Seminary
Doktrina at mga Tipan 29: Buod


“Doktrina at mga Tipan 29: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 29,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 29

Doktrina at mga Tipan 29

Buod

Noong Setyembre 1830, itinuro ng Panginoon kay Joseph Smith ang tungkol sa kanyang maluwalhating Ikalawang Pagparito, ang mga pagpapalang inihanda Niya para sa mabubuti, at ang pagkalipol na naghihintay sa masasama. Mapagmahal Niyang itinuro ang pagtubos na ibinibigay Niya mula sa Pagkahulog nina Adan at Eva gayundin mula sa ating mga kasalanan at pagkakamali.

icon ng trainingAnyayahan ang mga estudyante na magbahagi: Maghanap ng mga sandali sa lesson kung kailan mahihikayat mo ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang nadarama. Hilingin sa kanila na ibahagi ang nadarama nila o isulat ang kanilang nadarama at pagkatapos ay ibahagi ito. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong maipahayag ang mga saloobin at nadarama nila ay makatutulong sa kanila na magkaroon ng kumpiyansa sa pagpapahayag ng patotoo. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson na ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 29:36–50.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 29:1–8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga hangarin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang tanong na, “Ano ang nais ng Diyos para sa akin sa buhay na ito at sa kabilang buhay?” Maaari din nilang pagnilayan kung paano nila natuklasan ang mga hangarin ng Diyos para sa kanila sa kanilang buhay.

  • Nilalamang ipapakita: Listahan ng mga tagubilin para sa aktibidad sa pag-aaral

Doktrina at mga Tipan 29:9–29

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng kagalakan habang inaasam nila ang pagbabalik ni Jesucristo sa lupa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na saliksikin ang ChurchofJesusChrist.org para sa iba-ibang larawang nagpapakita sa Ikalawang Pagparito at pag-isipan ang natutuhan nila tungkol kay Jesus mula sa bawat larawan.

  • Nilalamang ipapakita: Larawan ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

  • Video:Nagpakita si Jesucristo sa Lumang Amerika” (16:43; panoorin mula sa time code na 11:19 hanggang 16:31)

Doktrina at mga Tipan 29:36–50

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang ating kalayaang pumili na ibinigay ng Diyos at ang pagtubos na ipinagkaloob ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang iba-ibang desisyong ginawa nila sa nakalipas na 24 na oras. Maaari silang anyayahang ilista ang mga ito bilang “walang kabuluhang mga desisyon” o “mga desisyong nakakaapekto sa aking ugnayan sa Diyos.”

  • Handout: “Kalayaang Pumili at Pagtubos sa pamamagitan ni Jesucristo”