“Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan,” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)
“Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan,” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga
Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan
-
Maaari bang mabinyagan ang inaalagaan kong anak o indibiduwal? Kung hangad ng isang indibiduwal na magpabinyag, iparating ang kagustuhan ng inyong anak sa inyong bishop o branch president. Karaniwan, ang mga ordenansa ay hindi ipinagkakait kung ang mga indibiduwal ay karapat-dapat, may hangaring matanggap ang mga ito, at maaaring magpamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan (tingnan sa General Handbook: Serving in the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints [Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw], 38.2.1.8; Katie E. Steed, “Is My Child With a Disability Ready to Be Baptized? [Handa na bang Mabinyagan ang Anak Kong may Kapansanan?]” Liahona Hunyo 2020, 50–53).
-
Maaari bang makilahok sa mga ordenansa sa templo ang aking anak o inaalagaan kong indibiduwal? Ang mga indibiduwal na may hangaring makapunta sa templo ay dapat iparating ang hangaring iyan sa kanilang bishop o branch president. Matutulungan niya silang gumawa ng pinakamabuting desisyon tungkol sa pagtanggap ng mga ordenansa sa templo at matutulungan silang maghanda sa pagtanggap ng mga ordenansang ito sa tamang panahon. Karaniwan, ang mga ordenansa ay hindi ipinagkakait kung ang isang tao ay karapat-dapat, may hangaring matanggap ang mga ito, at maaaring magpamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan. Dapat din nilang maunawaan ang mga layunin at walang-hanggang kabuluhan ng mga templo.
-
Maaari bang tumanggap ng priesthood ang inaalagaan kong anak o indibiduwal? Lahat ng kalalakihang nasa edad na para tumanggap ng priesthood ay hinihikayat na tumanggap ng priesthood. Kung may hangarin ang tao na tumanggap ng priesthood, dapat nilang kausapin ang bishop o branch president tungkol sa kanilang mga hangarin. Karaniwan, ang priesthood ay hindi ipinagkakait kung sila ay karapat-dapat, may hangaring matanggap ito, at nagpapamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan (tingnan sa General Handbook [Pangkalahatang Hanbuk], 38.2.5.4).
-
Maaari bang magmisyon ang inaalagaan kong anak o indibiduwal? Maraming oportunidad na makapagmisyon ang mga miyembrong may kapansanan na may hangaring magmisyon. Para malaman ang mga pagkakataong makapagmisyon para sa mga miyembrong may kapansanan, tingnan sa ChurchofJesusChrist.org/service-missionary o sa seniormissionary.ChurchofJesusChrist.org.