Doktrina at mga Tipan 2021
Abril 19–25. Doktrina at mga Tipan 41–44: “Batas Ko upang Pamahalaan ang Aking Simbahan”


“Abril 19–25. Doktrina at mga Tipan 41–44: ‘Batas Ko upang Pamahalaan ang Aking Simbahan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Abril 19–25. Doktrina at mga Tipan 41–44,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School

Jesucristo

Abril 19–25

Doktrina at mga Tipan 41–44

“Batas Ko upang Pamahalaan ang Aking Simbahan”

Hindi ninyo magagawang talakayin bilang isang klase ang bawat alituntuning itinuro sa Doktrina at mga Tipan 41–44. Maghangad ng inspirasyon upang matulungan kang piliin ang mga alituntunin na may higit na kaugnayan sa klase mo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Nang ilathala ang mga paghahayag sa bahagi 42, isinulat ni Joseph Smith na ang mga Banal ay “masayang tinanggap ang mga ito” (“Letter to Martin Harris,” Feb. 22, 1831, josephsmithpapers.org). Hikayatin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng anumang bagay mula sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya sa linggong ito na masaya nilang tinanggap.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 41–42

Ang mga batas ng Diyos upang pamahalaan ang Kanyang Simbahan ay maaaring pamahalaan ang ating buhay.

  • Sa Doktrina at mga Tipan 41, tinulungan ng Panginoon ang mga Banal na maghandang tanggapin ang Kanyang batas, na ihahayag Niya makalipas lamang ang ilang araw (tingnan sa bahagi 42). Paano kaya natulungan ng paghahayag sa bahagi 41 ang mga Banal na matanggap ang batas ng Diyos? Para matulungan ang mga miyembro ng klase na masagot ang tanong na ito, maaari mo silang anyayahang basahin ang Doktrina at mga Tipan 41:1–6 at hanapin ang mga alituntunin na makakatulong sa atin na matanggap ang batas ng Diyos. Paano natin maiaangkop ang mga alituntuning ito kapag may mga pagkakataon tayong tumanggap ng tagubilin mula sa Panginoon?

  • Iminumungkahi sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na hatiin ang bahagi 42 sa limang grupo ng mga talata, na bawat isa ay naglalahad ng isang mahalagang alituntunin ng ebanghelyo. Maaaring mas padaliin ng mga grupong ito para sa inyo na talakayin ang bahaging ito bilang isang klase. Halimbawa, maaari mong isulat ang mga reperensya sa pisara at anyayahan ang bawat miyembro ng klase na pumili ng isang grupo. Hilingin sa mga miyembro ng klase na basahin ang kanilang mga talata at humanap ng isang bagay na sa palagay nila ay mahalaga para sa atin sa ating panahon. Pagkatapos ay maaari silang magbahagi ng mga halimbawa mula sa sarili nilang buhay na naglalarawan kung paano tayo pinagpapala kapag pinamamahalaan natin ang ating buhay ayon sa mga batas na ito.

Doktrina at mga Tipan 41:9–11

Hinihiling ng Panginoon sa Kanyang mga tagapaglingkod na magsakripisyo.

  • Si Edward Partridge, ang unang bishop ng ipinanumbalik na Simbahan, ay inutusang talikuran ang kanyang propesyon at “iukol ang lahat ng kanyang panahon” sa paglilingkod sa kanyang tungkulin. Kahit hindi ito hinihiling sa atin, ano ang nakikita natin sa mga talatang ito na maiaangkop sa ating paglilingkod sa Diyos?

Doktrina at mga Tipan 42:61, 65–68; 43:1–7

Ang paghahayag ay naghahatid ng kapayapaan, galak, at buhay na walang hanggan.

  • Tulad ng mga naunang pinuno ng Simbahan, maaaring may mga tanong ang mga miyembro ng klase mo na parang “mga hiwaga” dahil nangangailangan ang mga ito ng patnubay ng Panginoon. Maaari mo silang hikayating isulat ang isang tanong nila o problema kung saan kailangan nila ng personal na paghahayag. Ano ang nakikita natin sa Doktrina at mga Tipan 42:61, 65–68 na maaaring makatulong sa atin habang naghahangad tayo ng paghahayag?

  • Para maipaunawa sa mga miyembro kung paano nagbibigay ang Diyos ng paghahayag para gabayan ang Kanyang Simbahan, maaari mo silang anyayahang basahin ang Doktrina at mga Tipan 43:1–7.

Doktrina at mga Tipan 43:8–10

Nagtitipon tayo upang “magturuan at patibayin ang bawat isa.”

  • Paano natin maaaring gamitin ang Doktrina at mga Tipan 43:8–10 para turuan ang isang tao na nadarama na hindi kailangang dumalo sa mga miting ng Simbahan? Maaaring makatulong ang listahan sa “Karagdagang Resources” na ituon ang talakayang ito sa mga banal na layunin ng mga korum ng priesthood at ng Relief Society (angkop din ang listahan sa mga klase ng Young Women). Maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano sila napagpala ng kanilang partisipasyon sa mga korum, Relief Society, at mga klase sa Simbahan. Ano ang ipinahihiwatig sa mga talata 8–10 kung ano ang dapat nating gawin para makapaghanda at makabahagi sa ating mga miting?

    Sunday School Class ng mga kabataan

    Ang miting sa Simbahan ay isang paraan para tayo “magturuan at patibayin ang bawat isa.”

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Bakit tayo inorganisa sa mga korum at Relief Society.

Ipinaliwanag ni Sister Julie B. Beck, dating Relief Society General President, kung bakit tayo inorganisa ng Diyos sa mga korum ng priesthood at Relief Society:

  1. “[Para isaayos tayo] sa ilalim ng priesthood ayon sa kaayusan ng priesthood.”

  2. Para ituon ang mga anak na lalaki at anak na babae ng Ama sa Langit sa gawain ng kaligtasan at gawin silang kabahagi nito. Ang mga korum at Relief Society ay isang organisadong pagkadisipulo na may responsibilidad na tumulong sa gawain ng ating Ama na isakatuparan ang buhay na walang hanggan para sa Kanyang mga anak.”

  3. Para tulungan ang mga bishop na pamahalaan nang may katalinuhan ang kamalig ng Panginoon. Kabilang sa kamalig ng Panginoon ang ‘oras, mga talento, habag, mga materyal, at kabuhayan’ ng mga miyembro ng Simbahan [Handbook 2: Administering the Church, 6.1.3, ChurchofJesusChrist.org]. Ang mga talento ng mga banal ay gagamitin sa pagtulong sa pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan at sa pagtatayo ng kaharian ng Panginoon.”

  4. “Para maglaan ng tanggulan at kanlungan para sa mga anak ng Ama sa Langit at sa kanilang pamilya sa mga huling araw.”

  5. “Para patatagin at suportahan tayo sa ating mga tungkulin at responsibilidad sa pamilya bilang mga anak ng Diyos.” (“Why We Are Organized into Quorums and Relief Societies” [Brigham Young University devotional, Ene. 17, 2012], speeches.byu.edu.)

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Mag-anyaya. “Sa halip na palaging mag-anyayang gawin ang isang partikular na bagay, isiping anyayahan ang mga mag-aaral na mag-isip ng sarili nilang mga paraan kung paano nila ipamumuhay ang kanilang natutuhan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 35).