Doktrina at mga Tipan 2021
Hulyo 19–25. Doktrina at mga Tipan 81–83: Siya na “Binigyan ng Marami ay Marami ang Hihingin”


“Hulyo 19–25. Doktrina at mga Tipan 81–83: Siya na ‘Binigyan ng Marami ay Marami ang Hihingin,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Hulyo 19–25. Doktrina at mga Tipan 81–83,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

si Cristo at ang mayamang batang pinuno

Si Cristo at ang Mayamang Batang Pinuno, ni Heinrich Hoffman

Hulyo 19–25

Doktrina at mga Tipan 81–83

Siya na “Binigyan ng Marami ay Marami ang Hihingin”

Tandaan na ang mga miyembro ng klase mo ay nagkakaroon ng mga espirituwal na karanasan habang pinag-aaralan nila ang mga banal na kasulatan sa tahanan. Mapanalanging isipin kung paano mo sila mahihikayat na ibahagi ang kanilang mga karanasan para mapasigla ang isa’t isa.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na pumili ng isang parirala mula sa bawat isa sa sumusunod na mga bahagi na magiging magandang pamagat para sa bahaging: Doktrina at mga Tipan 81, 82, at 83. Bakit nila pinili ang mga pamagat na ito?

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 81:5; 82:18–19

Dapat hangarin ng bawat isa sa atin “ang kapakanan ng [ating] kapwa.”

  • Ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay nagmumungkahi ng mga tanong na pagninilayan tungkol sa Doktrina at mga Tipan 81:5. Maaari ding maging magagandang tanong sa talakayan ang mga ito para sa klase mo. Isipin ding magbahagi ng isang personal na karanasan na nadama mo na sa ilang paraan ay “mahina” ka at pinasigla o pinalakas ka ng paglilingkod ng isang tao. Maaaring may maibabahaging ganito ring mga karanasan ang mga miyembro ng klase. Bigyang-inspirasyon ang mga miyembro ng klase na paglingkuran ang bawat isa. Maaari mo ring ibahagi ang pahayag ni Pangulong M. Russell Ballard sa “Karagdagang Resources.”

  • Isiping hilingin sa mga miyembro ng klase na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 82:18–19, na naghahanap ng mga alituntuning magpapaunawa sa kanila ng mga layunin at pagpapala ng paglilingkod sa iba. Pagkatapos ay ipabahagi sa kanila ang kanilang natutuhan. #&1/60 #&1/60

    5:1

Doktrina at mga Tipan 82:8–10

“Ako, ang Panginoon, ay nakatali kapag ginawa ninyo ang aking sinabi.”

  • Para maipaunawa sa mga miyembro ng klase ang kaugnayan sa pagitan ng ating kusang pagsunod at ng ipinangakong mga pagpapala ng Diyos, maaari ninyong basahin ang Doktrina at mga Tipan 1:37–38; 82:10; 130:20–21 nang magkakasama o sa maliliit na grupo. Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa Panginoon? Marahil ay maaaring ilista ng miyembro ng klase ang mga salitang naglalarawan sa Kanyang pagkatao, batay sa mga talatang ito.

  • Matapos basahin ang talata 10, maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng klase kung ano ang naipangako sa atin ng Panginoon at kung paano natupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako. Ang kuwento ni Sister Virginia H. Pearce na matatagpuan sa “Karagdagang Resources” ay maaaring makatulong sa mga miyembro ng klase na makita na pinagpapala tayo ng Panginoon ayon sa Kanyang sariling karunungan, hindi laging sa paraang gusto o inaasahan natin.

  • Ano ang matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 82:8–10 kung bakit tayo binibigyan ng Ama sa Langit ng mga kautusan? Marahil ay maaaring makakita ang mga miyembro ng klase ng mga ideya sa mga talatang ito na magagamit para tulungan ang isang kaibigan o isang bata na nag-iisip na ang mga kautusan ay mahigpit. O maaari silang magbahagi ng mga karanasan na nagturo sa kanila na ituring na mga pagpapala ang mga kautusan.

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Dalisay na relihiyon.

Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard:

“Sa ating pagkadisipulo, marami tayong ginagawa, alalahanin, at tungkulin. Gayunman, ang ilang aktibidad ay kailangang maging batayan palagi ng ating pagiging miyembro ng Simbahan. ‘Dahil dito,’ pag-utos ng Panginoon, ‘maging matapat; tumayo sa katungkulang aking itinalaga sa iyo; tulungan ang mahihina, itaas ang mga kamay na nakababa, at palakasin ang tuhod na mahihina’ [Doktrina at mga Tipan 81:5; idinagdag ang italics].

“Ito ang Simbahang kumikilos! Ito ang dalisay na relihiyon! Ito ang ebanghelyo sa tunay na kahulugan nito kapag tinulungan, itinaas, at pinalakas natin ang mga may espirituwal at temporal na pangangailangan! Para magawa ito kailangan natin silang bisitahin at tulungan [tingnan sa Santiago 1:27], upang tumibay sa kanilang puso ang kanilang patotoo tungkol sa pananalig sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala” (“Mga Natatanging Kaloob mula sa Diyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 11).

Pinagpapala tayo ng Panginoon sa Kanyang sariling kagila-gilalas na mga paraan.

Nagkuwento si Sister Virginia H. Pearce, dating miyembro ng Young Women General Presidency, tungkol sa isang babaeng nag-alala tungkol sa kanyang mga anak na naligaw ng landas. Nagtakda siya ng isang matinding mithiin na lalo pang makadalo sa templo at nadama niya ang katiyakan na kikilalanin ng Panginoon ang malaking sakripisyong ito sa pamamagitan ng pagbabago ng puso ng kanyang mga anak. Ikinuwento ng babae:

“Pagkaraan ng sampung taon ng mas madalas na pagdalo sa templo at pagdarasal sa tuwina, ikinalulungkot kong sabihin na hindi nagbago ang mga pagpili ng aking mga anak. …

“Ngunit nagbago ako. Iba na ako. … Isinuko ko na ang mga paglimita ko sa oras at nagagawa kong maghintay sa Panginoon. … Nagbago ang mga inaasahan ko. Sa halip na asahang magbago ang mga anak ko, inaasahan ko ang madalas na magigiliw na awang ito at puspos ako ng pasasalamat para sa mga ito. … Kumikilos ang Panginoon sa kagila-gilalas na mga paraan, at talagang puspos ako ng kapayapaan na di masayod ng pag-iisip” (sa “Prayer: A Small and Simple Thing,” At the Pulpit [2017], 288–89).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Anyayahan ang mga kabataan na makibahagi sa lesson mo. Bigyan ang mga kabataan ng mga pagkakataong turuan ang isa’t isa. Ang pakikinig sa mga patotoo o karanasan ng bawat isa ay maaaring magkaroon ng napakalaking impluwensya. Kung kinakailangan, tulungan ang mga kabataan na maghandang magturo, at ipakita sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng magturo sa paraan ng Tagapagligtas (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 27–28).