“Doktrina at mga Tipan 6–9: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 6–9,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 6–9
Doktrina at mga Tipan 6–9
Buod
Nalaman ni Oliver Cowdery ang tungkol sa gawain ni Joseph Smith Jr.sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon habang nananatili sa tahanan nina Joseph Smith Sr. at Lucy Mack Smith. Nadama ni Oliver ang hangaring makibahagi sa gawain at lumipat siya sa Harmony, Pennsylvania, noong tagsibol ng 1829, kung saan siya naging tagasulat ng Propeta. Sa pamamagitan ni Joseph Smith, binigyan ng Panginoon si Oliver ng maraming paghahayag hinggil sa kanyang tungkulin bilang tagasulat at sa kanyang hangaring makibahagi sa pagsasalin. Ang mga paghahayag na ito ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan tungkol sa personal na paghahayag. Kasama si Oliver na naglilingkod bilang tagasulat, maraming nagawa si Joseph Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 6
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magtiwala sa Tagapagligtas kapag nahaharap sila sa mga pag-aalinlangan at takot
-
Paghahanda ng estudyante: Ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 6:36 ay isang doctrinal mastery passage. Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang maikling talatang ito bago pumasok sa klase.
-
Video: “Mga Taon ng Masayang Pagsasama” (25:01; panoorin mula sa time code na 3:07 hanggang 7:18 at 15:02 hanggang 17:49)
-
Larawan: Larawan ni Jesucristo na ididispley sa pisara
Ang Pagsasalin ng Aklat ni Mormon
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang patotoo na ang Diyos ay nagbigay ng paraan at kapangyarihan para maisalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon para sa atin
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isang talata o kuwento mula sa Aklat ni Mormon na nakaimpluwensya sa kanila.
-
Mga Video: “Seer Stone” (3:47); “Mga Taon ng Masayang Pagsasama” (25:01; panoorin mula sa time code na 7:18 hanggang 11:33)
-
Mga naka-print na materyal: Para sa mga estudyanteng walang digital access sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, maaari kang mag-print ng mga kopya ng bahaging “Mga Tinig ng Pagpapanumbalik” ng “Doktrina at mga Tipan 6–9: Ito ang Diwa ng Paghahayag,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025.
Doktrina at mga Tipan 8
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kakayahan na malaman kung paano nangungusap sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang mga paraan na nangusap ang Diyos sa kanila sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
-
Diagram: Ang diagram na kumakatawan sa puso at isipan
-
Mga Video: “To Acquire Spiritual Guidance” (16:00; panoorin mula sa time code na 14:41 hanggang 15:04); “Patterns of Light: Discerning Light” (2:12)
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1
Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong matutuhan ang mga doctrinal mastery passage at ang mga katotohanang nilalaman nito gayundin ang pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o mahigit pang mga doctrinal mastery passage na gusto nilang isaulo. Maaari nilang isaulo ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Doctrinal Mastery Core Document (2023) o sikaping isaulo ang mga buong talata.
-
Nilalamang ipapakita: Chart na may mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan; mga aktibidad sa talakayan A, B, at C na sumusunod sa sitwasyon