Bagong Tipan 2023
Hulyo 10–16. Mga Gawa 6–9: “Ano ang Nais Ninyong Ipagawa sa Akin?”


“Hulyo 10–16. Mga Gawa 6–9: ‘Ano ang Nais Ninyong Ipagawa sa Akin?,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Hulyo 10–16. Mga Gawa 6–9,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

si Pablo na nakahandusay sa lupa

Conversion on the Way to Damascus [Pagbabalik-loob Habang Nasa Daan Patungong Damasco], ni Michelangelo Merisi da Caravaggio

Hulyo 10–16

Mga Gawa 6–9

“Ano ang Nais Ninyong Ipagawa sa Akin?”

Pag-aralan ang Mga Gawa 6–9 at itala ang iyong mga impresyon. Tutulungan ka nitong makatanggap ng paghahayag kung paano tutulungan ang mga miyembro ng klase na lumapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral ng mga kabanatang ito.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Sa pisara, isulat ang pangalan ng ilan sa mga taong binanggit sa Mga Gawa 6–9, katulad nina Esteban, Saulo, Felipe, Ananias, Pedro, at Tabita o Dorcas. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na magbahagi ng isang bagay na natutuhan nila mula sa isa sa mga taong ito sa kanilang pag-aaral sa linggong ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mga Gawa 7

Ang pagsalungat sa Espiritu Santo ay maaaring humantong sa hindi pagtanggap sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga lingkod.

  • Maaari mong simulan ang isang talakayan tungkol sa karanasan ni Esteban sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na rebyuhin ang mga salita ni Esteban sa Mga Gawa 7:37–53. Anong mga babala kaya ang nasa kanyang mga salita na para sa atin ngayon? Maaari kang magtuon sa pahayag ni Esteban sa Mga Gawa 7:51. Ano ang ibig sabihin ng “sumasalungat sa Espiritu Santo”? Para maunawaan nang mas malalim ang mga salitang ito, maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase ang isa o mahigit pa sa mga siping ito: 2 Nephi 28:3–6; 33:1–2; Mosias 2:36–37; Alma 10:5–6; at Alma 34:37–38. Bakit tayo “sumasalungat sa Espiritu Santo” kung minsan? Ano ang magagawa natin para mas mapansin at masunod ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo?

Mga Gawa 8:9–24

Ang ating puso ay kailangang maging “matuwid sa harapan ng Diyos.”

  • Para mapag-aralan ang salaysay tungkol kay Simon bilang isang klase, maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong na Sino si Simon? Ano ang ginusto niya? at Paano niya tinangkang makuha iyon? Atasan ang bawat miyembro ng klase na basahin ang Mga Gawa 8:9–24, na hinahanap ang mga sagot sa mga tanong na ito. Anong mga katotohanan ang hindi pa naunawaan ni Simon? Ano ang matututuhan natin mula sa karanasan ni Simon? Paano natin matitiyak na “matuwid sa harapan ng Diyos” ang ating puso? (talata 21).

  • Sa kanilang personal na pag-aaral, maaaring napansin ng ilang miyembro ng klase ang mga katangian nina Esteban at Felipe na wala kay Simon (tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Kung gayon, maaari mo silang anyayahang ibahagi ang natuklasan nila. Maaari ding magbahagi ang mga miyembro ng klase ng iba pang mga halimbawa ng mga tao mula sa Mga Gawa 6–9 na ang puso ay matuwid sa harapan ng Diyos, tulad ni Felipe at ng lalaking taga-Etiopia (tingnan sa Mga Gawa 8:26–40), ni Saulo (tingnan sa Mga Gawa 9:1–22), at ni Tabita (tingnan sa Mga Gawa 9:36–39).

    si Pedro na ibinabangon si Tabita mula sa mga patay

    Tabitha Arise [Nagbangon si Tabita], ni Sandy Freckleton Gagon

Mga Gawa 8:26–39

Tutulungan tayo ng Espiritu Santo na gabayan ang iba patungo kay Jesucristo.

  • Para maipaunawa sa mga miyembro ng klase kung paano nila magagabayan ang iba patungo kay Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 8:31), maaari mong paupuin nang magkaharap ang dalawang miyembro ng klase at ipabasa sa kanila ang pag-uusap ni Felipe at ng lalaking taga-Etiopia sa Mga Gawa 8:26–39. Maaaring basahin ng isa pang miyembro ng klase ang mga hindi bahagi ng pag-uusap. Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Felipe tungkol sa pagtuturo ng ebanghelyo sa iba?

  • Para matuklasan ang mga makabagong halimbawa ng salaysay sa Mga Gawa 8:26–39, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang kanilang mga karanasan sa pagbabahagi ng ebanghelyo o sa pagsapi sa Simbahan. Paano sila tinulungan ng Espiritu Santo? Paano nagsilbing gabay sa kanila ang isang tao? Anyayahan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan kung sino ang maaari nilang gabayan tungo sa ebanghelyo.

Mga Gawa 9

Kapag nagpasakop tayo sa kalooban ng Panginoon, maaari tayong maging mga kasangkapan sa Kanyang mga kamay.

  • Maaaring malaman ng mga miyembro ng klase ang makapangyarihang mga katotohanan tungkol sa sarili nilang pagbabalik-loob sa pamamagitan ng pag-aaral ng karanasan ni Saulo, pati na ang katotohanan na lahat ay maaaring magsisi at magbago kung handa sila. Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na ikumpara ang karanasan ni Saulo sa mga karanasan ni Alma (tingnan sa Mosias 17:1–418; 26:15–21) at ng mga Anti-Nephi-Lehi (tingnan sa Alma 24:7–12). Ano ang ginawa ng Panginoon para tulungan ang mga tao na magbalik-loob? Paano nila ipinakita ang kahandaan nilang magbago? Anong mga mensahe ang nakikita natin para sa sarili nating buhay mula sa mga salaysay na ito?

  • Para makahikayat ng talakayan tungkol sa karanasan ni Saulo, maaari mong anyayahan ang ilang miyembro ng klase na pumasok na handang ibahagi ang natututuhan nila mula sa bawat bahagi ng mensahe ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na “Paghihintay sa Daan Patungong Damasco” (Liahona, Mayo 2011, 70–77). Paano tayo naghihintay kung minsan sa sarili nating daan patungong Damasco? Ayon kay Pangulong Uchtdorf, ano ang makakatulong sa atin na mas marinig ang tinig ng Diyos? Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang kanilang mga karanasan sa paghahangad at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magpatotoo tungkol kay Jesucristo. Bilang guro, magagabayan mo ang mga miyembro ng klase na patatagin ang kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas, tulad ng ginawa ni Felipe para sa lalaking taga-Etiopia sa pagtuturo dito mula sa Isaias (tingnan sa Mga Gawa 8:26–37). Para magawa ito, kailangang may sarili kang mga karanasan sa mga banal na kasulatan na nagpapalakas ng pananampalataya. Ang patotoong ibinabahagi mo ay maaaring maging malakas na puwersa sa pagtulong sa mga miyembro ng klase na palakasin ang kanilang patotoo kay Jesucristo.