Doktrina at mga Tipan 2021
Marso 29–Abril 4. Pasko ng Pagkabuhay: “Ako ang Siyang Nabuhay, Ako ang Siyang Pinaslang”


“Marso 29–Abril 4. Pasko ng Pagkabuhay: ‘Ako ang Siyang Nabuhay, Ako ang Siyang Pinaslang,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Marso 29–Abril 4. Pasko ng Pagkabuhay,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

estatuwa na Christus

Marso 29–Abril 4

Pasko ng Pagkabuhay

“Ako ang Siyang Nabuhay, Ako ang Siyang Pinaslang”

Wala nang mas mahalaga pang maunawaan natin kaysa sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Isipin ang mga taong dadalo sa klase mo; ano ang magpapalalim sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo?

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Dahil napag-aralan na ng mga miyembro ng klase mo ang Doktrina at mga Tipan ngayong taon, maaaring may natagpuan silang mga talata tungkol sa Tagapagligtas na makahulugan sa kanila. Simulan ang klase sa pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong ibahagi ang mga talatang ito. Paano napalalim ng ating pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan hanggang sa ngayon ang ating pananampalataya kay Jesucristo?

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Isinagawa ni Jesucristo ang “ganap na pagbabayad-sala.”

  • Dahil ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay isang mahalagang doktrina, isiping gumugol ng sapat na oras para tiyakin na nauunawaan ito ng mga miyembro ng klase. Para magawa ito, maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong na tulad nito: Ano ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Paano ito nakakaapekto sa buhay ko araw-araw? Paano ito nakakaapekto sa aking buhay na walang hanggan? Paano ko matatanggap ang nakatutubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas sa buhay ko? Bigyan ang mga miyembro ng klase ng ilang minuto para pagnilayan ang mga tanong na ito at maghanap ng mga banal na kasulatan na nakakatulong para masagot ito. Maaaring isulat ng mga miyembro ng klase ang kanilang mga reperensya sa banal na kasulatan sa pisara, at maaari ninyong talakayin ang ilan sa mga ito bilang isang klase. Narito ang ilang halimbawa: Lucas 22:39–44; I Ni Juan 1:7; 2 Nephi 2:6–9; Mosias 3:5–13, 17–18; Alma 7:11–14; Moroni 10:32–33; Doktrina at mga Tipan 19:16–19; 45:3–5.

  • Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang sariling mga salita ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang pagdurusa sa Doktrina at mga Tipan 19:16–19. Paano pinapalalim ng mga talatang ito ang ating pagpapahalaga sa sakripisyo ni Jesucristo?

    8:42
    Nagdarasal si Jesus

    Panginoon ng Panalangin, ni Yongsung Kim

Doktrina at mga Tipan 76:11–14, 20–24; 110:1–10

Pinatotohanan ni Propetang Joseph Smith na si Jesucristo ay buhay.

  • Nakita ni Joseph Smith ang nagbangong Tagapagligtas at nagbigay ng malakas na patotoo na si Jesucristo ay buhay. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang patotoo ni Joseph Smith, maaari mo silang hatiin sa dalawang grupo at atasan ang bawat grupo na basahin ang alinman sa Doktrina at mga Tipan 76:11–14, 20–24 o 110:1–10. Anyayahan ang bawat miyembro ng klase na maghanap ng kahit isang salita sa mga talatang ito na naglalarawan sa Tagapagligtas. Maaaring maghalinhinan ang mga miyembro ng klase sa pagsulat sa pisara ng mga salitang natagpuan nila, at maaari mong gamitin ang mga salitang ito para gabayan ang isang talakayan tungkol sa mga katangian at kapangyarihan ng Tagapagligtas. Paano pinalalakas ng patotoo ni Joseph Smith ang ating pananampalataya sa kabanalan at misyon ni Jesucristo?

  • Maaaring naiugnay ng ilang miyembro ng klase ang mga turo sa Doktrina at mga Tipan sa mga salita at alituntunin sa himnong “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78; tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Siguro’y handa silang ibahagi ang natuklasan nila. Maaari din ninyong basahin o kantahin ang himnong ito bilang isang klase at hanapin ang mga koneksyon sa sumusunod na mga talata: Doktrina at mga Tipan 6:34; 45:3–5; 84:77; 98:18; 138:23. Paano natin nalaman na buhay ang ating Manunubos?

Doktrina at mga Tipan 29:26–27; 42:45–46; 63:49; 88:14–17, 27–31; 93:33–34

Dahil kay Jesucristo, tayo ay mabubuhay na mag-uli.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na talakayin kung ano ang itinuturo ng Doktrina at mga Tipan tungkol sa pagkabuhay na mag-uli, maaari mo silang anyayahang isipin na kunwari’y nagtatanong ang isang kaibigan o kapamilya kung ano ang kahulugan ng mabuhay na mag-uli. Paano natin maipapaunawa sa taong iyon kung ano ang pagkabuhay na mag-uli? Hikayatin ang mga miyembro ng klase na saliksikin ang Doktrina at mga Tipan 88:14–17, 27–31 para sa isang bagay na maaaring makatulong. Kabilang sa iba pang mga reperensyang talatang makakatulong ang Alma 11:40–45 at Alma 40:21–23. Ano ang ibabahagi natin para maipadama sa ating kaibigan o kapamilya ang galak at pag-asang nagmumula sa doktrina ng pagkabuhay na mag-uli?

  • Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na pag-isipan ang kaloob na pagkabuhay na mag-uli ng Tagapagligtas? Marahil ay maaari mong isulat sa pisara ang Dahil kay Jesucristo … at anyayahan ang mga miyembro ng klase na tingnan sa sumusunod na mga talata ang mga salitang maaaring kumumpleto sa mga pariralang ito: Doktrina at mga Tipan 29:26–27; 42:45–46; 63:49; 93:33–34. Paano naaapektuhan ng mga katotohanan sa mga talatang ito ang ating pananaw sa kamatayan? Paano naaapektuhan ng mga ito ang ating pang-araw-araw na buhay?

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

2:26

2:3

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga miyembro ng klase na magsaliksik sa mga banal na kasulatan. “Magtanong ng mga bagay kung saan kakailanganing maghanap ng mga mag-aaral ng mga sagot sa mga banal na kasulatan. … Tulungan silang makita na kahit maraming taon nang naisulat ang mga banal na kasulatan, nilalaman nito ang mga sagot ng Panginoon sa mga tanong at problemang kinahaharap nating lahat” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 30).