“Paano ko matutulungan ang aking mahal sa buhay sa landas ng tipan?” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)
“Paano ko matutulungan ang aking mahal sa buhay sa landas ng tipan?” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga
Paano ko matutulungan ang aking mahal sa buhay sa landas ng tipan?
Ang mga indibiduwal na may kapansanan ay dapat bigyan ng pagkakataong matuto at sumulong sa ebanghelyo ayon sa kanilang mga kakayahan at hangarin. Kung ang inyong mahal sa buhay ay nagpapahayag ng hangaring gumawa ng mga sagradong tipan na makakatulong sa kanyang pagsulong sa landas ng tipan, ipagdasal ang mga desisyong ito at pagkatapos ay talakayin ang mga hangaring iyon sa inyong bishop o branch president. Ang mga ordenansa ay hindi ipinagkakait kung ang tao ay karapat-dapat, nais matanggap ang mga ito, at nagpapamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan. Ang mga taong may kapansanan sa pag-iisip at hindi sapat ang kakayahang gumawa ng mga desisyon o magsisi ay maaaring ituring ng bishop o branch president na walang pananagutan. (Tingnan sa General Handbook: Serving in the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints [Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw], 38.2.1.8; tingnan din sa Moroni 8:5–26.)