“Lesson 19—Doktrina at mga Tipan 8: Ang Diwa ng Paghahayag,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 8,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Humanga si Oliver Cowdery sa kakayahan ni Joseph Smith na isalin ang Aklat ni Mormon. Nais niyang bigyan siya ng Diyos ng gayon ding kaloob. Ipinangako ng Panginoon kay Oliver ang kaloob na makapagsalin, ayon sa kanyang pananampalataya. Sa puntong iyon, itinuro ni Jesucristo kay Oliver ang maraming mahahalagang alituntunin tungkol sa paghahayag. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang kakayahang malaman kung paano nangungusap sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga tanong tungkol sa paghahayag
Upang matulungan ang mga estudyante na masimulan ang pag-aaral ng tungkol sa paghahayag, maaari mong ibahagi ang mga sumusunod:
Nais ng Diyos na mangusap sa atin at ginagawa Niya ito sa iba’t ibang paraan. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, nais ng Diyos na “[tulungan tayo] sa [personal] nating mga pangangailangan, responsibilidad, at tanong at [tulungan tayo] na mapalakas ang ating patotoo” (Mga Paksa at Mga Tanong, “Paghahayag ,” topics.ChurchofJesusChrist.org ).
Ano ang ilang tanong ninyo, o ng ibang kakilala ninyo, tungkol sa paghiwatig sa paghahayag mula sa Diyos?
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara o sa papel ang kanilang mga tanong. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga sagot sa pag-aaral nila ngayon. Hindi nilalayong sagutin ang lahat ng tanong sa klase, ngunit maaaring isulat ng mga estudyante ang anumang ideyang matutuklasan nila. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan kung bakit may mga pag-aalinlangan ang mga tao tungkol sa paghahayag.
Bakit maaaring mahirap malaman kung kailan at paano nakikipag-ugnayan sa atin ang Diyos?
Sa inyong palagay, bakit mahalagang pagbutihin pa ang kakayahan nating mahiwatigan at sundin ang paghahayag mula sa Diyos?
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na simulan ang isang pahina sa kanilang study journal o gumawa ng tala sa Gospel Library app, kung saan maisusulat nila ang natutuhan nila tungkol sa paghahayag mula sa Panginoon. Maaari kang magbigay ng halimbawa sa pamamagitan ng paggawa rin nito sa pisara. Maaari kang magsimula sa heading na tulad ng Paano ko malalaman na nakatatanggap ako ng paghahayag mula sa Diyos?
Itinuro ng Panginoon kay Oliver Cowdery ang tungkol sa paghahayag
Habang naglilingkod bilang tagasulat, nasaksihan ni Oliver Cowdery na pinagkalooban ng Panginoon si Joseph Smith ng kapangyarihang isalin ang Aklat ni Mormon. Gusto ring magsalin ni Oliver. Pumayag ang Panginoon na bigyan siya ng pagkakataon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:25 ). Para matulungan si Oliver na magtagumpay, itinuro ng Panginoon ang mahahalagang alituntunin tungkol sa pagtanggap ng paghahayag.
Ang Doktrina at mga Tipan 8:2–3 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan para madali nilang mahanap ang mga ito.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 8:1–3 , at alamin ang nais ng Panginoon na malaman ni Oliver tungkol sa pagtanggap ng paghahayag.
Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga talatang ito tungkol sa paraan kung paano nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu Santo?
Hilingin sa mga estudyante na ibahagi ang natuklasan nila. Kabilang sa mga posibleng katotohanan na maaaring matukoy ng mga estudyante, tulungan silang makita na ang Panginoon ay nakikipag-ugnayan sa ating isipan at puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo .
Pagtuunan ang mga katotohanang hahantong sa pagbabalik-loob: Para sa karagdagang training sa mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na tumukoy at magsaad ng mga alituntuning nagpapabalik-loob, tingnan ang training na may pamagat na “Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo ,” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina .
Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa ibaba ng heading sa pisara. Ang pagguhit ng diagram na katulad ng sumusunod ay makatutulong din sa mga estudyante na maisalarawan sa kanilang isipan ang mga turo ng Panginoon sa mga talatang ito.
Batay sa inyong personal na pag-aaral at karanasan, ano ang ilang paraan na nangungusap ang Panginoon sa ating isipan? Paano Siya nangungusap sa ating puso?
Ibinahagi ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa mga paraan na nangungusap ang Diyos sa ating puso at isipan sa pamamagitan ng Espiritu Santo:
2:3
Pinatototohanan ko na ang Panginoon, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ay mangungusap sa inyong puso’t isipan. Kung minsan ang mga paramdam ay mga karaniwang damdamin lamang. Kung minsa’y napakalinaw at hindi maipagkakamali ang patnubay kaya maisusulat ang bawat salita nito, na parang espirituwal na pagdidikta. (Richard G. Scott, “Upang Magtamo ng Espirituwal na Patnubay ,” Liahona , Nob. 2009, 9)
Maaari mong tulungan ang mga estudyante na makakita ng huwaran ng komunikasyon sa puso at isipan sa mga sumusunod na halimbawa na kasama si Oliver Cowdery: Doktrina at mga Tipan 6:22–24 ; 9:8–9 . Maaaring hanapin ng mga estudyante ang mga salita at pariralang ginamit ng Panginoon upang ipaliwanag ang ilan sa mga paraan na nangungusap Siya sa ating puso at isipan.
Makatutulong na ipaliwanag na ang pag-aalab ng dibdib na inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 9:8 ay maaaring tumukoy sa “damdamin ng kapanatagan at katiwasayan” (Dallin H. Oaks, “Teaching and Learning by the Spirit ,” Ensign , Mar. 1997, 13).
Pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Espiritu Santo
Ipaliwanag na maraming iba pang mga turo sa mga banal na kasulatan at mula sa mga lider ng Simbahan ngayon na tumutulong sa atin na maunawaan kung paano nangungusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Bigyan ng oras ang mga estudyante na mahanap, mapag-aralan, at matalakay ang ilan sa mga turong ito.
Ang isang paraan na magagawa mo ito ay anyayahan silang gamitin ang mga tool o kasangkapang gaya ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o search function sa Gospel Library para maghanap ng mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na naglalarawan ng ilan sa mga paraan na makikilala natin ang paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ang isa pang opsiyon ay anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga sumusunod na banal na kasulatan upang malaman kung ano ang matututuhan nila tungkol sa personal na paghahayag:
Maaari mo ring ipanood sa mga estudyante ang video na “Patterns of Light: Discerning Light ” (2:12). Sa video na ito, nagbahagi si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ng mga ideya kung paano natin malalaman ang pagkakaiba ng sarili nating mga iniisip at ng mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo.
2:12
Matapos ang sapat na oras na makapag-aral ang mga estudyante, maaari mong sabihin sa kanila na idagdag sa listahan sa pisara ang natutuhan nila.
Ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod ay makatutulong sa mga estudyante na talakayin ang natutuhan nila at mabigyang-daan ang Espiritu Santo na magpatotoo sa klase.
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa iba’t ibang paraan ng pakikipag-ugnayan sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo?
Ano ang ipinauunawa sa inyo ng mga turong ito tungkol sa katangian at mga hangarin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?
Ano ang mga naging karanasan ninyo sa pag-unawa kung paano nakikipag-ugnayan ang Espiritu Santo?
Ipaalala sa mga estudyante ang mga itinanong nila sa simula ng klase. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila na nakatulong sa pagsagot sa alinman sa mga tanong na ito. Tapusin ang klase sa pag-anyaya sa mga estudyante na sikaping mahiwatigan ang Panginoon na nangungusap sa kanilang puso at isipan sa isa o mahigit pa sa maraming paraan na natutuhan nila. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang paghiwatig sa paghahayag mula sa Panginoon ay mangangailangan ng patuloy na pagsisikap sa buong buhay nila.
Maaari mo ring tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan ng Doktrina at mga Tipan 8:2–3 at rebyuhin ang mga ito sa mga susunod na lesson. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan ay “Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”
Sinagot ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tanong na ito:
2:25
Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Bagama’t magkakaiba ang mga sitwasyon, kapag ginagawa natin ang lahat, ang lahat ng pinakamahusay na magagawa natin, at taimtim na hinihiling at hinihingi ang Kanyang tulong sa ating paglalakbay, gagabayan tayo ng Panginoon, sa Kanyang panahon at pamamaraan, sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (Gerrit W. Gong, “Pagiging Kabilang sa Tipan ,”Liahona , Nob. 2019, 82)
Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015):
Ano ang gagawin ninyo kapag kayo ay nakapaghandang mabuti, taimtim na nanalangin, naghintay ng sapat na panahon para sa sagot, at wala pa rin kayong nadaramang kasagutan? Maaari kayong magpasalamat kapag nangyayari iyon, dahil patunay ito ng pagtitiwala [ng Diyos]. Kapag namumuhay kayo nang marapat at ang inyong pasiya ay naaayon sa mga turo ng Tagapagligtas at kailangan ninyong kumilos, magpatuloy nang may tiwala. … Kapag namumuhay kayo nang matwid at kumikilos nang may tiwala, hindi hahayaan ng Diyos na magpatuloy pa kayo nang hindi nababalaan kung mali ang inyong desisyon. (Richard G. Scott, “Paggamit sa Kaloob ng Langit na Panalangin ,” Liahona , Mayo 2007, 10)
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Ipanalangin sa pangalan ni Jesucristo ang inyong mga alalahanin, ang inyong mga takot, mga kahinaan—oo, ang pinakainaasam ng inyong puso. At makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo. Itala ang inyong nadama at isagawa ang mga bagay na ipinahiwatig sa inyong gawin. Habang inuulit ninyo ang prosesong ito araw-araw, buwan-buwan, taun-taon, kayo ay “uunlad sa alituntunin ng paghahayag” [Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (2007), 153]. …
Nakikiusap ako sa inyo na dagdagan ang inyong espirituwal na kakayahan na tumanggap ng paghahayag. …
Walang makapagbubukas ng kalangitan nang higit sa magagawa ng pinagsama-samang kadalisayan, lubos na pagsunod, masigasig na paghahanap, araw-araw na pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo sa Aklat ni Mormon, at pag-uukol palagi ng oras para sa templo at gawain sa family history. (Russell M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay ,” Liahona , Mayo 2018, 95)
Itinuro ni Elder David P. Homer ng Pitumpu:
2:3
Ang Espiritu ay nangungusap sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang paraan, at maaaring mangusap Siya sa iisang tao sa iba’t ibang paraan sa iba’t ibang pagkakataon. Dahil diyan, ang matutuhan ang maraming paraan ng pakikipag-usap Niya sa atin ay panghabambuhay na gawain. Kung minsan, Siya ay nangungusap sa ating “isipan at sa [ating] puso” [Doktrina at mga Tipan 8:2 ] sa tinig na banayad ngunit makapangyarihan, tumitimo “sa kanila na nakaririnig hanggang sa kaibuturan” [3 Nephi 11:3 ]. Sa ibang pagkakataon, ang Kanyang mga impresyon ay “sumasaklaw sa [ating mga] isipan” o “tumitimo … sa [ating] damdamin” [Doktrina at mga Tipan 128:1 ]. Sa ibang pagkakataon, ang ating mga dibdib ay “[mag-aalab]” [Doktrina at mga Tipan 9:8 ]. Sa iba pa ring pagkakataon, Kanyang pinupuno ng galak ang ating mga puso, binibigyang-liwanag ang ating mga isipan [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:14–15 ], o nangungusap ng kapayapaan sa ating mga balisang puso [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:22–23 ]. (David P. Homer, “Pakikinig sa Kanyang Tinig ,” Liahona , Mayo 2019, 42)
Sumangguni sa koleksyon ng video na “Pakinggan Siya” sa ChurchofJesusChrist.org para makahanap ng mga halimbawa ng mga lider ng Simbahan na naglalarawan ng iba’t ibang paraan na naunawaan nila kung paano nangusap ang Diyos sa kanila.
Maaaring malungkot ang mga estudyante na ang paghahayag na hinahangad nila ay hindi dumarating. Maaari mo silang tulungang matuto mula sa mga tagubilin ng Panginoon kay Oliver Cowdery noong hindi siya nagtagumpay sa pagsasalin (tingnan sa Mga Banal , Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan , 70–72 ). Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 9:7–11 , para alamin ang paraang itinuro ng Panginoon kay Oliver tungkol sa paghahandang tumanggap ng paghahayag. Maaari mo ring gamitin ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa “Karagdagang Resources” bilang bahagi ng talakayang ito.
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ilista ang mga bagay na maaaring hingan ng paghahayag ng mga teenager. Maaaring kabilang sa mga sagot ang pagpapalakas ng patotoo sa ebanghelyo ni Jesucristo, paggawa ng mga desisyon sa buhay, o pagtanggap ng mga sagot sa mga tanong. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano makatutulong sa kanila ang pagsunod sa mga itinuro ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 9:7–11 .
Matapos basahin ang Doktrina at mga Tipan 8:2–3 , maaaring mainam na talakayin ang kuwentong binanggit ng Panginoon sa talata 3 . Maaari kang magpakita ng larawan ni Moises at ng mga anak ni Israel na tumatawid sa Dagat na Pula. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng ilang detalye na alam nila tungkol sa kuwentong ito na nakatala sa Exodo 14–15 . Maaari mong sabihin sa mga estudyante na talakayin kung ano kaya ang pakiramdam ni Moises na nakatanggap siya ng paghahayag mula sa Panginoon sa oras ng kanyang pangangailangan. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaaring humingi ng paghahayag mula sa Panginoon ang isang tao sa ating panahon para tulungan siya.