Mga Kapansanan
Pambungad


“Pambungad,” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)

“Pambungad,” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga

Pambungad

Larawan
Girl in wheelchair being helped out of car

Ang malaman na ang isang mahal sa buhay ay may kapansanan o matagal nang may problema sa kalusugan ay maaaring magdulot ng maraming emosyon. Ang mga damdaming tulad ng pagkalito, galit, kabiguan, pagkainis, at kalungkutan sa Diyos o sa iba ay normal at maaaring maging bahagi ng proseso ng pag-unawa sa nangyayari. Maaaring mapagod ang inyong damdamin at maging ang inyong katawan. Bagama’t hindi pa naihayag ng Diyos ang lahat ng bagay sa atin ngayon, maaari tayong magtiwala na Siya ay mapagmahal na Diyos at nagmamalasakit Siya sa inyo at sa inyong mahal sa buhay. Lumapit sa Ama sa Langit at tulutan ang Kanyang Espiritu na panatagin at turuan kayo.

May plano ang Diyos para sa kaligayahan ng inyong pamilya rito at maging sa mga kawalang-hanggan. Bagama’t hindi maaaring alisin ng ating Ama sa Langit ang lahat ng hamon na kinakaharap ninyo ngayon, maaari Niyang pagaanin ang inyong mga pasanin at bigyan kayo ng lakas na tiisin ang mga ito, tulad ng ginawa Niya sa mga tao ni Alma (tingnan sa Mosias 24:10–15).

Print