“Lahat ng Bata ay Pantay-pantay sa Diyos at Nilalang sa Kanyang Sariling Larawan,” Disability Services: Resources (2020)
“Lahat ng Bata ay Pantay-pantay sa Diyos at Nilalang sa Kanyang Sariling Larawan,” Disability Services: Resources
Lahat ng Bata ay Pantay-pantay sa Diyos at Nilalang sa Kanyang Sariling Larawan
“Sa mundo ngayon, saan man tayo nakatira at anuman ang ating kalagayan, kailangan na ang pinakamahalaga nating identidad ay bilang anak ng Diyos” (Donald L. Hallstrom, “Ako ay Anak ng Diyos,” Liahona, Mayo 2016, 28).
“Hindi tumitingin ang Diyos sa panlabas na anyo (tingnan sa 1 Samuel 16:7). Naniniwala ako na hindi mahalaga sa Kanya kung nakatira tayo sa palasyo o sa kubo, kung guwapo tayo o pangkaraniwan, kung tanyag tayo o kinalimutan. Kahit nagkukulang tayo, lubos tayong mahal ng Diyos. Kahit hindi tayo perpekto, sakdal ang pag-ibig Niya sa atin. Kahit nadarama nating naligaw tayo at walang gabay, yakap tayo ng pag-ibig ng Diyos.
“Mahal Niya tayo dahil puspos Siya ng walang-hangganang banal, dalisay, at di-maipaliwanag na pag-ibig. Mahalaga tayo sa Diyos hindi dahil sa ating résumé kundi dahil tayo ay Kanyang mga anak. Mahal Niya tayong lahat, maging ang mga taong nagkasala, itinakwil, asiwa, malungkutin, o sawi. Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos kaya mahal Niya kahit ang hambog, sakim, mayabang, at masama” (Dieter F. Uchtdorf, “Ang Pag-ibig sa Diyos,” Liahona, Nob. 2009, 22–23).