“Lesson 20—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1: Pagsasaulo at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 20: Doktrina at mga Tipan 6-9
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1
Pagsasaulo at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na matutuhan ang mga doctrinal mastery passage at ang mga katotohanang nilalaman nito gayundin ang matutuhan at ipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo
-
Kailan kayo magpapasalamat na mayroon kayo ng isa sa mga kasangkapang ito?
-
Ano ang ilang sitwasyon kung saan magpapasalamat kayo na may naisaulo kayong banal na kasulatan?
Ang mga doctrinal mastery passage ay isang seleksyon ng mga banal na kasulatan na makatutulong lalo na sa inyo at sa iba. Sa seminary, may mga pagkakataon kayong isaulo ang mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery passage. Maaari din ninyong subukang isaulo ang mga buong talata ng ilan sa mga passage na ito.
Basahin at markahan ang mga sumusunod na passage sa inyong mga banal na kasulatan. Pumili ng isa o dalawa na sa palagay ninyo ay pinakamakabuluhan sa inyo.
Doctrinal mastery scripture reference |
Mahalagang parirala ng banal na kasulatan |
---|---|
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Nakakita [si Joseph Smith] ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan Ang Simbahan ni Jesucristo “ang tanging tunay at buhay na simbahan.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan Ang Aaronic Priesthood ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Anong laki ng inyong kagalakan kung makapagdadala kayo ng maraming kaluluwa sa akin!” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ako, [si Jesucristo], ay pinagdusahan ang mga bagay na ito para sa lahat.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan Ang “salita [ng propeta] ay inyong tatanggapin, na parang mula sa sarili kong bibig.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Aking ipakikita ang aking sarili mula sa langit sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian … at mananahanan sa kabutihan kasama ng mga tao sa mundo ng isanlibong taon.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ang kasal ay inorden ng Diyos.” |
Maglaan ng sandali para subukang isaulo ang reperensya at mahalagang parirala sa isa o dalawang passage na pinakamakabuluhan sa inyo. Isipin din ang isang sitwasyon kung saan ang pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ay maaaring maging isang pagpapala sa inyo o sa ibang tao.
Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Sinimulang pag-aralan ni Ava ang Joseph Smith—Kasaysayan at ang Doktrina at mga Tipan at maganda ang nagiging karanasan niya. Gayunpaman, nakita niya ang ilang negatibong komento sa social media tungkol kay Propetang Joseph Smith na nagpalito at nagpabalisa sa kanya.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Maglista ng tatlong propeta mula sa nakaraan na sinunod ng ilang tao nang may pananampalataya samantalang ang iba ay hindi sumunod at maaaring bumatikos pa nga sa kanila.
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit may mga taong sumunod samantalang ang iba ay bumabatikos?
-
Paano pinagpala ng Panginoon ang mga sumunod sa Kanyang mga propeta?
-
Paano nagbibigay sa atin ng mas magandang pananaw ang pag-isipan ang mga bagay na ito tungkol sa mga naunang propeta para makatugon sa negatibong impormasyon tungkol kay Joseph Smith?
-
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
-
Maghanap ng isang source na itinalaga ng Diyos tungkol kay Propetang Joseph Smith na sa palagay ninyo ay makatutulong kay Ava. Maaaring makatulong sa inyo ang sumusunod para magawa ito:
-
Maghanap ng mga talata sa Joseph Smith—Kasaysayan o sa Doktrina at mga Tipan na napag-aralan ninyo na naglalarawan kung ano ang magagawa natin kapag nahaharap tayo sa pag-aalinlangan o mga tanong.
-
Hanapin ang “Joseph Smith” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. O hanapin ang “Joseph Smith” sa index ng pangkalahatang kumperensya sa Liahona o sa Gospel Library app.
-
Kung may naiisip kang partikular na negatibong komento na maaaring sabihin ng isang tao tungkol sa Propeta, tingnan ang mga paksa sa bahaging Mga Paksa at Mga Tanong ng ChurchofJesusChrist.org para malaman kung may impormasyon na makatutulong. Mag-isip din ng isang pinagkakatiwalaang tao na maaari ninyong irekomendang kausapin ng teenager na ito.
-
Kumilos nang may pananampalataya
-
Sa pamamagitan ni Joseph Smith, inilabas ng Panginoon ang sumusunod: ang Aklat ni Mormon, ang Pagpapanumbalik ng tunay at buhay na Simbahan sa mundo, ang mga tipan at mga ordenansang kailangan para sa kadakilaan, at ang malaking bahagi ng Doktrina at mga Tipan. Isipin ang mga partikular na paraan na napagpala na ng Panginoon ang inyong buhay sa pamamagitan ng mga bagay na ito at kung paano makatutulong ang mga ito para mapalakas ang inyong patotoo tungkol sa Propeta. Isipin kung ano ang mga ginawa ninyo para matanggap ang mga pagpapalang ito. Maglista ng ilang paraan na maaari ninyong imungkahi na gawin ni Ava nang may pananampalataya upang patuloy na mapalakas ang kanyang patotoo kay Joseph Smith bilang propeta ng Diyos.