Ilang buwan lang matapos opisyal na maitatag ang Simbahan, iniutos ng Tagapagligtas sa ilang bagong miyembro na magmisyon. Sa kabila ng kanilang pagtanggap at limitadong pag-unawa tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo, tinawag ng Panginoon ang mga taong ito upang ipahayag ang Kanyang ebanghelyo sa “tunog ng isang pakakak” (Doktrina at mga Tipan 30:9). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga dahilan ng Tagapagligtas sa pag-uutos sa atin na ipangaral ang Kanyang ebanghelyo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang tungkulin natin na ipangaral ng ebanghelyo
Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod na payo na nauugnay sa paglilingkod bilang full-time missionary:
5:34
Ngayon, muli kong pinagtitibay nang husto na hinihiling ng Panginoon sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binatilyo na maghanda para sa at maglingkod sa misyon. Para sa mga lalaking Banal sa mga Huling araw, ang paglilingkod sa misyon ay isang responsibilidad ng priesthood. …
Para sa inyo na bata pa at may kakayahang mga sister, ang misyon ay isa ring maganda, ngunit opsyonal, na oportunidad. Mahal namin ang mga sister missionary at buong-puso namin silang tinatanggap. Ang iniaambag ninyo sa gawaing ito ay kahanga-hanga! Ipagdasal na malaman kung nais ng Panginoon na magmisyon kayo, at sasagot ang Espiritu Santo sa inyong puso’t isipan.
Mahal na mga kaibigang kabataan, bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon. Inireserba na Niya kayo sa panahong ito para tumulong na tipunin ang Israel. Ang desisyon ninyong magmisyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa maraming iba pa. …
Lahat ng missionary ay nagtuturo at nagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas. Kailangan ngayon ang liwanag ni Jesucristo nang higit kailanman dahil sa espirituwal na kadiliman sa mundo. Lahat ay nararapat na magkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol sa ipinanumbaik na ebanghelyo ni Jesucristo. Bawat tao ay nararapat na malaman kung saan siya makasusumpong ng pag-asa at kapayapaan na “hindi maabot ng pag-iisip” [Filipos 4:7]. (Russell M. Nelson, “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6–7)
Ano ang naiisip o nadarama mo tungkol sa pahayag ni Pangulong Nelson?
Anong katibayan ang nakikita mo na kailangan ang liwanag ni Jesucristo nang higit kailanman sa mundo?
Pag-isipang mabuti ang nalalaman mo na tungkol sa kung bakit inaasahan ng Panginoon na ipangangaral ng Kanyang mga tagasunod ang ebanghelyo, full-time missionary man o sa mga araw-araw na pakikipag-ugnayan. Maaari mong isulat ang mga dahilang ito sa iyong study journal. Sa pag-aaral mo ngayon, hanapin ang mga turo na tumutulong sa iyo na mas maunawaan kung bakit labis na nagnanais ang Panginoon na ibahagi ng Kanyang mga tagasunod ang Kanyang ebanghelyo.
“Mangaral mula sa araw na ito”
Paano tayo mahihikayat ng pag-alam sa mga katotohanang ito na ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas sa iba, bilang mga full-time missionary man o sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan?
Ano ang ilan sa pinakamahahalagang dahilan para ibahagi mo ang ebanghelyo ng Tagapagligtas?