Lesson 18—Ang Pagsasalin ng Aklat ni Mormon: Ang Kaloob at Kapangyarihan ng Diyos
“Lesson 18—Ang Pagsasalin ng Aklat ni Mormon: Ang Kaloob at Kapangyarihan ng Diyos,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Pagsasalin ng Aklat ni Mormon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 18: Doktrina at mga Tipan 6-9
Ang Pagsasalin ng Aklat ni Mormon
“Ang Kaloob at Kapangyarihan ng Diyos”
Kasama si Oliver Cowdery na naglilingkod bilang kanyang tagasulat, si Joseph Smith ay maraming nagawa sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon noong tagsibol ng 1829. Bagama’t hindi natin alam ang mga partikular na detalye tungkol sa kung paano isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon, alam natin na ginawa niya ito sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang patotoo na ang Diyos ay nagbigay ng paraan at kapangyarihan para maisalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon para sa atin.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pinagmulan ng Aklat ni Mormon
Isipin kunwari na isang araw ay ibinahagi ninyo sa isa sa mabubuting kaibigan ninyo ang paniniwala ninyo na ang Aklat ni Mormon ay banal na kasulatan tulad ng Biblia. Tila medyo nagulat ang kaibigan ninyo at sinabi niya na itinuro sa kanya na isinulat ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon mula sa imahinasyon nito.
Ano ang ilang paraan na maaari kayong tumugon sa sitwasyong ito?
Tumulong si Oliver Cowdery sa pagsasalin
Sa loob ng dalawang araw pagkarating sa Harmony, Pennsylvania, upang makilala si Joseph Smith, nagsimulang magtrabaho si Oliver Cowdery bilang tagasulat ni Joseph. Hindi nagtagal ay maraming nagawa sina Joseph at Oliver sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Tinataya na, kasama si Oliver bilang kanyang tagasulat, natapos ni Joseph Smith ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa loob ng humigit-kumulang 65 araw ng pagtatrabaho (tingnan sa Russell M. Nelson, “A Treasured Testament,” Ensign, Hulyo 1993, 61).
Mga paglalarawan ni Joseph Smith sa pagsasalin
Sa paunang salita sa 1830 edition ng Aklat ni Mormon, isinulat ni Joseph Smith: “Ipinababatid ko sa inyo na aking isinalin [ang aklat], sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.” Kapag nagtatanong sa kanya ng mga detalyadong impormasyon tungkol sa proseso ng pagsasalin, paulit-ulit na sinabi ni Joseph sa ilang pagkakataon na ginawa ito “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos” at idinagdag pa niya minsan na, “Hindi nilayon na ipaalam sa mundo ang lahat ng detalye ng paglabas ng aklat ni Mormon.” (Gospel Topics Essays, “Book of Mormon Translation,” ChurchofJesusChrist.org)
Anong mga katotohanan ang matututuhan natin mula sa pahayag ni Joseph Smith tungkol sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon?
Bakit mahalagang malaman na ang Aklat ni Mormon ay isinalin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa halip na sa pamamagitan ni Joseph Smith?
Mga kasangkapan sa pagsasalin
Nang magpakita ang anghel na si Moroni kay Joseph Smith noong 1823, nagbigay siya ng mga tagubilin sa Propeta kung paano lalabas ang Aklat ni Mormon.
Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:34–35 at alamin ang mga kasangkapang inihanda ng Diyos para sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon.
Sa anong mga paraan inihanda ng Panginoon ang Aklat ni Mormon para sa pagsasalin?
Nakasaad kalaunan sa mga tala ng kasaysayan na bukod pa sa paggamit ng Urim at Tummim (kung minsan ay tinatawag na mga pansalin ng mga Nephita) upang isalin ang Aklat ni Mormon, gumamit si Joseph Smith ng isa pang kasangkapang tinatawag na bato ng tagakita. Natuklasan ng Propeta ang kasangkapang ito ilang taon bago niya nakuha ang mga laminang ginto.
Wala tayong alam na maraming detalye kung paano ginamit ni Joseph ang mga kasangkapang ito na inihanda ng Diyos. Ngunit sinabi ng mga saksi na kung minsan ay ilalagay ni Joseph ang Urim at Tummim o ang bato ng tagakita sa isang sumbrero para maharangan ang liwanag, upang mas makita niya ang mga salitang lumitaw sa mga pisikal na instrumento (tingnan sa Gospel Topics Essays, “Book of Mormon Translation,” ChurchofJesusChrist.org).
Ang paglalarawan ni Oliver Cowdery sa proseso ng pagsasalin ayon sa nakatala sa Joseph Smith—Kasaysayan (na makikita sa unang talata pagkatapos ng talata 75)
Anong mga salita o parirala mula kay Emma o kay Oliver ang sumusuporta sa patotoo ni Joseph Smith na ang Aklat ni Mormon ay isinalin sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos?
Ano ang natutuhan o nadarama ninyo tungkol sa Diyos matapos malaman kung paano naging kasangkapan si Joseph Smith sa Kanyang mga kamay upang maisalin ang Aklat ni Mormon?
Ang kapangyarihan ng Aklat ni Mormon sa inyong buhay
Ano ang isang talata o kuwento mula sa Aklat ni Mormon na nakaimpluwensya sa inyong buhay?
Paano nakaimpluwensya ang talata o kuwentong ito sa inyong nadarama sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?