Bagong Tipan 2023
Abril 3–9. Pasko ng Pagkabuhay: “O Kamatayan, Nasaan ang Iyong Pagtatagumpay?”


“Abril 3–9. Pasko ng Pagkabuhay: ‘O Kamatayan, Nasaan ang Iyong Pagtatagumpay?,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Abril 3–9. Pasko ng Pagkabuhay,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

Libingan sa Halamanan

Abril 3–9

Pasko ng Pagkabuhay

“O Kamatayan, Nasaan ang Iyong Pagtatagumpay?”

Habang naghahanda kang magturo sa linggong ito, isipin kung paano mapapalakas ng talakayan ng klase tungkol sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Itanong sa mga miyembro ng klase kung paano sila tutugon sa mga tanong na tulad ng “Ano ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?” at “Paano ko matatanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Cristo?” Anyayahan silang magbahagi ng anumang mga talata sa banal na kasulatan na nabasa nila sa linggong ito na tumutulong na masagot ang mga tanong na ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Inililigtas tayo ni Jesucristo mula sa kasalanan at kamatayan, pinalalakas tayo sa oras ng ating mga kahinaan, at pinapanatag tayo sa oras ng mga pagsubok.

  • Nauunawaan ba ng mga miyembro ng klase mo na pinapanatag tayo ni Jesus sa ating mga pagsubok at pinalalakas tayo sa ating mga kahinaan, at inililigtas din tayo mula sa kasalanan at kamatayan? Ang isang paraan para matulungan silang tuklasin ang mga alituntuning ito ay isulat ang mga salitang ito sa pisara: Kasalanan, Kamatayan, Mga Pagsubok, Mga Kahinaan. Maaaring basahin ng bawat miyembro ng klase ang isa sa mga talata sa banal na kasulatan na nakalista sa “Karagdagang Resources” at pagnilayan kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na madaig o matiis ang mga bagay na ito. Pagkatapos ay maaaring isulat ng mga miyembro ng klase ang natututuhan nila mula sa mga talatang ito sa ilalim ng bawat heading at ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

    si Jesus na nakapako sa krus

    Crucifixion [Pagpapako sa Krus], ni Louise Parker

  • Marahil ay maaaring ilarawan ng isang simpleng object lesson ang pagkakaiba sa pagitan ng malinis mula sa kasalanan at ng magawang ganap: Maaari mong isulat sa pisara ang unang ilang linya mula sa Moroni 10:32, ngunit isama ang mga maling baybay o maling gramatika. Pagkatapos ay anyayahan ang isang miyembro ng klase na burahin (hindi itama) ang mga mali. Nalutas ba nito ang problema? Anong mga aral ang matututuhan natin mula sa talatang ito at sa object lesson na ito tungkol sa maaaring maging epekto ng Pagbabayad-sala sa atin? Maaari ding makatulong ang pahayag na ito ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Kung ang ibig lamang sabihin ng kaligtasan ay pagbubura ng ating mga pagkakamali at kasalanan, ang kaligtasan—maganda man ito—ay hindi isinasakatuparan ang mga mithiin ng Ama para sa atin. Ang Kanyang layunin ay mas matayog pa riyan: Nais Niyang maging katulad Niya ang Kanyang mga anak” (“Ang Kaloob na Biyaya,” Liahona, Mayo 2015, 108).

  • Mas maipauunawa sa atin ng mga kuwento at analohiya ang Pagbabayad-sala ni Cristo. Maaari kang magbahagi ng isang kuwento o analohiya mula sa isa sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa “Karagdagang Resources.” Pagkatapos ay maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng anumang mga ideya o damdamin nila tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala para sa atin.

Mateo 28:1–10; Lucas 24:13–35; Juan 20:1–29; 1 Corinto 15:3–8, 55–58

Nagpatotoo ang mga saksi sa Bagong Tipan na nadaig ni Jesucristo ang kamatayan.

  • Isiping rebyuhin ang salaysay sa banal na kasulatan tungkol sa unang Pasko ng Pagkabuhay—ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Maaari mong anyayahan ang isang miyembro ng klase na muling ikuwento ito sa sarili niyang mga salita (tingnan sa Juan 20:1–17).

  • Marahil ay magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa ang klase mo sa kahalagahan ng mga saksi sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo kung iisipin nila na kunwari ay mga abogado o reporter sila na nag-iimbestiga sa pahayag na si Cristo ay nabuhay na mag-uli. Anyayahan silang maghanap ng mga tao sa mga banal na kasulatan na maaaring magsilbing mga saksi (tingnan sa Mateo 28:1–10; Lucas 24:13–35; Juan 20:19–29; 1 Corinto 15:3–8, 55–58). Maaari pa nga silang sumulat ng maikling buod ng maaaring sabihin ng mga taong ito kapag sumasaksi sila sa hukuman o iniinterbyu para sa isang balita.

  • Ang isang paraan para mapalalim ang pagpapahalaga natin sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ay isipin kung paano natin ipaliliwanag sa iba ang ating mga paniniwala. Paano patototohanan ng mga miyembro ng klase si Jesucristo sa sumusunod na mga sitwasyon: isang kapamilya ang nasuring may malubhang karamdaman; isang kaibigan ang namatayan ng mahal sa buhay; isang kapitbahay ang nagtanong kung bakit ninyo ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay. Hikayatin silang sumangguni sa mga banal na kasulatan (tulad ng nasa “Karagdagang Resources”) habang ipinaplano nila ang kanilang mga sagot. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga iniisip.

icon ng resources

Karagdagang Resources

Mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.

Mga mensahe tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maging kasangkapan ng Espiritu. “Ang layunin mo bilang guro ay hindi ang gumawa ng kahanga-hangang paglalahad ng lesson kundi ang tulungan ang iba na matanggap ang impluwensya ng Espiritu Santo, na siyang tunay na guro” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas10).