Lumang Tipan 2022
Enero 24–30. Moises 7: “Tinawag ng Panginoon ang Kanyang mga Tao na Sion”


“Enero 24–30. Moises 7: ‘Tinawag ng Panginoon ang Kanyang mga Tao na Sion,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Enero 24–30. Moises 7,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
maraming taong nakikisalamuha sa mapagmahal na mga paraan

Love One Another [Mahalin ang Isa’t Isa], ni Emma Donaldson Taylor

Enero 24–30

Moises 7

“At Tinawag ng Panginoon ang Kanyang mga Tao na Sion”

Habang pinag-aaralan mo ang Moises 7, isipin ang mga taong tinuturuan mo at kung paano mo maipauunawa sa kanila ang itinuturo sa kabanatang ito tungkol sa Sion at ang iba pang mga alituntunin ng ebanghelyo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Kung minsa’y sapat na ang isang simpleng tanong at ilang minuto ng pagninilay-nilay upang matulungan ang mga tao na ibahagi ang natututuhan nila sa bahay. Marahil ay maaari mong bigyan ng kaunting panahon ang mga miyembro ng klase na rebyuhin ang Moises 7, maghanap ng isang talatang nagpapadama sa kanila ng pasasalamat para sa mga katotohanang ipinanumbalik sa aklat ni Moises, at pagkatapos ay ibahagi ito.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Moises 7:16–21, 27, 53, 62–69

Maaari nating itayo ang Sion sa ating panahon.

  • Ano ang pinakamainam na paraan para maipakilala ang konsepto ng Sion sa iyong klase? Maaaring ang isang ideya ay kontakin ang mga miyembro ng klase sa buong linggo bago magklase at anyayahan silang magdala ng isang bagay mula sa bahay na sa tingin nila ay kumakatawan sa mga katangian ng mga mamamayan ng Sion, tulad ng inilarawan sa Moises 7:18. Habang sama-sama ninyong tinatalakay ang talatang ito, maaaring ipaliwanag ng mga miyembro ng klase ang kahalagahan ng bagay na dinala nila.

    Larawan
    mga taong bumabati sa isa’t isa

    Dapat tayong magsikap na magkaroon ng “isang puso at isang isipan” (Moises 7:18).

  • Simulan ang isang talakayan tungkol sa kung paano tayo magkakaroon “ng isang puso at isang isipan” (Moises 7:18) sa ating mga ward at pamilya. Isiping hilingin sa mga miyembro ng klase na mag-isip ng mga pagkakataon na nadama nila na may pagkakaisa sa kanilang pamilya o habang naglilingkod kasama ng iba pang mga tao sa Simbahan o komunidad. Ano ang ginawa ng mga tao upang magkaroon ng pagkakaisa sa mga sitwasyong ito? Ano ang matututuhan natin tungkol sa Sion at pagkakaisa mula sa Moises 7? (tingnan lalo na sa mga talata 16–21, 27, 53, 62–69). Narito ang ilang iba pang mga talatang maaaring makatulong: Mga Taga Filipos 2:1–4; 4 Nephi 1:15–18; Doktrina at mga Tipan 97:21; 105:5.

Moises 7:28–44

Nananangis ang Diyos para sa Kanyang mga anak.

  • Maaaring ang tingin ng ilang tao sa Diyos ay malayo, mahirap lapitan, at walang pakialam. Paano mo magagamit ang pangitain ni Enoc para maipaunawa sa klase mo na kabahagi ang Diyos sa ating buhay at may malasakit Siya sa atin? Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang Moises 7:28–44 at ilista ang ilan sa mga dahilan kaya nananangis ang Diyos. Ano ang itinuturo sa inyo ng mga talatang ito kung ano ang nadarama ng Diyos tungkol sa Kanyang mga anak? Makakatulong ang pahayag sa “Karagdagang Resources” sa talakayang ito.

  • Iminumungkahi sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na pagnilayan kung ano ang itinuturo sa Moises 7:28–31, 35 tungkol sa Diyos. Ang mga gumawa nito sa bahay ay maaaring handang ibahagi sa klase ang kanilang mga iniisip. O maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang mga talatang ito at talakayin ang mga ito sa klase.

Moises 7:59–67

Paparitong muli ang Panginoon sa mga huling araw.

  • Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng iyong klase na tuklasin kung ano ang itinuturo sa Moises 7:59–67 tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Maaari mo sigurong ilista sa pisara ang dalawa o tatlong katotohanan o pangyayari mula sa mga talatang ito at hilingin sa mga miyembro ng klase na saliksikin ang mga talata at dagdagan ang listahan. Bakit pagpapala ang magkaroon ng tala ng pangitain ni Enoc—isa sa mga pinakaunang propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Nananangis ang Diyos para sa Kanyang mga anak.

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland:

“Sa gitna ng magandang pangitain ng sangkatauhan na ipinakita ng langit kay Enoc, habang minamasdan ang mga biyaya at hamon ng mortalidad, lumingon siya sa Ama at nagulat na makita Siyang nananangis. Nagtataka at gulat niyang sinabi sa pinakamakapangyarihang Nilikha sa buong sansinukob: ‘Paanong kayo ay nananangis?’ …

“Habang nakamasid sa mga pangyayari sa halos buong panahon, sumagot ang Diyos: ‘Masdan ang iyong mga kapatid; sila ay gawa ng sarili kong mga kamay. … Ibinigay ko sa kanila ang … [isang] kautusan, na kanilang nararapat mahalin ang isa’t isa, at na kanilang nararapat piliin ako, na kanilang Ama; subalit masdan, sila ay walang pagmamahal, at kinapopootan nila ang kanilang sariling dugo. … Dahil dito, hindi ba nararapat lamang na manangis ang kalangitan, nakikitang sila ay magdurusa?’ [Moises 7:29–33, 37].

“Mas malaki ang nagawa ng kaisa-isang nakaaantig na tagpong iyon sa pagtuturo ng tunay na katangian ng Diyos kaysa sa anumang naisulat sa relihiyon. … Di malilimutan ang paglalarawang ito ng pagmamalasakit ng Diyos sa ating buhay! Napakasakit sa isang magulang kapag hindi Siya pinili ng Kanyang mga anak ni ‘ang ebanghelyo ng Diyos’ na Kanyang [ipinadala]! [Mga Taga Roma 1:1]. Kaydaling mahalin ang [nagmamahal sa atin sa pambihirang paraan]!” (“Ang Kadakilaan ng Diyos,” Liahona, Nob. 2003, 71–72).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hikayatin ang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa tahanan. Ang isang paraan na mahihikayat mo ang pag-aaral ng banal na kasulatan sa tahanan ay ang paglalaan ng oras para maibahagi ng mga miyembro ng klase ang mga natuklasan at ideya mula sa kanilang personal na pag-aaral at pag-aaral ng pamilya. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 29.)

Print