Seminary
Doktrina at mga Tipan 1: Buod


“Doktrina at mga Tipan 1: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 1

Doktrina at mga Tipan 1

Buod

Ang Panginoon ay naghayag ng paunang salita para sa Book of Commandments, na kalaunan ay naging Doktrina at mga Tipan. Siya ay nagbabala sa mundo, nagpatotoo tungkol sa tunay at buhay na Simbahan, at itinuro Niya na sa pamamagitan man ng Kanyang mga tagapaglingkod o sa pamamagitan ng Kanyang sariling tinig, ito ay iisa.

icon ng training Tulungan ang mga mag-aaral na madamang pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon. Sa pakikinig, kailangang mas pahalagahan ng mga titser ang nasa puso ng ibang tao kaysa sa kung ano ang susunod sa outline ng lesson. Maging handang isantabi ang naiplano mo, ayon sa pahiwatig ng Espiritu, at pakinggan ang mga alalahanin ng mga estudyante. Ipaalam sa kanila sa iyong mga pananalita at kilos na sabik kang marinig sila. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Tiniyak ng Tagapagligtas na Nadama ng Lahat na Iginagalang at Pinahahalagahan Sila,” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas.

Ang isang halimbawa kung paano mo ito magagawa ay kasama sa lesson tungkol sa Doktrina at mga Tipan 1.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga dahilan kung bakit nagbibigay ang Panginoon ng mga babala sa mundo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghandang ibahagi kung ano na ang progreso ng kanilang mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Hikayatin silang ibahagi ang mga tagumpay at mga hamon na naranasan nila. Maaari mo silang hikayatin na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap o magtakda ng mithiin na mapagbuti pa ito.

  • Materyal: Papel at mga materyal para sa pagdrowing na magagamit ng mga estudyante sa paggawa ng meme, poster, o iba pang proyekto (Maaari ding gawin ang aktibidad gamit ang study journal at lapis.)

Doktrina at mga Tipan 1:30–33

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang tanging tunay na simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na basahin ang doctrinal mastery passage na Doktrina at mga Tipan 1:30 at pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng Panginoon na “ang tanging tunay at buhay na simbahan.”

  • Item na ihahanda: Ang handout na “Ang Tunay at Buhay na Simbahan” para sa mga estudyante

Doktrina at mga Tipan 1:37–38

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na pag-aralan ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga makabagong propeta.