Seminary
Lesson 50: Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3: Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3: Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 50: Doktrina at mga Tipan 30–36

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3

Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

talakayan ng grupo ng kabataan

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maunawaan at maisaulo ang mga doctrinal mastery passage at ang doktrinang itinuturo ng mga ito. Makatutulong din ito sa kanila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo

Kung batid na ng mga estudyante ang ilang doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa taon na ito, makabubuting anyayahan silang isaulo ang mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Madaragdagan ng mga estudyante ang kanilang kumpiyansa sa pag-alam ng mga banal na kasulatan nang mabuti para magamit ang mga ito sa oras ng pangangailangan.

Bigyan ang mga estudyante ng mga 10 minuto sa klase at hikayatin din sila na magsaulo sa labas ng klase. I-display ang chart na naglilista ng mga doctrinal mastery scripture reference kasama ang mga kaugnay na mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, na matatagpuan sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto mong isaulo ngayon. Mag-isip ng malikhaing paraan para matulungan kang maalala ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Ang mga estudyante ay maaaring magsaulo nang mag-isa o maghanap ng ibang estudyante sa klase na gustong magsaulo ng parehong scripture passage. Kapag nakapagsaulo ang mga estudyante nang ilang minuto, hikayatin silang ibahagi sa iba ang anumang tip o trick na ginamit nila para magsaulo.

Bago magpatuloy sa susunod na bahagi ng lesson, at sa mga klase sa hinaharap, maaari mong basahin ang ilang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa klase at sabihin sa mga estudyante na sabihin ang mga kaugnay na scripture reference nang walang kopya. Ang paggamit ng mga doctrinal mastery passage ay kadalasang makatutulong sa mga estudyante na mapanatili ito sa kanilang memorya sa mahabang panahon at maalala ang mga ito kapag kailangan.

Ang mga karagdagang ideya kung paano matutulungan ang mga estudyante na magsaulo ay matatagpuan sa appendix ng manwal na ito sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”

Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu ay kasama sa appendix ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.” Makikita ang mga paglalarawan ng mga alituntunin sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Gamitin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan ang mga estudyante na magamit ang mga alituntuning ito sa makatotohanang sitwasyon.

Bago magsimula ang Sunday School, umupo sa tabi mo ang kaibigan mong si Noelle. Tiningnan niya ang pisara at tila nabalisa siya sa binabasa niya. Ang lesson ngayon ay nakatuon sa pagsunod sa propeta. Sinabi sa iyo ni Noelle na nabasa niya kamakailan ang tungkol sa mga taong nadidismaya sa propeta. Nagtataka siya kung bakit hindi alam ng propeta ang mga pangangailangan ng mga tao o bakit tila hindi siya tumutugon sa mga imunumungkahi ng mga tao.

  • Paano mo magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para makatulong sa sitwasyong ito?

  • Ano ang itinuturo sa mga doctrinal mastery passage na makatutulong?

Ang isang paraan para masanay ng mga estudyante ang paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng kaalaman ay pag-isipan kung paano maaaring maging iba ang mga iniisip at ginagawa ng tao sa sitwasyon kapag naunawaan nila ang mga alituntuning ito.

Para matulungan silang gawin ito, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at hayaan silang pumili ng isang alituntunin ng pagtatamo ng kaalaman. Sabihin sa kanila na sumangguni sa mga kaugnay na talata sa Doctrinal Mastery Core Document upang mas maunawaan ang alituntuning ito. Tulungan ang mga estudyante na maghanap ng anumang banal na kasulatan na maaaring napag-aralan nila sa seminary tungkol sa mga propeta (tulad ng Doktrina at mga Tipan 1:37–38; 21:4–6; 28:2). Maaari mo ring i-display ang mga sumusunod na tagubilin at sabihin sa mga estudyante na sama-samang gawin ang mga ito kasama ang kanilang mga kagrupo.

Kumilos nang may pananampalataya

Mag-isip ng kahit dalawang hakbang na magagawa ni Noelle para kumilos nang may pananampalataya bilang tugon sa kanyang alalahanin.

Ipaliwanag kung bakit mo irerekomenda na gawin ang mga iyon o ibahagi ang mga karanasan mo.

Ilista ang ilang katotohanan na maaaring alam ni Noelle tungkol sa mga propeta na makatutulong sa kanya na mas magtiwala sa Panginoon at sa Kanyang mga tagapaglingkod habang naghahangad na matuto pa.

  • Sa iyong palagay, bakit mahalaga para kay Noelle na manatiling tapat sa nalalaman at pinaniniwalaan na niya habang inaalam niya ang mga sagot sa kanyang mga kasalukuyang tanong?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Isulat ang ginagampanan ng mga propeta sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

Paghambingin ang layunin ng Panginoon para sa mga propeta at ang tila iniisip ni Noelle at ng iba sa tungkulin nila.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Ilista ang ilan sa mga negatibong epekto sa isang tao ng mga hindi mapagkakatiwalaang sources.

Maghanap ng isa o mahigit pang scripture passage sa Doktrina at mga Tipan (o iba pang sources na itinalaga ng Diyos) na maaaring makatulong kay Noelle.

Magsulat ng kahit dalawang pagpapala na matatanggap ni Noelle kung nauunawaan niya kung bakit tumatawag ang Diyos ng mga propeta.

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang ilan sa kanilang ginawa at natutuhan. Ang isang paraan na magagawa mo ito ay anyayahan silang ipagpalagay na pinili ni Noelle na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang makatulong sa paglutas ng kanyang mga alalahanin. Maaaring isulat ng mga estudyante kung ano ang maaaring mangyari kay Noelle kapag isinagawa niya ang isa o mahigit pa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante ang isinulat nila at ipaliwanag ang ilan sa mga dahilan kung bakit nila isinulat nang gayon ang sitwasyon. Matapos magbahagi ang mga estudyante, maaari mo silang anyayahang pag-isipan ang natutuhan o nadama nila ngayon na makatutulong sa kanilang sariling buhay.