Seminary
Doktrina at mga Tipan 37–40: Buod


“Doktrina at mga Tipan 37–40: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 37–40,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 37–40

Doktrina at mga Tipan 37–40

Buod

Nang tanggapin ng marami sa Ohio ang mensahe ng ebanghelyo ng Tagapagligtas, dumanas ng matinding pag-uusig ang mga miyembro ng Simbahan sa New York. Sa isang paghahayag kay Propetang Joseph Smith, iniutos ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan na magtipon sa Ohio. Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga Banal na pahalagahan ang isa’t isa tulad ng pagpapahalaga nila sa kanilang sarili at magkaisa. Si James Covel, isang Methodist minister, ay nakipagtipan na susundin ang iuutos sa kanya ng Panginoon sa pamamagitan ng Joseph Smith. Ngunit matapos matanggap ang utos na magpabinyag at magtipon kasama ng mga Banal sa Ohio, hindi niya tinanggap ang paghahayag.

icon ng trainingGamitin ang mga salita ng mga makabagong propeta upang mabigyang-diin ang doktrina at mga alituntunin. Ang mga buhay na propeta at apostol ay nagtuturo, nagpapaliwanag, at nagbibigay-linaw tungkol sa doktrina at mga alituntuning itinuturo sa mga banal na kasulatan. Ang paggamit ng mga salita ng propeta ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Ang Tagapagligtas ay Nagturo mula sa mga Banal na Kasulatan,” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Ang isang halimbawa kung paano mo ito magagawa ay kasama sa lesson na “Doktrina at mga Tipan 38:15–27, 34–42.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 37; 38:1–9, 28–33

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit iniutos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga tao na magtipon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na naghahangad ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit para mapatnubayan ang kanilang personal na buhay.

  • Mga Materyal: Isang bungkos ng maliliit na patpat at isang malaking patpat

Doktrina at mga Tipan 38:15–27, 34–42

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maging katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa iba at paghahangad ng pagkakaisa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga grupong kinabibilangan nila at itanong sa isang tao sa grupong iyon kung ano sa palagay nila ang kailangan para magkaisa. Maaaring kausapin ng mga estudyante ang isang kapamilya, lider ng korum o klase, titser, o coach.

  • Mga Materyal: Mga piraso ng may kulay na papel para matulungan ang mga estudyante na mag-organisa sa mga grupo

  • Mga Video:One in Christ” (4:48); “Winawakasan ng Kapayapaan ni Cristo ang Pagkapoot” (12:39; panoorin mula sa time code na 4:49 hanggang 6:32)

Doktrina at mga Tipan 39–40

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng hangaring gumawa at tumupad ng mga tipan kay Jesucristo upang mas matamo ang Kanyang kapangyarihan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nagdala ng kapangyarihan sa kanilang buhay ang paggawa ng mga sagradong tipan. Kung kinakailangan, maaari nilang anyayahan ang isang kapamilya, kaibigan, o lider ng Simbahan para magbahagi ng mga pagpapalang nagmumula sa paggawa ng mga tipan.

  • Mga Materyal: Isang bumbilya at lampara

  • Video:Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan” (18:31; panoorin mula sa time code na 4:21 hanggang 5:39)

I-assess ang Iyong Pagkatuto 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan na espirituwal na umunlad.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang mga larawan ng kanilang sarili noong bata pa sila at isipin kung paano sila lumaki at nagbago. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang larawan na ipapakita sa klase.

  • Mga Materyal: Isang paghahambing ng mga larawan na nagpapakita ng paglaki