Bagong Tipan 2023
Disyembre 18–24. Pasko: “Magandang Balita ng Malaking Kagalakan”


“Disyembre 18–24. Pasko: ‘Magandang Balita ng Malaking Kagalakan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2021)

“Disyembre 18–24. Pasko,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

bagong silang na sanggol

Little Lamb [Munting Kordero], ni Jenedy Paige

Disyembre 18–24

Pasko

“Magandang Balita ng Malaking Kagalakan”

Nakaaantig sa espiritu ang mga talakayan tungkol sa ebanghelyo kapag nakasentro ang mga ito kay Jesucristo. Habang pinag-aaralan mo ang pagsilang at misyon ni Jesucristo ngayong linggo, hangarin ang inspirasyon mula sa Espiritu Santo na malaman kung paano mo mas maitutuon sa Tagapagligtas ang talakayan sa klase mo.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ipabahagi sa mga miyembro ng klase kung ano ang ginagawa o nagawa nila noon bilang mga indibiduwal o pamilya para ipagdiwang ang pagsilang ng Tagapagligtas sa mga paraan na mas naglalapit sa kanila sa Kanya.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mateo 1:18–25; Lucas 1:26–38; 2:1–20

Nagpakababa si Jesucristo para maisilang sa mundo.

  • Ang Pasko ay magandang panahon para pagnilayan at ipagdiwang ang pagpapakababa ni Cristo—ang Kanyang kahandaang iwan ang “mga luklukan ng kanyang Ama sa langit, upang mamuhay sa piling ng tao, upang mamatay para sa tao” (“Again We Meet around the Board,” Hymns, blg. 186). Para makahikayat ng talakayan tungkol sa paksang ito, maaari mong itanong sa mga miyembro ng klase kung ano ang natutuhan nila sa personal na pag-aaral nila o ng pamilya sa linggong ito kung sino si Jesucristo bago Siya isinilang (tingnan sa Juan 17:5; Mosias 7:27; Doktrina at mga Tipan 76:12–14, 20–24; Moises 4:2). Pagkatapos ay maaari mong idispley ang larawang nasa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang binabasa ng mga miyembro ng klase ang tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 1:18–25; Lucas 1:26–38; 2:1–20). Hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iniisip at nadarama habang ikinukumpara nila ang kaluwalhatian ng Tagapagligtas noong bago Siya isinilang at noong Kanyang abang pagsilang.

  • Ang isang tanong na tulad ng itinanong ng anghel kay Nephi sa 1 Nephi 11:16 ay maaaring magandang paraan para magpasimula ng talakayan sa klase, bagama’t maaari mong baguhin ang mga salita. Maaari mo sigurong isulat sa pisara ang Ano ang pagpapakababa ng Diyos? at hilingin sa mga miyembro ng klase na pagnilayan ang tanong na ito habang binabasa nila ang 1 Nephi 11:17–33. Magpabahagi sa kanila ng anumang mga ideya tungkol sa Tagapagligtas na binibigyang-inspirasyon ng mga talatang ito. Anong mga larawan ang maaari mong ipakita sa klase na nagpapamalas ng mga tagpo mula sa buhay ng Tagapagligtas na inilarawan ni Nephi?

NaN:NaN
2:43
  • Ang musika ay isang napakagandang paraan para maanyayahan ang Espiritu sa klase mo. Isiping anyayahan ang isang tao na magtanghal ng isang awiting Pamasko o sama-samang magbasa o kumanta ng ilang himno bilang klase (tingnan sa Mga Himno, blg. 124–131). Maaaring maghanap ang mga miyembro ng klase ng mga parirala sa mga himnong ito at sa mga talata ng banal na kasulatan na nakalista sa mga himno na nagpapaibayo sa kanilang pasasalamat para sa Tagapagligtas at sa kahandaan Niyang pumarito sa lupa.

si Jesus na nakaluhod sa Halamanan ng Getsemani

Gethsemane [Getsemani], ni J. Kirk Richards

Lucas 4:16–21; Juan 3:16

Tinupad ni Jesucristo ang Kanyang misyon, na ginawang posible na magmana tayo ng buhay na walang hanggan.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na talakayin ang mga dahilan kaya isinilang si Jesucristo, maaari mo silang anyayahang hanapin at ibahagi ang mga talata sa banal na kasulatan na nagbubuod sa Kanyang misyon (tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para sa ilang halimbawa). Marahil ay maaaring maghanap at magbasa ng mga talata ang mga miyembro ng klase nang magkakapares o sa maliliit na grupo. Ano ang nalaman nila tungkol sa misyon ni Cristo mula sa mga talatang nakita nila? Ano ang natutuhan natin tungkol sa Kanyang misyon mula sa ilan sa mga titulong ibinigay sa Kanya sa mga banal na kasulatan? (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Jesucristo”).

  • Maaaring matutuhan ng mga miyembro ng klase ang tungkol sa misyon ng Tagapagligtas sa pagbabasa sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maglaan ng oras para makapagbahagi ang mga estudyante. “Kapag ibinahagi ng mga mag-aaral ang kanilang natututuhan, hindi lang nila madarama ang Espiritu at mapapalakas ang sarili nilang patotoo, kundi mahihikayat din nila ang iba pang mga miyembro ng klase na tuklasin ang mga katotohanan para sa kanilang sarili. … Maglaan ng oras para sa pagbabahagi ng mga estudyante sa bawat lesson—sa ilang pagkakataon, malalaman mo na ang mga talakayang ito ay ang lesson mismo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas30).