“Hunyo 28–Hulyo 4. Doktrina at mga Tipan 71–75: ‘Walang Sandata na Ginawa Laban sa Inyo ang Mananaig,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)
“Hunyo 28–Hulyo 4. Doktrina at mga Tipan 71–75,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021
Hunyo 28–Hulyo 4
Doktrina at mga Tipan 71–75
“Walang Sandata na Ginawa Laban sa Inyo ang Mananaig”
Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 71–75, isipin ang mga taong tinuturuan mo. Ano ang alam mo tungkol sa kanila? Ano ang kailangan nila?
Itala ang Iyong mga Impresyon
Mag-anyayang Magbahagi
Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng ilan sa mga katotohanang natagpuan nila sa kanilang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan 71–75. Ano ang naging mga karanasan nila sa mga katotohanang ito?
Ituro ang Doktrina
Masusunod natin ang patnubay ng Espiritu Santo kapag ipinagtatanggol natin ang ating mga paniniwala.
-
Nakaramdam na ba tayo ng takot o kaba tungkol sa pagtatanggol sa ating mga paniniwala? Marahil ay maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat sa pisara ang mga salita o pariralang makikita nila sa Doktrina at mga Tipan 71 na naglalarawan kung paano hiniling ng Panginoon kina Joseph at Sidney na tumugon sa mga pambabatikos nina Ezra Booth at ng iba pa. Pagkatapos ay maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase sa maliliit na grupo kung ano ang maaaring kahulugan ng mga tagubiling ito para sa atin ngayon. Bakit mahalaga na kumilos tayo “alinsunod sa bahaging iyon ng Espiritu” na ibinibigay sa atin ng Panginoon? (talata 1).
#&1/60 #&1/60 Marahil ay maaari din silang magbahagi ng mga halimbawa kung paano tumugon ang Tagapagligtas sa mga bumabatikos sa Kanya (halimbawa, tingnan sa Mateo 22:15–22; 26:59–64; Juan 10:37–38).
12:51
Ang mga bishop ay mga katiwala sa mga espirituwal at temporal na gawain ng kaharian ng Panginoon.
-
Paano makakatulong sa mga tinuturuan ninyo ang mga tagubilin ng Panginoon kay Newel K. Whitney, nang tawagin siyang bishop sa Kirtland, na pasalamatan ang mga bishop na tinawag na maglingkod sa kanila? Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na saliksikin ang Doktrina at mga Tipan 72:8–16, na hinahanap ang ilan sa mga responsibilidad ni Bishop Whitney at pagkatapos ay ikumpara ang mga ito sa mga responsibilidad ng mga bishop ngayon (tingnan sa paglalarawan ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa mga responsibilidad ng isang bishop sa “Karagdagang Resources.” Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano sila napagpala ng paglilingkod ng isang bishop. Ano ang magagawa natin upang mas lubos na suportahan ang ating bishop?
Makakahanap tayo ng mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo.
-
Sinabi ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na ipangaral ang ebanghelyo “yayamang magagawa” ito (Doktrina at mga Tipan 73:4) at habang ginagawa rin ang pagsasalin ng Biblia. Marahil ay maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng ilang paraan na nakita nila na “magagawa”—o makatotohanan—na ibahagi ang ebanghelyo bukod sa iba pa nilang mga responsibilidad. Maaari silang makakita ng ilang makakatulong na payo sa mensahe ni Elder Dieter F. Uchtdorf na “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo” (Ensign o Liahona, Mayo 2019, 15–18).
Nais ng Diyos na tayo ay “gumawa nang [ating] buong lakas.”
-
Ang mga tagubilin ng Panginoon sa ilang elder kung paano ibahagi ang ebanghelyo ay maaaring makahikayat sa mga miyembro ng klase na ibahagi nang mas masigasig ang ebanghelyo. Maaari mong isulat sa pisara ang Gumawa nang inyong buong lakas at hilingin sa mga miyembro ng klase na ilista ang mga salita at pariralang naiisip nila tungkol sa isang taong gumagawa nang kanyang buong lakas sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Maaari din nilang talakayin kung ano ang ibig sabihin ng “magtagal” o “maging tamad” sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Ano ang itinuturo sa atin ng Doktrina at mga Tipan 75:2–16 kung paano sinusuportahan ng Tagapagligtas ang mga taong naglilingkod sa Kanya nang tapat?
Karagdagang Resources
Mga responsibilidad ng isang bishop.
Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley:
“Nasa puso ko palagi ang malalim na pagpapahalaga sa ating mga bishop. Labis akong nagpapasalamat sa paghahayag ng Maykapal na lumikha at nagpapagana sa katungkulang ito. …
“… Inaasahan namin na magsisilbi kayong namumunong high priest sa ward, isang tagapayo sa mga tao, tagapagtanggol at katuwang ng mga may problema, tagaaliw sa mga nagdadalamhati, tagatustos sa mga nangangailangan. Inaasahan namin na magsisilbi kayong tagapag-alaga at tagapagtanggol ng doktrinang itinuturo sa inyong ward, ng kalidad ng pagtuturo, ng pagpuno sa maraming katungkulan na kinakailangan. …
“… Kailangan ninyong tiyakin na walang taong nagugutom o walang damit o walang matirhan. Kailangan ninyong malaman ang mga sitwasyon ng lahat ng pinamumunuan ninyo.
“Kailangan kayong maging tagaalo at gabay sa inyong mga tao. Kailangan ay laging bukas ang inyong pintuan sa sinumang nababalisa. Kailangan ay matibay ang inyong likod sa pakikihati sa kanilang mga pasanin. Kailangan ninyong tumulong nang may pagmamahal kahit sa nagkasala” (“The Shepherds of the Flock,” Ensign, Mayo 1999, 52–53).