“Agosto 7–13. Roma 1–6: ‘Ang Kapangyarihan ng Diyos para sa Kaligtasan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)
“Agosto 7–13. Roma 1–6,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023
Agosto 7–13
Roma 1–6
“Ang Kapangyarihan ng Diyos para sa Kaligtasan”
Mapanalanging basahin ang Roma 1–6 na nasasaisip ang mga miyembro ng klase mo. Tutulungan ka nitong maging sensitibo sa mga pahiwatig ng Espiritu habang naghahanda kang magturo.
Mag-anyayang Magbahagi
Isiping bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng klase upang saliksikin ang Roma 1–6 para sa isang talata na tinulungan sila ng Espiritu Santo na mas maunawaan. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi sa katabi nila ang talatang pinili nila.
Ituro ang Doktrina
“Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo].”
-
Maraming tao ang nagkaroon na ng mga karanasan kung saan kinutya sila dahil sa kanilang mga paniniwala. Para matulungan ang mga miyembro ng klase kapag mayroon silang gayong mga karanasan, maaari mo silang anyayahang basahin ang Roma 1:16–17 at isipin ang mga pagkakataon sa aklat ng Mga Gawa kung saan ipinakita ni Pablo na hindi niya ikinahihiya ang ebanghelyo. Marahil ay maaari ding ibahagi ng mga miyembro ng klase ang mga dahilan kaya hindi nila ikinahihiya ang ebanghelyo ni Jesucristo. O maaari silang magbahagi ng mga karanasan kung saan ipinakita nila o ng iba na hindi nila ikinahihiya ang ebanghelyo.
Ang tunay na pagkadisipulo ay matatagpuan sa katapatan ng ating kalooban, hindi lamang sa ating mga kilos.
-
Paano natin masusuri ang ating sariling pagkadisipulo? Ang payo ni Pablo sa mga taga-Roma ay maaaring magpaalala sa atin na mas magtuon sa “puso [at] sa espiritu” (Roma 2:29) kaysa sa ipinapakitang mga kilos. Para maipaunawa sa klase mo ang payo ni Pablo, maaari mong isulat ang teksto mula sa Roma 2:28–29 sa pisara. Palitan ng Banal sa mga Huling Araw ang salitang Judio at ng tipan ang salitang pagtutuli. Ano ang idinaragdag ng pagbabagong ito sa pagkaunawa natin sa mga turo ni Pablo? Maaari mo ring talakayin ang mga halimbawa ng mga bagay na ginagawa natin bilang mga miyembro ng Simbahan na mas makabuluhan at mabisa kapag ginawa nang “[taos-]puso, sa espiritu” (Roma 2:29).
“Kung saan marami ang kasalanan, ay lalong dumarami ang biyaya.”
-
Paano mo maipauunawa sa mga miyembro ng klase ang mga turo ni Pablo tungkol sa pananampalataya, mga gawa, at biyaya? Isiping ibahagi ang sumusunod na dalawang sitwasyon para maipaunawa sa kanila na hindi natin dapat ituring na isang paraan ang ating mabubuting gawa para patunayan ang ating pagkamarapat, ni hindi natin dapat ituring na dahilan ang biyaya ni Cristo para pangatwiranan ang ating mga kamalian at kasalanan. Maaaring maghanap ng mga katotohanan ang mga miyembro ng klase sa Roma 3:20–31; 5:1–2; 6:1–2, 21–23 na maaaring makatulong kina Gloria at Justin. Anong iba pang mga katotohanan sa “Karagdagang Resources” ang magpapaunawa sa mga miyembro ng klase ng kahalagahan kapwa ng mabubuting gawa at ng biyaya ni Cristo?
Karagdagang Resources
Pananampalataya, biyaya, at mga gawa.
Sitwasyon 1
-
J. Devn Cornish, “Sapat na ba ang Kabutihan Ko? Magiging Karapat-dapat ba Ako?,” Liahona, Nob. 2016, 32–34
-
Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Ang kaligtasan ay hindi natatamo sa pagsunod; natatamo ito sa pamamagitan ng dugo ng Anak ng Diyos. … Ang biyaya ay isang kaloob ng Diyos, at ang hangarin nating sundin ang bawat utos ng Diyos ay pag-uunat ng ating mortal na kamay upang tanggapin ang sagradong kaloob na ito mula sa ating Ama sa Langit” (“Ang Kaloob na Biyaya,” Liahona, Mayo 2015, 109–10).
Sitwasyon 2
-
D. Todd Christofferson, “Magsipanahan sa Aking Pag-ibig,” Liahona, Nob. 2016, 48–51
-
Itinuro ni Pangulong Uchtdorf: “Kung ang biyaya ay isang kaloob ng Diyos, bakit napakahalagang sumunod sa mga utos ng Diyos? Bakit tayo mag-aabala sa mga utos ng Diyos—o magsisisi, para diyan? … Ang ating pagsunod sa mga utos ng Diyos ay nagiging likas na bunga ng ating walang-hanggang pagmamahal at pasasalamat sa kabutihan ng Diyos. Ang anyong ito ng tunay na pagmamahal at pasasalamat ay mahimalang isasama ang ating mga gawa sa biyaya ng Diyos” (“Ang Kaloob na Biyaya,” 109).