Lumang Tipan 2022
Enero 3–9. Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: “Nang Pasimula ay Nilikha ng Dios ang Langit at ang Lupa”


“Enero 3–9. Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: ‘Nang Pasimula ay Nilikha ng Dios ang Langit at ang Lupa,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Enero 3–9. Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
larawan ng daigdig at buwan

Enero 3–9

Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5

“Nang Pasimula ay Nilikha ng Dios ang Langit at ang Lupa”

Para makapaghandang magturo, basahin at pagnilayan muna ang Genesis 1–2; Moises 2–3; at Abraham 4–5, at itala ang iyong mga espirituwal na impresyon. Matutulungan ka ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ng mga ideya sa ibaba na unawain at ituro ang doktrina sa mga kabanatang ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Paulit-ulit na ipinahayag ng Diyos na ang mga bagay na Kanyang ginawa noong Paglikha ay “mabuti” (tingnan sa Moises 2:4, 10, 12, 18, 21, 25, 31). Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang mabubuting bagay na nakita nila nang basahin nila ang mga banal na kasulatan sa bahay sa linggong ito. Ano ang mabuti sa mga bagay na natuklasan nila?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Genesis 1; Moises 2; Abraham 4

“Nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.”

  • Maaaring napansin ng mga miyembro ng klase ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa mga salaysay tungkol sa paglikha sa mga aklat ng Genesis, Moises, at Abraham. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na ibahagi kung ano ang idinaragdag ng pagsasalin ni Joseph Smith sa Moises 2 sa ating pang-unawa tungkol sa salaysay ng Paglikha sa Genesis 1. Anong mga karagdagang kabatiran ang natatamo natin mula sa Abraham 4? Para mas maraming tao ang makapagbahagi, maaari mong hikayatin ang klase na gawin ang pagkukumparang ito nang magkakapares o sa maliliit na grupo. (Ang ilan sa mga talata na may mahahalagang pagkakaiba ay nakatala sa “Karagdagang Resources.”) Paano tayo nakikinabang sa pagkakaroon ng maraming salaysay? Ano ang ipinahihiwatig ng mga salaysay na ito kung ano ang nais ng Diyos na malaman natin tungkol sa Paglikha?

  • Nang likhain ng Diyos sina Adan at Eva, binigyan Niya sila ng kapangyarihan sa lupa at sa iba pang nilikha Niya roon (tingnan sa Genesis 1:28; Moises 2:28; Abraham 4:28). Paano tayo tinutulungan ng Doktrina at mga Tipan 59:16–21 at 104:13–18 na mas maunawaan ang kahulugan ng gumamit ng matuwid na pamamahala sa lupa?

  • Ilang araw bago magklase, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magdala ng mga larawang kinunan nila o mayroon sila sa bahay na nagpapaalala sa kanila sa kagandahan ng mga likha ng Diyos. Paano naaapektuhan ng kaalaman tungkol sa malikhaing gawain ng Panginoon ang ating damdamin tungkol sa Kanya, sa ating sarili, at sa mundo? Maaari ring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang mga mensahe na sa pakiramdam nila ay ibinigay ng Diyos para sa atin sa mga salaysay tungkol sa Paglikha sa Genesis 1; Moises 2; at Abraham 4. Ang pagkanta o pakikinig sa isang awitin tungkol sa Paglikha, tulad ng “Para sa Angking Kariktan ng Mundo” (Mga Himno, blg. 35) ay maaaring magpadama sa mga miyembro ng klase ng pasasalamat sa mga likha ng Diyos.

    Larawan
    quilt na nagpapakita ng iba’t ibang yugto ng paglikha

    Paglikha, ni Joan Hibbert Durtschi

Genesis 1:26–28; Moises 2:26–28; Abraham 4:26–28

Tayo ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos.

  • Bakit mahalagang maunawaan natin na tayo ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos? Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang katotohanang ito? Maaari nilang basahin ang Genesis 1:26–28; Moises 2:26–28; Abraham 4:26–28; o ang ikalawang talata ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist.org). Paano naaapektuhan ng katotohanang ito ang pagtingin natin sa ating sarili, sa iba, at sa Diyos? Maaaring maghanap ng iba pang mga kabatiran ang mga miyembro ng klase sa mga himnong tulad ng “Aking Ama” o “Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, blg. 182, 189).

  • Nagpatotoo si Pangulong Russell M. Nelson tungkol sa mahimalang katawan ng tao (tingnan sa “Salamat sa Diyos,” Liahona, Mayo 2012, 77–80). Isiping ibahagi ang mensaheng ito bago basahin ang Genesis 1:26–28; Moises 2:26–28; o Abraham 4:26–28 sa klase. Paano pinalalalim ng patotoo ni Pangulong Nelson ang ating pasasalamat para sa mga katotohanang ito sa mga talatang ito?

Genesis 1:27–28; Moises 3:18, 21–25; Abraham 5:14–19

Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay inorden ng Diyos.

  • Maraming pananaw tungkol sa kasal sa mundo ngayon ang lihis sa walang-hanggang katotohanan. Para matulungan ang iyong klase na matuto tungkol sa mga pananaw ng Diyos tungkol sa kasal, maaari mo silang anyayahang basahin ang Genesis 1:27–28; Moises 3:18, 21–25; o Abraham 5:14–19 at ilista sa pisara ang mga katotohanang natagpuan nila. Maaari nilang idagdag sa kanilang listahan ang mga katotohanang natagpuan nila sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist.org). Bakit mahalaga sa atin ang mga katotohanang ito?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pagkukumpara ng mga kuwento tungkol sa Paglikha.

Genesis

Moises

Abraham

Genesis

Genesis 1:1

Moises

Moises 2:1

Abraham

Abraham 4:1

Genesis

Genesis 1:16

Moises

Moises 2:16

Abraham

Abraham 4:16

Genesis

Genesis 1:26–27

Moises

Moises 2:26–27

Abraham

Abraham 4:26–27

Genesis

Genesis 1:30

Moises

Moises 2:30

Abraham

Abraham 4:30

Genesis

Genesis 2:5

Moises

Moises 3:5

Abraham

Abraham 4:30

Genesis

Genesis 2:5

Moises

Moises 3:5

Abraham

Abraham 5:5

Genesis

Genesis 2:7

Moises

Moises 3:7

Abraham

Abraham 5:7

Genesis

Genesis 2:9

Moises

Moises 3:9

Abraham

Abraham 5:9

Genesis

Genesis 2:17–19

Moises

Moises 3:17–19

Abraham

Abraham 5:13–14

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga mag-aaral na ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa kanilang sarili. “Ang mga katotohanang ito ng ebanghelyo na nagbigay-inspirasyon at nagpatibay kina Abraham, Esther, Lehi, at Joseph Smith ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na harapin ang mga hamon ng ating panahon” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 21). Hikayatin ang mga mag-aaral na iangkop ang mga alituntuning natatagpuan nila sa mga banal na kasulatan sa mga sarili nilang sitwasyon.

Print