“Dapat Nating Kilalanin at Ipagdiwang ang Ating mga Natatanging Kaloob,” Disability Services: Resources (2020)
“Dapat Nating Kilalanin at Ipagdiwang ang Ating mga Natatanging Kaloob,” Disability Services: Resources
Dapat Nating Kilalanin at Ipagdiwang ang Ating mga Natatanging Kaloob
“Lahat ng anak ng Ama sa Langit ay may kaunting kaibhan, subalit bawat isa ay may sariling gandang nagdaragdag ng lalim at yaman sa kabuuan” (Joseph B. Wirthlin, “Pag-alala sa Nawala,” Liahona, Mayo 2008, 18).
“[I]pinlano ng kalangitan na hindi magkapare-pareho ang lahat ng mga tinig sa koro ng Diyos. Kailangan ng pagkakaiba-iba—mga soprano at mga alto, mga baritone at mga bass—upang makagawa ng magandang musika. Mula sa isang hiniram na linya na hango sa magandang liham ng dalawang kahanga-hangang kababaihang Banal sa mga Huling Araw, “May lugar sa koro ang lahat ng nilikha ng Diyos.” Kapag hinahamak natin ang ating pagiging kakaiba o sinusubukang umayon sa mga gawa-gawang pagkategorya sa mga tao o bagay—mga pagkategoryang bunsod ng walang-kabusugang kultura ng mga gumagamit o tumatangkilik at ginagawang huwaran na hindi kailanman maabot sa pamamagitan ng social media—nawawala sa atin ang kagandahan ng tono at timbreng nilayon ng Diyos noong nilikha Niya ang isang mundo na may pagkakaiba-iba.
“Ngayon, hindi ibig sabihin nito na maaaring isigaw na lang ng lahat ang kani-kanyang oratoryo sa sagradong koro na ito! Ang pagkakaiba-iba ay hindi pagiging sintunado, at ang mga miyembro ng koro ay nangangailangan ng disiplina—para sa layunin natin ngayon … sasabihin kong pagiging disipulo—subalit matapos nating matanggap mula sa langit ang ipinahayag na liriko at katugmang orkestrasyon na binuo bago ang daigdig na ito, ikalulugod ng ating Ama sa Langit na umawit tayo gamit ang ating sariling tinig, at hindi ang sa iba. Maniwala sa inyong sarili, at maniwala sa Kanya. Huwag maliitin ang halaga ninyo o hamakin ang inyong nagawa. Higit sa lahat, huwag lisanin ang inyong tungkulin sa koro. Bakit? Sapagkat katangi-tangi kayo; hindi kayo mapapalitan. Pinahihina ng pagkawala ng kahit isang tinig ang bawat iba pang mang-aawit sa dakilang koro ng buhay natin, kabilang ang pagkawala ng mga taong nakadarama na tila hindi sila tanggap ng lipunan o ng Simbahan” (Jeffrey R. Holland, “Mga Awiting Naawit at Hindi Naawit,” Liahona, Mayo 2017, 49–50).