Seminary
Doktrina at mga Tipan 45: Buod


“Doktrina at mga Tipan 45: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 45,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 45

Doktrina at mga Tipan 45

Buod

Ang mga palatandaan sa paligid natin ay nagpapatotoo na malapit na ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ang ilan ay maluwalhati, samantalang ang iba pa ay nakapanlulumo. Upang matulungang mapawi ang takot at kawalang-katiyakan na nadama ng maraming Banal noong unang bahagi ng 1831, inanyayahan sila ng Panginoon na pakinggan ang Kanyang tinig at maniwala sa Kanyang pangalan. Itinuro Niya kung paano tayo makapaghahanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

icon ng trainingPagnilayan ang mga titulo ni Jesucristo: Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng mahigit 100 iba’t ibang pangalan at titulo na naglalarawan kay Jesucristo. Kapag natukoy ng mga estudyante ang mga pangalan at titulo ng Tagapagligtas, sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano Niya natupad ang mga tungkuling iyon sa buhay nila at sa buhay ng mga nakapaligid sa kanila. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ituro ang tungkol sa mga Titulo, Tungkuling Ginagampanan, at mga Katangian ni Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 45:1–8.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 45:1–8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang misyon at katangian ni Jesucristo habang nauunawaan nila ang ilan sa Kanyang mga pangalan at titulo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na alamin ang pinagmulan o mga kahulugan ng kanilang mga pangalan at pumasok sa klase na handang magbahagi ng anumang detalye na maaaring natuklasan nila.

  • Larawang ipapakita: Si Jesucristo sa Getsemani

Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano tayo makasusumpong ng kapayapaan kapag nakita natin ang mga palatandaang magaganap bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang katibayang nakikita nila na nabubuhay tayo sa mga huling araw.

  • Mga Materyal: Aktibidad na pagtutugma para sa “Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas”

  • Video:Be Not Troubled” (5:14)

Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang mga titik ng isang himno tungkol sa Ikalawang Pagparito o kantahin ito bilang pambungad na himno. Sabihin sa kanila na isipin kung bakit mahalagang maging handa sila bago bumalik ang Tagapagligtas. Ang isa pang opsiyon ay kantahin ang “Banal na Espiritu” (Mga Himno, blg. 85), at maghanap ng mga paraan na matutulungan tayo ng Espiritu Santo na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

  • Handout:Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito