“Oktubre 23–29. 1 at 2 Timoteo; Tito; Filemon: ‘Ikaw ay Maging Halimbawa ng mga Mananampalataya,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2021)
“Oktubre 23–29. 1 at 2 Timoteo; Tito; Filemon,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023
Oktubre 23–29
1 at 2 Timoteo; Tito; Filemon
“Ikaw ay Maging Halimbawa ng mga Mananampalataya”
Basahin ang 1 at 2 Timoteo; Tito; at Filemon na nasasaisip ang mga miyembro ng klase mo. Ang mga ideya at impresyong dumarating ay makakatulong sa iyo na ituro ang mga miyembro ng klase sa nauugnay na mga sipi sa banal na kasulatan at ipadama ang Espiritu sa klase mo.
Mag-anyayang Magbahagi
Makakatulong sa mga miyembro ng klase na makinig sa kuwento ng bawat isa tungkol sa kanilang mga tagumpay at hamon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, kapwa nang mag-isa at bilang pamilya. Isiping simulan ang klase sa pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na ikuwento ang magandang nangyayari sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan.
Ituro ang Doktrina
Ang pag-unawa sa tunay na doktrina ay makakatulong sa atin na maiwasang malinlang.
-
Ang mga miyembro ng klase mo ay nabubuhay sa isang panahon na maaaring mahirap malaman kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Nabuhay rin sina Timoteo at Tito sa gayong klase ng panahon, kaya marahil ay maaaring mahalaga ngayon ang payo ni Pablo sa kanila. Narito ang ilang talatang naglalaman ng payo ni Pablo: 1 Timoteo 1:1–7; 4:1–2, 6; 6:3–5, 20–21; 2 Timoteo 3:13–17; 4:2–4; Tito 1:7–9; 2:1, 7–8. Maaari mong atasan ang bawat miyembro ng klase na basahin ang isa sa mga siping ito at ibahagi kung ano ang natutuhan niya tungkol sa kahalagahan ng tunay na doktrina (tingnan din sa Alma 31:5). Paano tayo natutulungan ng doktrina ng Tagapagligtas na maiwasang malinlang? Maaari ding magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase kung saan napagpala sila ng bisa o kapangyarihan ng tunay na doktrina.
“Ikaw ay maging halimbawa ng mga mananampalataya.”
-
Posibleng hindi alam ng mga miyembro ng klase mo ang bisa ng mabuting halimbawang ipinapakita nila. Isiping anyayahan silang ikuwento kung paano naging mga halimbawa ng mga disipulo ni Cristo ang mga taong kilala nila, kabilang na ang kapwa nila mga miyembro ng klase. Maaaring makatulong sa talakayan kung ililista mo sa pisara ang mga salita sa talata 12 na naglalarawan kung paano tayo dapat maging isang halimbawa—pananalita, [pakikipag-usap] (na maaari ding mangahulugan ng kilos o pag-uugali), pag-ibig, espiritu, pananampalataya, at kalinisan. Maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase kung paano tayo maaaring maging mga halimbawa ng mga mananampalataya sa bawat isa sa mga paraang ito.
“Hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan kundi ng espiritu ng kapangyarihan, ng pag-ibig at ng [matinong pag-iisip].”
-
Iminumungkahi sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na tingnan ang 2 Timoteo para sa ipinayo ni Pablo upang bigyan ng lakas-ng-loob si Timoteo sa kanyang ministeryo. Hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi ang mga kabatirang natagpuan nila. O maaari mo silang bigyan ng ilang minuto sa klase para hanapin at ibahagi ang ilan sa payo ni Pablo (ang kabanata 1 ay may ilang magagandang halimbawa). Maaari din silang magbahagi ng isang karanasan kung kailan tinulungan sila ng Diyos na madaig ang kanilang mga pangamba at binigyan sila ng “espiritu ng kapangyarihan, ng pag-ibig, at ng [matinong pag-iisip]” (2 Timoteo 1:7).
Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makakatulong sa atin na madaig ang mga panganib sa mga huling araw.
-
Matapos balaan si Timoteo tungkol sa darating na “mga panahon ng kapighatian,” pinatotohanan ni Pablo ang kapangyarihan at kahalagahan ng mga banal na kasulatan (tingnan sa 2 Timoteo 3:1, 14–17). Para magpasimula ng isang talakayan kung paano tayo mapapalakas ng mga banal na kasulatan sa mahihirap na panahon, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na rebyuhin ang paglalarawan ni Pablo sa mga panganib sa mga huling araw, na nasa 2 Timoteo 3:1–7. Pagkatapos ay maaari nilang hanapin at ibahagi ang mga talata sa banal na kasulatan na nakatulong sa kanila na mag-ingat laban sa mga panganib na katulad nito (ang ilang halimbawa ay nakalista sa “Karagdagang Resources”). Paano tayo naprotektahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan mula sa mga problema ng mundo ngayon?
-
Ang pag-aaral sa payo ni Pablo tungkol sa kapangyarihan ng mga banal na kasulatan ay maaaring maging isang pagkakataon para hikayatin ng mga miyembro ng klase ang isa’t isa sa kanilang mga pagsisikap na pag-aralan ang salita ng Diyos. Marahil ay maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang 2 Timoteo 3:14–17 at tukuyin ang mga pagpapala at proteksyong nagmumula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaari silang magbahagi ng mga karanasan kung kailan natanggap nila ang mga pagpapalang ito dahil sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan. Maaari mo ring bigyan ng ilang sandali ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang magagawa nila para magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan sa mga banal na kasulatan, kapwa nang mag-isa at bilang pamilya.
Karagdagang Resources
Mga katotohanan sa banal na kasulatan na nagpoprotekta sa atin laban sa mga panganib sa mga huling araw (tingnan sa 2 Timoteo 3:2).
Mga Panganib sa mga Huling Araw |
Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
---|---|
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga maibigin sa sarili | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga mapag-imbot | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga mapagmalaki | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga palalo o mayabang | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga lapastangan | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Mga suwail sa mga magulang | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Hindi mapagpasalamat | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |
Mga Panganib sa mga Huling Araw Hindi banal | Mga Katotohanang Nagpoprotekta sa Atin |