“Kailangan bang malaman ng anak kong may kapansanan ang tungkol sa ebanghelyo?” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)
“Kailangan bang malaman ng anak kong may kapansanan ang tungkol sa ebanghelyo?” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga
Kailangan bang malaman ng anak kong may kapansanan ang tungkol sa ebanghelyo?
Itinuro sa atin sa mga banal na kasulatan na “lahat ng [inyong] mga anak ay tuturuan ng Panginoon” (3 Nephi 22:13). Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith na “lahat ng isipan at espiritung pinababa ng Diyos sa mundo ay may kakayahang umunlad” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 244). Ipagdasal na malaman kung ano ang magagawa ninyo upang matulungan ang inyong mga anak o mahal sa buhay na may kapansanan na matutuhan ang ebanghelyo. Maaaring kailanganin dito na iakma ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagtuturo sa tahanan ayon sa kanilang mga pangangailangan. Bigyan sila ng mga angkop na oportunidad na tutulong sa kanila na mas mapalapit sa Panginoon. Halimbawa, maaari ninyong hilingin sa kanila na mamuno sa pagkanta ng mga himno, manalangin, o magbasa ng mga talata sa banal na kasulatan. Anyayahan silang magbahagi ng kanilang mga patotoo at alamin pa ang tungkol sa ebanghelyo sa paraang mauunawaan nila. Turuan sila tungkol sa kanilang banal na kahalagahan at potensyal.
Kung ipararating nila sa inyo ang hangaring sumulong sa landas ng tipan, tulungan sila kung kailangan para sumulong. Tandaan, may kalayaan silang pumili at maaaring pumili kung ano ang papel na gagampanan ng ebanghelyo sa kanilang buhay. Gayunman, iniutos ng Panginoon na ang “lahat ng tao ay may pribilehiyo, ang isa tulad ng iba, at walang pinagbabawalan” (2 Nephi 26:28).
Tingnan ang listahan ng mga banal na kasulatan, kurikulum, magasin, at iba pang resources sa mga Mga Format na Magagamit.