Bagong Tipan 2023
Oktubre 9–15. Filipos; Colosas: “Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa sa pamamagitan [ni Cristo na] Nagpapalakas sa Akin”


“Oktubre 9–15. Filipos; Colosas: ‘Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa sa pamamagitan [ni Cristo na] Nagpapalakas sa Akin,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2021)

“Oktubre 9–15. Filipos; Colosas,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

si Pablo na nagdidikta ng isang liham mula sa bilangguan

Oktubre 9–15

Filipos; Colosas

“Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa sa pamamagitan [ni Cristo na] Nagpapalakas sa Akin”

Magsimula sa pagbasa sa Filipos at Colosas, at mapanalanging pagnilayan ang doktrinang nais ng Panginoon na ituro mo. Hayaang gabayan ka ng Espiritu habang iniisip mo ang mga tanong at resources na maaari mong gamitin sa pagtuturo ng doktrinang ito.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng isang salita o parirala na nagbubuod ng natutuhan nila mula sa Filipos at Colosas at pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit nila pinili ang salita o pariralang iyon. Hikayatin silang ibahagi ang mga talata sa banal na kasulatan bilang bahagi ng kanilang paliwanag.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Filipos 2:1–5, 14–18; 4:1–9; Colosas 3:1–17

Tayo ay nagiging “bago” kapag ipinamumuhay natin ang ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Maaari mong tulungan ang mga miyembro ng klase mo na ilarawan sa kanilang isipan kung ano ang kahulugan ng “[hubarin] ang dating pagkatao” at “[magbihis] ng bagong pagkatao” sa pamamagitan ni Jesucristo (Colosas 3:9–10). Para magawa ito, maaari kang magdispley ng mga larawan noon at ngayon ng isang lumang bagay na naging bago (tulad ng isang kasangkapan sa bahay, isang tahanan, o isang bisikleta). Maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase kung paano tayo nagiging “bago” sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesucristo at ng kahandaan nating ipamuhay ang Kanyang ebanghelyo. Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari mong hilingin sa kalahati ng klase na pag-aralan ang Filipos 2:1–5, 14–18; 4:1–9 at sa natitirang kalahati na pag-aralan ang Colosas 3:1–17, na tinutukoy ang mga katangian ng “dating pagkatao” at ng “bagong pagkatao.” Maaari mo ring anyayahan ang ilang miyembro ng klase na ibahagi kung paano nakatulong sa kanila ang pagsampalataya kay Jesucristo at pamumuhay ng Kanyang ebanghelyo na maging bagong mga tao.

Filipos 4:1–13

Maaari tayong magalak kay Cristo, anuman ang ating sitwasyon.

  • Kahit iba ang sitwasyon natin kay Pablo, matututo tayong lahat sa kahandaan niyang maging kuntento at magalak sa lahat ng sitwasyon sa kanyang buhay. Para magpasimula ng isang talakayan tungkol sa paksang ito, maaari ninyong rebyuhin ang ilan sa mga pagsubok na naranasan ni Pablo (tingnan, halimbawa, sa 2 Corinto 11:23–28). Pagkatapos ay maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na rebyuhin ang Filipos 4:1–13 para mahanap ang payo ni Pablo na makakatulong sa atin na magalak, maging sa mga oras ng pagsubok.

  • Marahil ay maaaring magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase kung kailan nadama nila “ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip” (Filipos 4:7) o napalakas sila “sa pamamagitan [ni Cristo]” (talata 13) upang maisakatuparan ang isang bagay na hindi sana nila nagawa kung wala iyon.

  • Kung gusto mong siyasatin pa ang paksang ito, maaari mong hilingin sa isang miyembro ng klase na magbahagi ng ilang nagbibigay-inspirasyong salaysay o pahayag mula sa mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan” (Liahona, Nob. 2016, 81–84). Paano nagkaroon ng kagalakan ang mga tao sa mensahe ni Pangulong Nelson, sa kabila ng kanilang mahihirap na sitwasyon?

    2:50
  • Dahil lumalala ang kasamaan sa mundo ngayon, makikinabang ang mga miyembro ng klase mo sa payo ni Pablo na “isipin” ang mga bagay na dalisay, kaaya-aya, magandang balita, marangal, o kapuri-puri (Filipos 4:8). Marahil ay maaari mong iatas sa bawat miyembro ng klase (o maliliit na grupo ng mga miyembro ng klase) ang isa sa mga katangiang nakalista sa Filipos 4:8 o sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13. Maaaring gamitin ng bawat isa ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan para maghanap ng mga talata tungkol sa katangiang nakaatas sa kanila at ibahagi sa klase ang nakita nila. Maaari din silang magbahagi ng mga halimbawa ng katangiang iyon sa buhay ng mga tao. Paano natin “hinahangad … ang mga bagay na ito”?

Colosas 1:12–23; 2:2–8

Kapag ang ating pananampalataya ay “nakaugat” kay Jesucristo, tumitibay tayo laban sa mga impluwensya ng mundo.

  • Ang patotoo ni Pablo tungkol sa Tagapagligtas na matatagpuan sa Colosas 1:12–23; 2:2–8 ay nagbibigay ng magandang pagkakataon para pagnilayan at palakasin ng mga miyembro ng klase ang sarili nilang pananampalataya. Maaaring saliksikin ng mga miyembro ng klase ang mga talatang ito para makita ang mga bagay na nagpapalakas sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Ano ang ibig sabihin ng “nakaugat at nakatayo [kay Jesucristo]”? (Colosas 2:7). Ang larawan ng puno sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa mga miyembro ng klase na talakayin ang talatang ito. Ano ang maaaring magpalakas o magpahina sa mga ugat ng isang puno? Paano tayo pinatitibay ng pagiging “nakaugat at nakatayo kay [Jesucristo]” laban sa mga impluwensya ng mundo? (tingnan sa Colosas 2:7–8; tingnan din sa Helaman 5:12; Eter 12:4).

    2:24
  • Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na ilista ang mga bagay na itinuturo sa Colosas 1:12–23; 2:2–8 na magagawa natin para maiwasan ang “walang kabuluhang pandaraya” na “bumihag” sa ating pananampalataya kay Cristo (Colosas 2:8). Paano natin masusuportahan ang isa’t isa sa ating mga pagsisikap na sundin ang Tagapagligtas at iwasan ang mga panlilinlang ni Satanas?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gumamit ng musika. Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo. Makalilikha ito ng mapitagang kapaligiran at maghihikayat ng katapatan at pagkilos. Isipin kung paano maaaring maging bahagi ng klase mo ang “magturo at magpaalalahanan kayo sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno” (Colosas 3:16; tingnan din sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas22).