Seminary
Doktrina at mga Tipan 30–36: Buod


“Doktrina at mga Tipan 30–36: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 30–36,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 30–36

Doktrina at mga Tipan 30–36

Buod

Hindi nagtagal matapos maorganisa ang Simbahan, tumawag ang Panginoon ng maraming tao para maglingkod bilang misyonero. Itinuro Niya sa mga bagong tawag na elder na ito ang maraming mahahalagang katotohanan kung bakit nais Niyang ipangaral nila ang Kanyang ebanghelyo. Tiniyak din Niya sa kanila ang Kanyang tulong at payo kung paano sila epektibong makakapangaral.

icon ng trainingSabihin sa mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila. Ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw ay kadalasang naghahayag ng mabubuting huwaran ng pag-uugali. Magbigay ng mga pagkakataon sa mga estudyante na gumawa ng plano na kumilos ayon sa natutuhan nila at hikayatin silang gawin ito. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng isang halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 30–36 Bahagi 2.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga dahilan ng Tagapagligtas sa pag-uutos sa atin na ipangaral ang Kanyang ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handa sa pagsagot sa sumusunod na tanong: Bakit masyadong nakatuon ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa gawaing misyonero?

  • Video:Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan” (5:22; panoorin mula sa time code na 2:52 hanggang 5:00)

  • Nilalamang ipapakita: Ang mga pangalan ng mga tinawag na mangaral ng ebanghelyo sa Doktrina at mga Tipan 30–36 (nakalista sa lesson sa ilalim ng heading na “Mangaral mula sa araw na ito”)

  • Handout: “Ang Payo ng Panginoon sa mga Misyonero sa Doktrina at mga Tipan 30–36

Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na bisitahin ang web page na “Pagbabahagi ng Ebanghelyo” para makahanap ng mga ideya na maibahagi ang ebanghelyo sa iba sa mga natural at normal na paraan.

  • Mga Video:Come and See” (1:17); “Come and Help” (1:03); “Sharing the Gospel” (3:49)

Doktrina at mga Tipan 35

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pasasalamat para sa inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia.

  • Paghahanda ng estudyante: Ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na pahayag: “Matapos mailathala ang Aklat ni Mormon noong 1830, iniutos ng Panginoon kay Joseph Smith na simulan ang pagsasalin ng Biblia.” Sabihin sa kanila na alamin kung ang pahayag ay tama o mali at maghanap ng anumang karagdagang impormasyon na maaaring interesante sa kanila tungkol sa paksa. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung bakit ito mahalaga sa kanila at pumasok sa klase na may anumang kaugnay na mga tanong.

  • Handout: “Ang Pagsasalin ni Joseph Smith”

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3

Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong maunawaan at maisaulo ang mga doctrinal mastery passage at ang doktrinang itinuturo ng mga ito. Makatutulong din ito sa kanila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilang doctrinal mastery passage na napag-aralan nila.