Mga Kapansanan
Ang Kapansanan ay Hindi Isang Parusa


“Ang Kapansanan ay Hindi Isang Parusa,” Disability Services: Resources (2020)

“Ang Kapansanan ay Hindi Isang Parusa,” Disability Services: Resources

Ang Kapansanan ay Hindi Isang Parusa

Man in wheelchair with children playing in leaves

“Sa mga kadahilanang karaniwan ay hindi nalalaman, may ilang taong isinisilang na may mga pisikal na limitasyon. Maaaring abnormal ang ilang bahagi ng katawan. Maaaring hindi gumana nang angkop ang mga sistema sa katawan. At ang buong katawan natin ay daranas ng sakit at kamatayan. Gayunman, ang pisikal na katawan na ipinagkaloob sa atin ay walang katumbas. Kung wala ito, hindi natin matatanggap ang ganap na kagalakan.

“Hindi kinakailangan ang perpektong katawan upang makamtan ang banal na tadhana. Katunayan, ang ilan sa pinakamagigiliw na espiritu ay nananahan sa mga katawang mahina. Ang malakas na espirituwalidad ay madalas linangin ng mga taong may kapansanan, dahil mismo sa sinusubukan sila. Ang mga indibiduwal na ito ay may karapatan sa lahat ng pagpapalang inihanda ng Diyos para sa Kanyang matapat at masunuring mga anak.

“Darating ang panahon na bawat ‘espiritu at … katawan ay magsasamang muli sa … ganap na anyo; kapwa ang biyas at kasu-kasuan ay ibabalik sa wastong pangangatawan’ (Alma 11:43). Pagkatapos, salamat sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, tayo ay magiging ganap sa Kanya” (Russell M. Nelson, “We Are Children of God,” Liahona, Nob. 1998, 86–87).

“Kailangan ko munang linawin, at bigyang-diin, ang puntong ito: Natural sa mga magulang na may mga anak na may kapansanan na itanong sa kanilang sarili, ‘Ano ang nagawa naming mali?’ Ang ideya na lahat ng pagdurusa kahit paano ay tuwirang bunga ng kasalanan ay itinuro na noon pa mang sinaunang panahon. Maling doktrina ito. Tinanggap pa nga ng ilan sa mga disipulo noong araw ang haka-hakang iyan hanggang sa itama sila ng Panginoon” (Boyd K. Packer, “The Moving of the Water,” Liahona, Mayo 1991, 7).