Seminary
Doktrina at mga Tipan 10–11: Buod


“Doktrina at mga Tipan 10–11: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 10–11,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 10–11

Doktrina at mga Tipan 10–11

Buod

Ipinaliwanag ng Panginoon ang nangyari sa nawalang 116 na pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormon at kung paano magpapatuloy ang gawain ng pagsasalin. Ninais ni Hyrum Smith na tumulong sa Pagpapanumbalik ng Simbahan ng Panginoon at pinayuhan siya kung paano ihahanda ang kanyang sarili na maglingkod.

icon ng trainingHikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natutuhan nila: Ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong maipahayag ang mga naiisip at nadarama nila ay makatutulong sa kanila na madama ang Espiritu Santo na nagtuturo o nagpapatotoo sa katotohanan. Maghanap ng mga sandali sa lesson kung kailan maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang natututuhan at magbahagi. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Kilalanin Siya sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kanyang Salita” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na pinamagatang “Doktrina at mga Tipan 10.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 10

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang tiwala na tutulungan sila ng Diyos na madaig ang mga tusong plano ni Satanas

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mga Banal, 1:59–61 para matulungan silang maalala ang mga kaganapang nangyari sa pagkawala ng 116 na pahina ng manuskrito at ang kawalan ng pag-asa na nadama ni Joseph at ng kanyang pamilya noong panahong iyon.

  • Handout: “Ang Karunungan ng Diyos”

Doktrina at mga Tipan 11:1–7

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang mas matinding hangaring naisin ang kaloob na buhay na walang hanggan na ibinibigay ni Jesucristo sa lahat ng tatanggap nito

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 11:7 at ihambing ang kahulugan ng mundo sa pagiging mayaman sa kahulugan ng Panginoon para dito. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung bakit magkaiba ang mga kahulugan.

  • Mga Materyal: Mga scripture reference at resources na nakasulat sa mga piraso ng papel na ikinalat sa silid

Doktrina at mga Tipan 11:8–30

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Panginoon na maghanda para sa pakikibahagi sa Kanyang gawain

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit mahalaga sa Panginoon ang ating mga hangarin at mag-isip ng mga paraan kung paano nila mapapalakas ang kanilang hangaring paglingkuran Siya nang mas tapat.