Mga Kapansanan
Lahat ng Anak ng Diyos ay Dapat Turuan ng Ebanghelyo


“Lahat ng Anak ng Diyos ay Dapat Turuan ng Ebanghelyo,” Disability Services: Resources (2020)

“Lahat ng Anak ng Diyos ay Dapat Turuan ng Ebanghelyo,” Disability Services: Resources

Lahat ng Anak ng Diyos ay Dapat Turuan ng Ebanghelyo

Boy with service dog at church

“Tunay na hindi makatarungan ang Diyos kung isang grupo ng matatalino lang ang makakaalam ng ebanghelyo. Sa Kanyang kabutihan, tiniyak Niya na ang mga katotohanan hinggil sa Diyos ay mauunawaan ng lahat ng Kanyang anak, anuman ang antas ng kanilang pinag-aralan o angking katalinuhan” (Gérald Caussé, “Kahit Isang Bata ay Makauunawa,” Liahona, Nob. 2008, 32).

“Hinahatulan ng Diyos ang mga tao ayon sa paggamit nila sa liwanag na ibinigay Niya sa kanila” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 475).

“Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak. Nais Niya na makamtan ng lahat ang kabuuan ng Kanyang katotohanan at ang kasaganaan ng Kanyang mga pagpapala. Alam Niya kung kailan sila handa, at gusto Niyang dinggin natin at sundin ang Kanyang mga tagubilin sa pagbabahagi ng Kanyang ebanghelyo. Sa gayon, ang mga taong handa ay tutugon sa mensahe Niya na nagsasabi, ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig … at sila’y nagsisisunod sa akin’ (Juan 10:27)” (Dallin H. Oaks, “Pagbabahagi ng Ebanghelyo,” Liahona, Ene. 2002, 9).

“Lahat ng isipan at espiritung pinababa ng Diyos sa mundo ay may kakayahang umunlad” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith244).