahat ang iba na lumapit kay Cristo at makinig sa mensahe ng Panunumbalik. Maaaring gumawa ang mga miyembro ng klase ng isang listahan ng iba’t ibang paraan na maaari nilang “ibuka ang [kanilang] mga bibig” (Doktrina at mga Tipan 33:8–10). Ano ang ilang likas na pagkakataon nating ibahagi ang ating mga paniniwala sa iba? Anong payo sa Doktrina at mga Tipan 30–36 ang naaangkop sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mga paraang ito? Maaari mong sabihin sa ilang miyembro ng klase na nagkaroon na ng magagandang karanasan sa pagbabahagi ng ebanghelyo na ibahagi ang kanilang mga ideya at sagutin ang mga tanong ng klase.

  • Nangako ang Panginoon kina Ezra Thayer at Northrop Sweet na kung bubuksan nila ang kanilang bibig para ibahagi ang ebanghelyo, sila ay “matutulad maging kay Nephi noong sinauna” (Doktrina at mga Tipan 33:8). Ano ang mga katangian ni Nephi na maiuugnay sa pagbabahagi ng ebanghelyo? (tingnan, halimbawa, sa 1 Nephi 3:7; 4:6; 10:17; 17:15; 2 Nephi 1:27–28). Paano tayo matutulungan ng mga katangiang ito sa mga pagsisikap nating ibahagi ang ebanghelyo?

    nagtuturong mga missionary

    Hinihiling sa atin ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo sa ating panahon tulad sa Simbahan noong araw.

Doktrina at mga Tipan 32–3335

Inihahanda tayo ng Panginoon para sa gawaing gusto Niyang ipagawa sa atin.

  • Paano tayo natulungan ng Panginoon na gawin ang Kanyang gawain? Maaaring magandang magsimula sa isang talakayan tungkol sa buhay ng mga taong nakalarawan sa Doktrina at mga Tipan 32–3335 para mapagnilayan ang mga karanasang ito. Halimbawa, maaari mong ibahagi sa klase ang salaysay tungkol sa pangitain ni Ezra Thayer sa “Karagdagang Resources” at pagkatapos ay sabihin sa mga miyembro ng klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 33:1–13, na bahagi ng paghahayag kay Ezra Thayer. Paano inihahanda ng Panginoon si Ezra noon para sa gawaing gustong ipagawa sa kanya ng Panginoon? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 33:2). Maaari mo ring hilingin sa isang miyembro ng klase na magbahagi ng kaunting impormasyon tungkol sa kaugnayan nina Parley P. Pratt at Sidney Rigdon (tingnan sa “Mga Tinig ng Panunumbalik: Mga Patotoo ng mga Naunang Convert” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga indibiduwal at Pamilya). Paano pinagpala ng kaugnayang ito ang Simbahan? Anong katibayan ang nakikita natin na pinatnubayan ng Panginoon ang buhay ng mga taong ito? Marahil ay maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga karanasan na nagpakita sa kanila na alam ng Panginoon ang sitwasyon nila sa gayon ding paraan.

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pangitain ni Ezra Thayer.

Isinulat ni Ezra Thayer na bago siya nabinyagan, nagkaroon siya ng isang pangitain na “lumapit ang isang lalaki at dinalhan ako ng isang rolyong papel at ibinigay iyon sa akin, at ng trumpeta rin at sinabihan ako na [hipan] iyon. Sabi ko sa kanya hindi pa ako [nakaihip] niyon sa tanang buhay ko. Sabi niya puwede mong [hipan] iyan, subukan mo. … Iyon ang pinakamagandang tunog na narinig ko” (“Revelation, October 1830–B, Revelation Book 1,” historical introduction, josephsmithpapers.org). Kalaunan nang tumanggap ng paghahayag si Joseph Smith para kina Ezra Thayer at Northrop Sweet, na nakatala ngayon bilang Doktrina at mga Tipan 33, ipinakahulugan ni Ezra ang paghahayag na iyon ang rolyong papel sa kanyang pangitain.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hikayatin ang klase na magkaroon ng paggalang sa bawat isa. “Ipaunawa sa mga miyembro ng klase mo na naaapektuhan ng bawat isa sa kanila ang nadarama ng klase. Hikayatin sila na tulungan kang [maipadama ang katapatan, pagmamahal, at paggalang sa klase] upang madama ng lahat na [panatag] nilang maibabahagi ang kanilang mga karanasan, tanong, at patotoo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 15).