Mga Kapansanan
Mga Home Evening Lesson tungkol sa Kamalayan at Pagsasali sa mga May Kapansanan


“Mga Home Evening Lesson tungkol sa Kamalayan at Pagsasali sa mga May Kapansanan,” Disability Services: Resources (2020)

“Mga Home Evening Lesson tungkol sa Kamalayan at Pagsasali sa mga May Kapansanan,” Disability Services: Resources

Mga Home Evening Lesson tungkol sa Kamalayan at Pagsasali sa mga May Kapansanan

Family playing games together

Layunin

Ipaunawa sa mga miyembro ng pamilya:

  • Ang mga bagay na magandang gawin kapag may nakilala kayong isang tao na may kapansanan

  • Lahat ng anak ng Diyos ay maaaring magtulungan

Mga Himno at Awit

Lesson para sa mga Batang Musmos

Bilang isang pamilya, basahin ang “Sina Katie at Quincy” mula sa Disyembre 2018 na Kaibigan. Talakayin ang bahaging “Mga Kaibigang May mga Kapansanan” sa ilalim ng kuwento, kabilang na ang ilan sa mga bagay na magandang gawin at mga bagay na hindi ninyo dapat gawin kapag may nakilala kayong isang tao na may kapansanan.

Aktibidad para sa mga batang musmos: Magdula-dulaan na may nakilalang isang tao na may espesyal na pangangailangan. Magsanay na gawin ang ilan sa mga bagay na dapat ninyong gawin kapag nakilala ninyo sila. Tingnan kung mahuhulaan ng mga miyembro ng pamilya ang ginagawa ninyo mula sa listahan ng mga mungkahi sa artikulo.

Lesson para sa Kabataan

Bilang isang pamilya, basahin ang “Really Seeing the Gospel” mula sa October 2018 na New Era. Pagkatapos ay talakayin ang sumusunod:

  • Ano ang ilan sa mga bagay na hinangaan ninyo tungkol kay Conner?

  • Ano ang ilang bagay na ginawa ng pamilya at mga kaibigan ni Conner na hinangaan ninyo?

  • Maaari ba kayong magbahagi ng anumang karanasan sa buhay kung saan naimpluwensyahan kayo ng isang taong may kapansanan?

  • May kapansanan ba kayo? Ano ang mga bagay na nagawa ng iba na hindi nakatulong? Ano ang ilang bagay na nagawa ng iba na nakatulong? Ano ang ipinadama sa inyo ng mga sitwasyong ito?

  • Paano ninyo maipadarama sa lahat ng anak ng Diyos na sila ay minamahal at tanggap?

Hamon

Tumukoy ng kahit isang bagay lamang na magagawa ninyo sa linggong ito upang maipadama sa lahat ng anak ng Diyos na sila ay minamahal at tanggap sa mga sitwasyong kalalagyan mo.

Tingnan sa “How Do I Talk to My Kids about Disabilities?Ensign, June 2020, 58–59.