Itinuro ng Panginoon kay Joseph Smith ang tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva at kalayaang pumili sa panahong ginagawa niya ang inspiradong pagsasalin ng Biblia. Sa Doktrina at mga Tipan 29, itinuro ng Panginoon ang tungkol sa pagtubos mula sa Pagkahulog nina Adan at Eva sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang ating kalayaang pumili na ipinagkaloob ng Diyos at ang pagtubos na ibinigay ni Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagpili
Bihirang lumipas ang isang oras sa maghapon na hindi natin kailangang gumawa ng iba’t ibang klase ng pagpili. Ang ilan ay di-gaanong mahalaga, ang ilan naman ay napakahalaga. Ang ilan ay walang kaibhang magagawa sa walang hanggang plano, at ang iba ay gagawa ng malaking kaibhan. (Thomas S. Monson, “Ang Tatlong Prinsipyo ng Pagpili,” Liahona, Nob. 2010, 67)
Ano ang ilang pinakamahalagang desisyong ginawa, o gagawin mo, na makakaimpluwensya nang malaki sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit?
Ang ating kalayaang pumili
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 29:36–38, at alamin ang pinakamahalagang desisyon na kailangang gawin ng lahat ng anak ng Diyos bago ang buhay na ito.
Anong pagpili ang inilahad sa ating lahat bago ang buhay na ito?
Ipinaliwanag ni Elder Robert•D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang napakahalagang ibinunga ng pagpili natin sa premortal na buhay.
2:3
Dahil sa paghihimagsik ni Lucifer, nagkaroon ng malaking espirituwal na pagtatalo. Bawat anak ng Ama sa Langit ay nagkaroon ng pagkakataong gamitin ang kalayaan na ibinigay sa kanya ng Ama sa Langit. Pinili nating manampalataya sa Tagapagligtas na si Jesucristo—na lumapit sa Kanya, sundin Siya, at tanggapin ang planong inilahad ng Ama sa Langit para sa ating kapakanan. Ngunit isangkatlo ng mga anak ng Ama sa Langit ang hindi nagkaroon ng pananampalatayang sundin ang Tagapagligtas at sa halip ay piniling sundin si Lucifer, o Satanas.
At sinabi ng Diyos, “Dahil dito, sapagkat yaong si Satanas ay naghimagsik laban sa akin, at naghangad na wasakin ang kalayaan ng tao, na ako, ang Panginoong Diyos, ang nagbigay sa kanya, … aking pinapangyaring siya ay mapalayas” [Moises 4:3]. (Robert D. Hales, “Kalayaan: Mahalaga sa Plano ng Buhay,” Liahona, Nob. 2010, 24)
Markahan ang salitang kalayaang pumili sa talata 36.
Paano mo ilalarawan kung ano ang ibig sabihin ng salitang kalayaang pumili?
Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay dahil binigyan tayo ng Diyos ng kalayaang pumili, mapipili nating sundin o tanggihan Siya.
Paano naipapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin sa pagkakaloob sa atin ng kakayahang pumili?
Ang Pagkahulog at ang ating kalayaang pumili
Pagpili ng pagtubos sa pamamagitan ni Jesucristo
Isang dalagitang nagngangalang Marie ang gumawa ng ilang desisyon na alam niyang mali. Nakadarama siya ng pagsisisi at pagkalayo sa Diyos at iniisip niya kung may pag-asa pa para sa kanya.
Gamit ang natutuhan mo ngayon tungkol sa kalayaang pumili at pagtubos sa pamamagitan ni Cristo, sumulat ng sagot na maaari mong ibahagi kay Marie na maghihikayat sa kanya na kumilos nang may pag-asa at pananampalataya sa kabila ng mga maling desisyon sa kanyang nakaraan.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018), at alamin ang pagpili na ipanghihikayat mo na gawin ni Marie.
Sa pagninilay natin sa mga desisyong ginagawa natin sa buhay araw-araw—piliin man natin ito o kaya’y iyon—kung pipiliin natin si Cristo, tama ang gagawin nating desisyon. (Thomas S. Monson, “Mga Pagpili,” Liahona, Abr. 2016, 86)
Sa linggong ito, gagamitin ko ang aking kalayaang pumili para piliin si Cristo sa pamamagitan ng …