Seminary
Lesson 48: Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 2: “Ibuka ang Inyong mga Bibig at ang mga Ito ay Mapupuno”


“Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 2: ‘Ibuka ang Inyong mga Bibig at ang mga Ito ay Mapupuno,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 48: Doktrina at mga Tipan 30–36

Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 2

“Ibuka ang Inyong mga Bibig at ang mga Ito ay Mapupuno”

binatilyo at dalagita na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Nang tumawag ang Panginoon ng mga misyonero upang ipangaral ang Kanyang ebanghelyo matapos itatag ang Kanyang Simbahan, nagbigay Siya ng payo upang palakasin at gabayan sila sa kanilang gawaing misyonero. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga alalahanin sa pagbabahagi ng ebanghelyo

Maaari mong simulan ang lesson sa pagbabahagi ng sumusunod na sitwasyon at mga tanong.

Habang nagbabahagi ang nagsasalita sa sacrament meeting tungkol sa kahalagahan ng gawaing misyonero, nadarama ni Conor na tila tinututulan niya ang ideya na kausapin ang ibang tao tungkol sa ebanghelyo. Likas na tahimik si Conor. Dagdag pa rito, hindi talaga siya kailanman nakipag-usap tungkol sa ebanghelyo sa isang taong hindi miyembro ng Simbahan. Nag-aalala siya na baka kung saan mapunta ang ganoong usapan. Dahil sa kanyang likas na pagiging tahimik at kakulangan ng karanasan, hindi siya komportable sa ideya ng pagsisimula ng usapan tungkol sa ebanghelyo sa ibang tao.

  • Ano sa palagay mo ang makatutulong para maunawaan ni Conor ang tungkol sa gawaing misyonero?

  • Anong iba pang mga alalahanin ang madalas na mayroon ang mga tao tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo ng Tagapagligtas?

Ipaalala sa mga estudyante na sa nakaraang lesson, nalaman nila ang tungkol sa maraming tao na tinawag na maglingkod bilang misyonero matapos maitatag ang Simbahan. Nalaman ng ilan sa kalalakihang ito ang tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo sa loob lamang ng maikling panahon bago sila tinawag na magmisyon.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang ilan sa maaaring naging alalahanin ng mga bagong tawag na misyonero na ito. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na isipin ang sarili nilang mga alalahanin tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba. Pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod para tulungan ang mga estudyante na maghandang mag-aral.

Pag-aaralan mo ngayon ang mga turo mula sa Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 30–36 na makatutulong sa iyo na matukoy ang Kanyang kasigasigan na tulungan kang ibahagi ang Kanyang ebanghelyo. Sa iyong pag-aaral, hanapin ang mga turo na makatutulong para maragdagan ang iyong kahandaan at kakayahang ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Ang Panginoon ay nagbigay ng makatutulong na payo sa Kanyang mga missionary

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-aralan ang payo ng Panginoon sa mga sumusunod na talata. Ang isang paraan para magawa ito ay hatiin ang klase sa limang grupo. Bigyan ang bawat grupo ng isang blangkong papel, at anyayahan sila na lagyan ang papael na ito ng pamagat na tulad ng “Makatutulong na payo sa missionary mula sa Panginoon.”

Magtalaga ng isang set ng mga talata sa bawat grupo. Pagkatapos ay maaaring magdagdag ang mga estudyante sa kanilang mga papel ng kahit tatlong payo na makikita nila sa kanilang mga talata. Maaari silang magdagdag ng mga paglalarawan sa kanilang mga papel kung nais nila. Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga nakumpletong papel sa klase.

Basahin ang mga sumusunod na talata, at alamin ang payo na ibinigay ng Panginoon na makatutulong sa iyo na maging mas handa at may kakayahan na ibahagi ang ebanghelyo.

Doktrina at mga Tipan 30:5, 8–11 (Makatutulong na malaman na ang “kapatid” ni Peter Whitmer na tinukoy sa talata 5 ay si Oliver Cowdery, na tinawag para mangaral sa naunang paghahayag [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 28:14–16].)

Doktrina at mga Tipan 31:4–9, 11–13

Doktrina at mga Tipan 32:1–5

Doktrina at mga Tipan 33:8–12, 16–17

Doktrina at mga Tipan 35:13–15, 24

Kapag natapos nang mag-aral ang mga estudyante, bigyan sila ng pagkakataong ibahagi ang nalaman nila. Ang isang paraan para magawa ito ay anyayahan ang iba’t ibang estudyante na ibahagi ang payo na nalaman nila mula sa kanilang mga talata na pinakamakabuluhan sa kanila at magbahagi ng katotohanang matututuhan natin mula sa payong ito. Maaari mong isulat sa pisara ang mga katotohanang ito o sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga ito.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga katotohanang maaaring mabanggit ng mga estudyante ang sumusunod: sa halip na matakot sa iba, makahihingi tayo ng tulong sa Panginoon para maibahagi ang Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 30:11); bubuksan ng Panginoon ang puso ng mga taong tinuturuan natin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 31:7); mapapasaatin ang Panginoon kapag sinisikap nating ibahagi ang Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 32:3); kapag binuksan natin ang ating bibig upang ibahagi ang ebanghelyo, tutulungan tayo ng Panginoon na malaman kung ano ang sasabihin natin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 33:8–10); ibinibigay ng Panginoon ang kapangyarihan ng Kanyang Espiritu sa mahihina na naglilingkod sa Kanya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 35:13–14).

  • Sa iyong palagay, bakit napakasigasig ng Diyos na tulungan tayong ibahagi ang ebanghelyo?

  • Paano tayo matutulungan ng mga katotohanang ito tungkol sa Panginoon sa ating mga pagsisikap na ipangaral ang ebanghelyo?

Mga ideya para sa pagbubuka ng iyong bibig para maibahagi ang ebanghelyo

Maglaan ng oras para tulungan ang mga estudyante na matutuhan at matalakay ang mga partikular na paraan na matutupad nila ang utos ng Panginoon na “ibuka ang [kanilang] mga bibig” (Doktrina at mga Tipan 33:8–10; tingnan din sa 30:5,11) at ibahagi ang ebanghelyo. Ang pagtulong sa mga estudyante na makakita ng mga partikular at matatamong paraan para magawa ito ay magpapalakas ng kanilang kumpiyansa na ibahagi ang ebanghelyo.

Ang isang paraan para magawa ito ay ipakita ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na video. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang iba’t ibang paraan na ibinuka ng mga tao ang kanilang bibig at inanyayahan nila ang mga pagpapala ng Panginoon. Maaari ka ring magbahagi ng iba pang resources mula sa mga page na “Pagbabahagi ng Ebanghelyo” sa ChurchofJesusChrist.org.

Ang sumusunod na mga video ay nagbabahagi ng mga ideya kung paano ka “magbu[bu]kas ng iyong bibig” (Doktrina at mga Tipan 30:5) at anyayahan ang iba na maranasan ang ebanghelyo ni Jesucristo nang likas at makabuluhan.

1:23

Inviting Others to "Come and See"

People like being included. They just need to be invited. This video shows how invitations to "come and see" can be just a normal and natural part of everyday life for members of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

1:8

Inviting Others to "Come and Help"

People want to help; often all they need is an invitation. This video depicts the ease of inviting people to lend a helping hand in church-related service opportunities for The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

3:49

Sharing the Gospel

What we call “member missionary work” is not a program but an attitude of love and outreach to help those around us.

  • Ano ang mga naranasan mo sa pagbabahagi ng ebanghelyo? Para sa iyo, ano ang pinakanakatulong na paghahanda para sa mga karanasang iyon?

Gumawa ng plano

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magsulat ng isang simpleng plano tungkol sa gagawin nila para maibahagi ang ebanghelyo sa iba. Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring magbigay sa kanila ng mga ideya kung ano ang isusulat.

  • Sino ang isang tao na sa palagay mo ay mababahagian mo ng ebanghelyo?

  • Mula sa natutuhan mo ngayon, ano ang mga likas at makabuluhang paraan na matutulungan mo ang taong ito na mas mapalapit kay Jesucristo?

  • Anong mga balakid sa palagay mo ang makahahadlang sa iyo na kumilos ayon sa iyong plano?

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas ang natutuhan mo mula sa Doktrina at mga Tipan 30–36 na makatutulong sa iyo na madaig ang mga balakid na ito?

Isipin kung paano mo mahihikayat ang mga estudyante na kumilos nang may pananampalataya sa nadama nila ngayon. Maaari mo silang anyayahang magtakda ng panahon para magawa ang isinulat nila. Ibahagi ang iyong pagtitiwala sa kakayahan ng Tagapagligtas na antigin ang puso ng iba sa pamamagitan nila.

icon ng training Sabihin sa mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila: Para sa training kung paano mag-follow up sa mga estudyante tungkol sa kanilang mga plano na ipamuhay ang natututuhan nila, tingnan ang training na may pamagat na, “Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila,” matatagpuan sa training na Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.