Seminary
Lesson 49: Doktrina at mga Tipan 35: Ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia


“Doktrina at mga Tipan 35: Ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 35,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 49: Doktrina at mga Tipan 30–36

Doktrina at mga Tipan 35

Ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia

Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia

Noong tag-init ng 1830, sinimulang gawin ni Propetang Joseph Smith ang inspiradong rebisyon, o pagsasalin, ng King James Bible. Itinuring niya ang proyektong ito na mahalagang bahagi ng kanyang tungkulin bilang propeta ng Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng pasasalamat para sa inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia

Upang maipabatid sa mga estudyante ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, maaari mong ibigay sa kanila ang mga sumusunod na pahayag. Ipahula sa mga estudyante kung tama o mali ang bawat pahayag.

  1. Matapos ilathala ang Aklat ni Mormon noong 1830, iniutos ng Panginoon kay Joseph Smith na simulan ang pagsasalin ng Biblia.

  2. Tiningnan ni Joseph Smith ang mga orihinal na sulat sa Hebreo at Griyego upang gumawa ng bagong pagsasalin ng Biblia sa Ingles.

  3. Inihayag ng Panginoon ang mga aklat ni Moises at ang Joseph Smith—Mateo sa Mahalagang Perlas bilang bahagi ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia.

  4. Inihayag ng Panginoon kay Joseph Smith ang ilan sa mga katotohanan ng doktrina na itinuro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw habang isinasalin niya ang Biblia.

  5. Napagpala ng Panginoon ang iyong buhay sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith.

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga sagot sa mga pahayag na ito at sa iba pang mga tanong nila tungkol sa paksa sa buong lesson. Sabihin sa kanila na partikular na isipin kung ang ikalimang pahayag ay totoo para sa kanila.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdrowing ng isang aklat sa kanilang study journal at lagyan ito ng pamagat na “Pagsasalin ni Joseph Smith.” Sa buong lesson, hikayatin ang mga estudyante na isulat sa labas ng kanilang drowing ang mga dahilan kung bakit sila nagpapasalamat para sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia o para sa mga kaalaman na makabuluhan sa kanila.

Ang mga Pagpapala ng Pagsasalin ni Joseph Smith

Matapos mabinyagan ni Oliver Cowdery sa Kirtland, Ohio, naglakbay ang isang dating mangangaral na nagngangalang Sidney Rigdon patungong Fayette, New York, upang makilala si Propetang Joseph Smith. Ang Doktrina at mga Tipan 35 ay isang paghahayag mula sa Panginoon para kina Joseph Smith at Sidney Rigdon.

Basahin ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 35 at talata 17–20, at alamin kung ano ang matututuhan natin tungkol sa Pagsasalin ni Joseph Smith.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito?

  • Anong layunin ang ibinibigay ng Panginoon para sa mga inspiradong pagbabago sa Biblia (tingnan sa talata 20)?

Ang isang katotohanang itinuro ng Panginoon sa mga talatang ito ay sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, si Jesucristo ay naghayag ng mga karagdagang katotohanan na tutulong sa paggabay sa atin tungo sa kaligtasan. Maaari mong iugnay ang sumusunod na impormasyon sa mga estudyante para makatulong sa pagsagot sa pangalawang tanong.

Bilang pagsunod sa paghahayag na ito, nagsimulang maglingkod si Sidney Rigdon bilang tagasulat habang inihahayag ng Panginoon ang mga inspiradong pagwawasto at pagdaragdag sa Biblia sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Ang gawain ay hindi literal na pagsasalin sa isang wika mula sa isa pang wika. Gumamit si Joseph ng kopya ng King James Bible bilang panimula nang maghangad siya ng paghahayag at nagdikta ng mga inspiradong pagwawasto at pagdaragdag.

icon ng handoutAng sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang alituntunin na nakasulat sa mga bold letter at maging pamilyar sa Pagsasalin ni Joseph Smith. Maaari mong ipamahagi ang handout na may pamagat na “Ang Pagsasalin ni Joseph Smith.” Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o mahigit pang bahagi na pag-aaralan nila nang mag-isa at maghandang ituro sa kanilang mga kaklase ang natutuhan nila. Habang nag-aaral ang mga estudyante, ipaalala sa kanila na isulat ang makabuluhang mga ideya o dahilan kung bakit sila nagpapasalamat para sa Pagsasalin ni Joseph Smith sa paligid ng drowing na nilikha nila sa kanilang study journal.

Ang Pagsasalin ni Joseph Smith

Ipinanumbalik ng Panginoon ang mga karagdagang turo sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia.

Mahahanap mo ba ang aklat ni Moises sa iyong mga banal na kasulatan? Ipinanumbalik ng Panginoon ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith, kabilang ang mga pangitain at mga turo ni Moises at ng iba pa. Ang mga ito ay nakapaloob sa Aklat ni Moises sa Mahalagang Perlas.

Basahin ang Moises 1:3–4, 6, 8, 39. Alamin ang natutuhan ni Moises tungkol sa kanyang sarili at sa Panginoon sa kanyang mga pangitain. (Maaari ka ring maghanap ng mga paboritong talata sa Aklat ni Moises.)

  • Paano makatutulong sa atin ang mga turo sa mga talatang ito habang nagsisikap tayong sundin ang Tagapagligtas?

  • Bakit maaaring makadama ang isang tao ng pasasalamat para sa inihayag ng Panginoon sa mga talatang ito?

Ipinanumbalik ng Panginoon ang “malilinaw at mahahalagang” katotohanan sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith.

Narinig mo na ba na may ilang mahahalagang katotohanan na maaaring nawawala o hindi malinaw sa Biblia? Ang Biblia ay isang pinagkakatiwalaan at inspiradong aklat. Gayunman, itinuro ni Nephi na ang ilang “malilinaw at mahahalagang bagay” ay nawawala o hindi malinaw (1 Nephi 13:28–29). Halimbawa, ang binyag ay hindi direktang binanggit sa Biblia hanggang sa Bagong Tipan, at ang salaysay sa Biblia tungkol kay Noe ay hindi nagpapaliwanag na binalaan ng Panginoon ang mga tao at binigyan Niya sila ng pagkakataong magsisi bago ipadala ang baha.

Basahin ang Moises 6:64–66; 8:16–17, 20 para malaman kung paano ipinanumbalik ng Panginoon ang mahahalagang katotohanan sa Pagsasalin ni Joseph Smith.

  • Paano makatutulong sa atin ngayon na malaman na ang binyag ay isang kautusan mula pa noong panahon ni Adan?

  • Paano makatutulong sa atin na malaman na lagi tayong inaanyayahan ng Panginoon na magsisi at handa Siyang patawarin tayo?

  • Paano tayo natutulungan ng mga katotohanang ito na maligtas sa pamamagitan ni Jesucristo?

Ang mga paghahayag ng Panginoon sa Pagsasalin ni Joseph Smith ay humantong sa karagdagang mga paghahayag sa Doktrina at mga Tipan.

Nakatulong na ba sa iyo ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan para makatanggap ng karagdagang paghahayag? Nakatulong ito para kay Joseph. Hindi nagtagal matapos niyang malaman sa inspiradong pagsasalin ang tungkol kay Enoc at sa kanyang mga tao na nagtatag ng Sion (tingnan sa Moises 7:18–21), ang Panginoon ay naghayag ng mga tagubilin kay Joseph na tulungan ang mga Banal na maging mga tao ng Sion (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 38, 42, 45).

Nangyari ang isa pang halimbawa nito nang isalin nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Juan 5:29. May mga tanong sila tungkol sa langit at impiyerno na humantong sa isang kamangha-manghang pangitain na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 76. Kabilang sa pangitaing ito ang mga katotohanan tungkol sa tatlong antas ng kaluwalhatian na maaaring mamana ng mga tao pagkatapos ng buhay na ito.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 76:22–24, 50–53, at 58–62, at markahan ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo at kung paano tayo makababalik sa piling Niya at ng Ama sa Langit.

  • Anong mga salita o parirala ang minarkahan mo? Bakit?

  • Bakit maaaring magpasalamat ang isang tao kapag nalaman niya ang mga katotohanang ito?

Nilinaw ng Panginoon ang doktrina at nagbigay Siya ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa mga talata ng Biblia sa pamamagitan ng Pagsasalin ni Joseph Smith.

Bukod sa Mahalagang Perlas, alam mo ba kung saan matatagpuan ang mga Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia? Marami ang matatagpuan sa Mga Pinili mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia sa likod ng mga banal na kasulatan o sa Appendix ng Pagsasalin ni Joseph Smith na matatagpuan sa bahaging Mga Tulong sa Pag-aaral sa Gospel Library app. Alamin kung paano gamitin ang resources na ito sa pamamagitan ng pagtingin sa halimbawa at paliwanag sa ibaba.

Pagsasalin ni Joseph Smith

Sa ilang wika, ang mga scripture passage ng Pagsasalin ni Joseph Smith ay matatagpuan sa mga footnote ng Latter-day Saint edition of the Bible o sa “Related Content” sa mgadigital device.

Basahin ang mga sumusunod na passage sa Biblia, pagkatapos ay gamitin ang Pagsasalin ni Joseph Smith para matukoy ang mga inspiradong pagbabago.

Juan 1:16–18 (Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 1:16–19)

Juan 4:24 (Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 4:26)

Juan 6:44

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga inspiradong pagbabagong ito tungkol kay Jesucristo?

  • Bakit isang pagpapala na mas maunawaan ang mga bagay na ito?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan at naramdaman nila habang nag-aaral sila. Kung kinakailangan, bigyan ang mga estudyante ng mga sagot sa unang apat na pahayag ng pambungad na aktibidad (1. Tama, 2. Mali, 3. Tama, 4. Tama). Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto pa para maisulat sa kanilang study journal ang anumang natutuhan nila o kung bakit sila nagpapasalamat para sa Pagsasalin ni Joseph Smith. Anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi ang isinulat nila o kung bakit ang ikalimang pahayag mula sa simula ng klase ay totoo para sa kanila. Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith at kung paano nakatutulong sa atin ang kanyang gawain na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo.