Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 9–15. Apocalipsis 1–11: ‘Sa Cordero ay … Kaluwalhatian, at Paghahari, Magpakailan Kailan Man’


“Disyembre 9–15. Apocalipsis 1–11: ‘Sa Cordero ay … Kaluwalhatian, at Paghahari, Magpakailan Kailan Man’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Disyembre 9–15. Apocalipsis 1–11,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2019

binabantayan ni Cristo ang isang kawan ng mga tupa

Ang Mabuting Pastol, ni Del Parson

Disyembre 9–15

Apocalipsis 1–11

“Sa Cordero ay … Kaluwalhatian, at Paghahari, Magpakailan Kailan Man”

Ang pagtanggap ng mga espirituwal na impresyon ay ipinapaalam sa iyo na gusto kang turuan ng Espiritu Santo. Ang pagtatala at pagsunod sa mga impresyong iyon ay nagpapakita na mahalaga sa iyo ang mga ito at nais mo pang makatanggap ng iba.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Habang sinisimulan mo ang talakayan tungkol sa Apocalipsis, maaaring makatulong na ipabahagi sa mga miyembro ng klase ang anumang impormasyong nalaman nila tungkol sa aklat ng Apocalipsis sa personal na pag-aaral nila o ng pamilya. Maaari ninyong sama-samang rebyuhin ang ilan sa mga impormasyong nasa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya o sama-samang basahin mula sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan ang mga entry na “Juan, Anak ni Zebedeo” at “Paghahayag ni Juan.”

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Apocalipsis 1

Si Jesucristo ang Buhay na Anak ng Buhay na Diyos.

  • Dahil gumamit si Juan ng mga imahe at simbolismo sa Apocalipsis 1 para ilarawan ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas at ang Kanyang mga ginawa, ang pag-aaral ng kabanatang ito ay magandang paraan para mapatatag ang pananampalataya na Siya ay buhay at ginagabayan Niya ang Kanyang Simbahan. Marahil ay maaaring isulat ng mga miyembro ng klase sa pisara ang ilang parirala mula sa Apocalipsis 1 na may kasamang mga imahe o simbolismo at ibahagi kung ano ang itinuturo ng bawat isa tungkol kay Jesucristo. Halimbawa, ano ang natututuhan natin mula sa mga simbolong ito kung paano pinamumunuan ni Cristo ang Kanyang Simbahan ngayon? Paano maikukumpara ang paglalarawan ni Juan sa Tagapagligtas sa nasa Doktrina at mga Tipan 110:1–4?

Apocalipsis 2–3; 7:13–17

Madaraig natin ang mga hamon sa pamamagitan ni Jesucristo.

  • Para tayong mga Banal na sinulatan ni Juan sa kahit isang paraan lamang: nahaharap tayo sa paghihirap. Ipasaliksik sa mga miyembro ng klase ang Apocalipsis 2–3 at ipatukoy ang mga pagsubok na kinaharap ng mga Banal sa panahon ni Juan, at ipaunawa sa kanila na alam ni Jesucristo ang mga pagsubok at kahinaan ng bawat branch. Siguro’y maaari silang magbahagi ng mga karanasan kung saan nadama nila na alam ng Tagapagligtas ang mga kakaiba nilang sitwasyon. Anong payo ang ibinigay ng Panginoon sa mga Banal na makakatulong din sa atin na madaig ang ating mga paghihirap?

  • Sa mga kabanata ring ito gumawa ng mga pangako ang Panginoon na nakapaghikayat sa mga tao na nadaraig ang paghihirap. Maaari mong ipares-pares ang mga miyembro ng klase para saliksikin ang Apocalipsis 2–3; 7:13–17 upang mahanap ang mga pangako ng Panginoon. Marahil ay maaari din nilang idrowing ang mga larawang kumakatawan sa ilan sa mga pangakong ito, pagkatapos ay ibahagi sa klase ang makita nila. Paano sila nahihikayat ng mga pangakong ito na patuloy na sikaping madaig ang sarili nilang mga pagsubok at kahinaan?

Apocalipsis 5

Si Jesucristo lamang ang may kakayahang gawing posible ang plano ng Ama sa Langit.

  • Makakatulong ba ang isang object lesson para maunawaan ng klase mo ang simbolismo sa Apocalipsis 5 tungkol sa pagbubukas ng Tagapagligtas sa nakasarang Aklat? Maaari kang magdala ng pagkain sa isang nakakandadong kahon para ipamigay sa klase. Bago magklase, lihim na ibigay sa isang tao ang susi sa kandado. Ilarawan sa klase kung ano ang nasa loob ng kahon, at payagan ang ilang miyembro ng klase na subukang buksan ang kahon bago buksan ito ng taong may hawak ng susi. Pagkatapos ay maaaring ikumpara ng klase ang object lesson na ito sa Apocalipsis 5. Maaaring makatulong ang mga tanong na katulad nito: Paano naging katulad ng nakakandadong kahon o nakasarang aklat ang kaligtasan ng mga anak ng Ama sa Langit? Bakit si Jesucristo lamang ang maaaring magbukas ng mga tatak? (tingnan ang sipi sa “Karagdagang Resources”). Anong mga pagpapala ang nakaasa sa pagkamarapat ng Tagapagligtas na buksan ang mga tatak? (tingnan sa Apocalipsis 7:14–17).

  • Tulad ng nagkakatuwaang mga taong binanggit sa Apocalipsis 5, ngayo’y malalakasan din natin ang ating tinig para purihin ang Tagapagligtas bilang Siyang nararapat na maghandog sa atin ng kaligtasan. Marahil ay maaaring sama-samang kantahin ng mga miyembro ng klase ang ilang paboritong himno ng papuri tungkol sa Tagapagligtas. Halimbawa, maaari ninyong kantahin ang “Luwalhati sa Ating Diyos” (Mga Himno, blg. 37) at tukuyin ang mga katotohanang itinuturo sa himnong ito tungkol kay Jesucristo. Anong mga karanasan ang nakatulong sa atin na magtamo ng patotoo tungkol sa mga katotohanang ito? Anong mga pagkakatulad ang nakikita natin sa pagitan ng mga mensahe ng ating mga himno ng papuri at ng mga pahayag sa Apocalipsis 5:9–14? Paano natin mas magagamit ang mga himno sa tahanan at sa simbahan para sambahin at purihin ang Panginoon?

Apocalipsis 7

Bago ang Ikalawang Pagparito, titipunin ng Panginoon ang mga matwid at ihahanda silang mamuhay sa piling Niya.

  • Ang Apocalipsis 7 ay naglalarawan ng mga kaganapan sa “ikaanim na tatak,” na ang ilan ay kumakatawan sa ating panahon. Sinasagot din nito ang tanong sa dulo ng kabanata 6: “Dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?” (talata 17). Marahil ay maaaring hanapin ng mga miyembro ng klase ang mga sagot sa tanong na ito sa kabanata 7. Narito pa ang ilang tanong na maaari nilang talakayin: Bakit sumandaling ipinagpaliban ng Panginoon ang pagwasak sa mundo? Paano tayo “[ibinubuklod ng mga ordenansa at tipan] … sa araw kung kailan ang poot ng Diyos ay ibubuhos”? (DT 1:9). Ano ang gawain natin sa paghahanda sa mundo para sa Ikalawang Pagparito? Ang Doktrina at mga Tipan 1:4–23; 77:8–11 ay maaaring makapagbigay ng karagdagang mga kabatiran.

Apocalipsis 1–11

Ang pangitain ni Juan ay nagtuturo kung paano inililigtas ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak.

  • Maaaring mahirapan ang ilang miyembro ng klase na maunawaan ang aklat ng Apocalipsis. Maaaring makatulong kung isasaalang-alang nila ang mga isinulat ni Juan sa konteksto ng plano ng Ama sa Langit na dakilain ang Kanyang mga anak. Nang basahin ng mga miyembro ng klase ang Apocalipsis 1–11 sa bahay, maaaring nakakita sila ng mga katotohanan na nagpaunawa sa kanila sa plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak (tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Ipabahagi sa kanila ang kanilang natuklasan. Maaari ding makatulong sa kanila na rebyuhin ang bahagi sa “Karagdagang Resources” na may pamagat na “Mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa plano ng kaligtasan.” Hikayatin ang mga miyembro ng klase na patuloy na maghanap ng mga talata sa banal na kasulatan na nagtuturo ng mga katotohanan tungkol sa plano ng kaligtasan habang binabasa nila ang natitirang bahagi ng Apocalipsis, at bigyan sila ng pagkakataon sa darating na mga lesson na ibahagi ang matuklasan nila.

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Ipaisip sa mga miyembro ng klase ang kanilang paboritong tradisyon tuwing Pasko. Iparebyu sa kanila ang outline para sa susunod na linggo para sa mga ideya kung paano nila maisesentro kay Jesucristo ang kanilang pagdiriwang.

icon ng resources

Karagdagang Resources

Apocalipsis 1–11

Mga talata tungkol sa plano ng kaligtasan.

Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Premortal na buhay

Mortal na buhay

Kabilang-buhay

Si Jesucristo lamang ang maaaring magbayad-sala para sa atin.

Sa paglalarawan sa mga pangyayari sa premortal na buhay, itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland:

“Nagkusang-loob si Cristo na igalang ang moral na kalayaan ng buong sangkatauhan kahit nga pinagbayaran Niya ang kanilang mga kasalanan. Sa paggawa nito, ibabalik Niya sa Ama ang lahat ng kaluwalhatian para sa gayong nakatutubos na pagmamahal.

“Ang walang-hanggang Pagbabayad-sala ni Cristo ay naging posible dahil (1) Siya lamang ang taong nanirahan sa lupa na hindi nagkasala at dahil dito ay hindi sakop ng espirituwal na kamatayan na dulot ng pagkakasala, (2) Siya lamang ang Bugtong na Anak ng Ama kaya taglay Niya ang mga katangian ng pagkadiyos na nagbigay sa Kanya ng kapangyarihan laban sa pisikal na kamatayan, at (3) malinaw na Siya lamang ang tanging may sapat na pagpapakumbaba at nagkusa sa konseho bago tayo isinilang na maorden noon pa sa gayong paglilingkod” (“Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Mar. 2008, 35).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gamitin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw. “Inutusan tayo ng Panginoon na ‘turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian’ (DT 88:77) at gamitin ang mga banal na kasulatan upang ‘[magturo] ng mga alituntunin ng [Kanyang] ebanghelyo’ (DT 42:12). Ang scriptures at mga salita ng mga propeta at apostol sa mga huling araw ang mapagkukunan ng mga katotohanang itinuturo natin” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 20–21).