Seminary
Doktrina at mga Tipan 27–28: Buod


“Doktrina at mga Tipan 27–28: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 27–28,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 27–28

Doktrina at mga Tipan 27–28

Buod

Sa pamamagitan ng isang sugo ng langit, naghayag ang Tagapagligtas ng mga katotohanan tungkol sa sakramento. Itinuro din ng Panginoon ang tungkol sa pagsusuot ng Kanyang baluti at inihayag Niya ang tuntunin at pamamaraang ginagamit Niya upang ihayag ang Kanyang kalooban sa Kanyang Simbahan.

icon ng training Tulungan ang mga mag-aaral na lumapit kay Jesucristo: Kapag tinutulungan mo ang mga mag-aaral na matukoy ang “magiliw na awa” ng Panginoon (1 Nephi 1:20), sa mga banal na kasulatan at sa sarili nilang karanasan, madarama at malalaman nila na kasama nila ang Panginoon at mapagmahal Siyang tatayo sa tabi nila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:6). Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 27:1–14.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 27:1–14

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas makapaghandang tumanggap ng sakramento na ang mata ay nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magnilay-nilay at pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga paraan na mapagtutuunan nila ang Tagpagligtas sa oras ng sakramento.

  • Video: Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin” (13:33; panoorin mula sa time code na 7:15 hanggang 9:13)

Doktrina at mga Tipan 27:15–18

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tayo mapoprotektahan ng Tagapagligtas laban sa mga paraan na sinusubukan ni Satanas na tuksuhin tayo at pahinain ang loob natin.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga paraan na inaatake o tinutukso ni Satanas ang mga kabataan na kaedad nila at kung anong resources ang ibinigay ng Tagapagligtas para paglabanan ang mga pag-atake o mga tuksong iyon.

  • Mga Materyal: Maliliit na papel para sa bawat estudyante

  • Handout: “‘Magsuot kayo ng aking buong baluti’ (Doktrina at mga Tipan 27:15)”

Doktrina at mga Tipan 28

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang tuntunin at pamamaraang ginagamit ng Tagapagligtas upang ihayag ang Kanyang kalooban sa Kanyang Simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng mga sitwasyon mula sa bahaging “Mga Halimbawa” sa lesson na ito at anyayahan silang pag-isipan kung paano nila matutukoy ang totoong paghahayag mula sa mga panggagaya ni Satanas.

  • Mga bagay na ihahanda: Isang seleksyon ng mga bagay na tunay o imitasyon (halimbawa, isang tunay o laruang telepono; tunay o laruang pera; tunay o plastik na prutas; at isang tunay na email mula sa bangko o imitasyong email mula sa isang taong nagpapanggap na bangko)

  • Video:Isang Framework para sa Personal na Paghahayag,” (12:29; panoorin mula sa time code na 4:14 hanggang 5:07)