Bagong Tipan 2023
Oktubre 2–8. Efeso: “Sa Ikasasakdal ng mga Banal”


“Oktubre 2–8. Efeso: ‘Sa Ikasasakdal ng mga Banal,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2021)

“Oktubre 2–8. Efeso,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

pamilyang tumitingin sa mga retrato

Oktubre 2–8

Efeso

“Sa Ikasasakdal ng mga Banal”

Darating ang mga ideya at impresyon kung ano ang ituturo at paano ito ituturo habang mapanalangin mong pinag-aaralan ang Efeso, mga mensahe sa huling pangkalahatang kumperensya, ang outline na ito, at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat sa pisara sa isang pangungusap ang buod ng isang bagay na natutuhan nila sa kanilang pag-aaral sa linggong ito. Pumili ng ilang buod, at anyayahan ang mga miyembro ng klase na sumulat niyon na ibahagi ang kanilang mga naiisip.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Efeso 2:19–22; 4:4–8, 11–16

Pinalalakas at pinagkakaisa ng mga propeta at apostol—at nating lahat—ang Simbahan.

  • Maaari ba kayong magbuo ng klase mo ng isang bagay para ilarawan kung paano “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta” ang Simbahan at kung paano naging “batong panulok” ang Tagapagligtas? (Efeso 2:20). Marahil ay maaaring sulatan ng mga miyembro ng klase ang mga block o paper cup at gawing tore o pyramid ang mga ito, na si Jesucristo at ang mga apostol at propeta ang nasa pinakailalim. Pagkatapos ay maaari mong ipamalas kung ano ang mangyayari kapag inalis si Cristo o ang mga apostol at propeta. Bakit magandang metapora ang batong panulok para kay Jesucristo at sa tungkuling ginagampanan Niya sa Simbahan? (Para sa paglalarawan ng isang batong panulok, tingnan sa “Karagdagang Resources.”) Maaaring saliksikin ng mga miyembro ng klase ang Efeso 2:19–22; 4:11–16 para sa mga pagpapalang natatanggap natin dahil sa mga apostol, propeta, at iba pang mga lider ng Simbahan. Ano ang magagawa natin para maitatag ang ating buhay sa kanilang mga turo?

batong panulok ng isang gusali

Si Jesucristo ang batong panulok ng Simbahan.

  • Kung nakinig ang mga miyembro ng klase mo sa pangkalahatang kumperensya mula noong huli kayong magklase, anyayahan silang ibahagi kung paano nakatulong ang mga bagay na itinuro sa kumperensya na matupad ang mga layuning nakasaad sa Efeso 4:11–16.

  • Marahil ay maaari mong bigyan ng ilang sandali ang mga miyembro ng klase para ilista ang ilan sa mga “bokasyon” o responsibilidad natin bilang mga miyembro ng Simbahan ni Cristo (tingnan sa Efeso 4:1)—halimbawa, isang ministering brother o sister, isang mabuting magulang, isang disipulo ni Cristo, at iba pa. Pagkatapos ay maaaring makipagpalitan sila ng listahan sa ibang miyembro ng klase, basahin nila ang Efeso 4:4–8, 11–16, at ibahagi kung paano nakakatulong ang pagtupad sa mga responsibilidad na nasa kanilang listahan para mapalakas ang katawan ni Cristo. Paano tayo magtutulungan para magkaisa sa ilalim ng “isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo”?

Efeso 5:256:4

Ang pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas ay maaaring magpatatag sa ating mga relasyon sa pamilya.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na sundin ang payo ni Pablo tungkol sa mga relasyon sa pamilya, maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod: Paano natin matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paraan ng pagtrato natin sa ating mga kapamilya? (tingnan sa Efeso 5:25). Ano ang ibig sabihin ng “igalang mo ang iyong ama at ina”? Efeso 6:1–3. Paano natin palalakihin ang mga anak sa “[pag-aaruga] at pangaral ng Panginoon”? (Efeso 6:4). Maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase ang mga tanong na ito, sa mga grupo o bilang isang klase, habang binabasa nila ang kaugnay na mga talata sa banal na kasulatan. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga halimbawang nakita nila sa mga taong namumuhay sa mga paraang inilarawan ni Pablo.

Efeso 6:10–18

Ang kasuotang pandigma ng Diyos ay makakatulong na protektahan tayo laban sa kasamaan.

  • Ano ang makahihikayat sa mga miyembro ng klase na sikaping isuot ang buong kasuotang pandigma ng Diyos sa bawat araw? Maaari kang maghanda ng isang aktibidad kung saan itutugma ng mga miyembro ng klase ang mga bahagi ng kasuotang pandigma sa mga alituntunin o magagandang katangiang kinakatawan ng mga ito, tulad ng nakalarawan sa Efeso 6:14–17. Paano makakatulong ang bawat bahagi ng kasuotang pandigma para protektahan tayo laban sa kasamaan? (Para sa kaunting tulong, tingnan sa “Karagdagang Resources.”) Paano natin isusuot ang kasuotang pandigmang ito? Ano ang magagawa natin para matukoy at mapalakas ang anumang mga kahinaan sa ating kasuotang pandigma?

icon ng resources

Karagdagang Resources

Ano ang batong panulok?

Ang batong panulok ang unang batong inilalagay sa isang pundasyon. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagsukat at paglalagay ng iba pang mga bato, na kailangang nakahanay sa batong panulok. Dahil ito ang nagdadala ng bigat ng buong gusali, kailangang maging solido, matatag, at maaasahan ang batong panulok (tingnan sa “The Cornerstone,” Ensign, Ene. 2016, 74–75).

Ang kasuotang pandigma ng Diyos.

Mga baywang na nabibigkisan ng katotohanan:Ang bahaging ito ng kasuotang pandigma ay parang sinturon na nakatali sa baywang. Ang salitang nabibigkisan ay maaari ding mangahulugan ng pinalakas, pinatatag, o pinatibay.

Baluti ng katuwiran:Ang baluti ay nagpoprotekta sa puso at iba pang mahahalagang bahagi ng katawan.

Nakasuot sa mga paa ang pagiging handa para sa ebanghelyo ng kapayapaan:Tumutukoy ito sa nagpoprotektang sapin sa paa ng isang sundalo.

Kalasag ng pananampalataya:Ang kalasag ay mapoprotektahan ang halos anumang bahagi ng katawan mula sa iba’t ibang pag-atake.

Helmet ng kaligtasan:Ang helmet ay nagpoprotekta sa ulo.

Tabak ng Espiritu:Tinutulutan tayo ng tabak na gumawa ng aksyon laban sa kaaway.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Sikaping magmahal na katulad ni Cristo. Ang mga pakikipag-ugnayan mo sa mga tinuturuan mo ay dapat maganyak ng pagmamahal. Kayo ng mga tinuturuan mo ay mapagpapala kapag ipinagdasal ninyo na magkaroon kayo ng pagmamahal na tulad ng pagmamahal ni Cristo at maghanap kayo ng mga paraan para maipakita ito (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas6; Moroni 7:48).