Seminary
Lesson 59—Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 1: Mga Palatandaan Bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo


“Lesson 59—Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 1: Mga Palatandaan Bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 59: Doktrina at mga Tipan 45

Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 1

Mga Palatandaan Bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

si Cristo kasama ang mga anghel

Ang mga palatandaan sa paligid natin ay nagpapatotoo na malapit na ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ang ilang palatandaan ay maluwalhati, samantalang ang iba ay nakapanlulumo. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano tayo makasusumpong ng kapayapaan kapag nakita natin ang mga palatandaan na magaganap bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Habang naghahanda ka at itinuturo mo ang lesson na ito, tandaan na nakatuon ang “Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 2” sa paghahanda para sa Ikalawang Pagparito. Bibigyang-diin nito ang pagtayo sa mga banal na lugar at pagtanggap sa Espiritu bilang ating gabay (tingnan sa mga talata 32, 57).

Mga Palatandaan

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang kilalang lugar na gustong puntahan ng mga pamilya sa iyong lugar. Sabihin sa isang boluntaryo na magdrowing ng representasyon ng lugar na iyon sa isang bahagi ng pisara. Sabihin sa isa pang boluntaryo na magdrowing ng representasyon ng lokasyon ng inyong seminary sa kabilang bahagi ng pisara. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila ituturo sa isang taong hindi pamilyar sa lugar na iyon para makarating siya sa kilalang lugar mula sa lokasyon ng seminary. Sabihin sa kanila na pumunta sa pisara at magdrowing o maglista ng mga partikular na palatandaan na maaaring abangan ng taong iyon habang papalapit siya sa destinasyon.

Ipaliwanag na ang bawat palatandaan na matutukoy ng taong iyon sa daan ay magbibigay sa kanya ng higit na kumpiyansa na mas napapalapit na siya sa destinasyon.

  • Paano maihahalintulad ang mga palatandaang ito sa mga palatandaang mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

    Maaari mong palitan ang lokasyon ng seminary sa pisara ng mga salitang “Ang ating panahon” at palitan ang kilalang lugar ng “Ang Ikalawang Pagparito” (o maaari kang mag-display ng larawan ng Ikalawang Pagparito).

    Sabihin sa mga estudyante na ilista sa pisara ang mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas na alam nila. Ipaalala sa kanila na huwag mag-alala tungkol sa pagkakasunud-sunod ng mga palatandaan dahil hindi pa ito ganap na naihayag.

  • Ano ang nadarama mo kapag iniisip mo ang mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito?

  • Sa iyong palagay, bakit nais ng Tagapagligtas na malaman natin ang tungkol sa mga palatandaang ito?

Sa pag-aaral mo ngayon, pag-isipan kung paano makapaghahatid ng kapayapaan at pag-asa sa iyong buhay ang kaalaman sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga palatandaan ng mga panahon

Karamihan sa Doktrina at mga Tipan 45 ay sumasalamin sa sermon ng propeta na ibinigay ng Tagapagligtas bilang tugon sa mga tanong ng Kanyang mga disipulo tungkol sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito (tingnan sa Mateo 24; Joseph Smith—Mateo 1).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga palatandaang itinuro ng Tagapagligtas sa bahagi 45, maaari mong i-display ang sumusunod na matching activity o aktibidad sa pagtutugma o magbigay ng mga kopya nito. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gumawa nang mag-isa, nang may kapartner, o sa maliliit na grupo para itugma ang mga passage sa mga palatandaang inilalarawan ng mga ito.

Mga sagot: 1-E, 2-C, 3-B, 4-F, 5-D, 6-A

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Doktrina at mga Tipan 45:24–25

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Ihahayag ni Jesus ang Kanyang sarili bilang Anak ng Diyos sa mga Judio sa Bundok ng mga Olibo.

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Doktrina at mga Tipan 45:26–27

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Ang ebanghelyo ay ipanunumbalik at maghahatid ng liwanag sa sanlibutan.

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Doktrina at mga Tipan 45:28–29

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Ang digmaan, pagkapoot, at kasamaan ay lalaganap.

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Doktrina at mga Tipan 45:31–33

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Ang mga palatandaan at kababalaghan ay makikita sa langit at sa lupa.

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Doktrina at mga Tipan 45:40–42

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Ang Israel ay ikakalat at pagkatapos ay titipunin.

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Doktrina at mga Tipan 45:48–53

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

  1. Magkakaroon ng mga karamdaman at lindol sa lupain. Patitigasin ng masasama ang kanilang mga puso sa Diyos, ngunit ang mga disipulo ay tatayo sa mga banal na lugar.

Maging maingat sa pag-uukol ng masyadong maraming oras sa pagtalakay tungkol sa mga palatandaan o pagbibigay ng haka-haka tungkol sa kahulugan o katuparan ng mga ito. Marami pang hindi naihahayag, at hindi magpapatotoo ang Espiritu Santo tungkol sa mga maling interpretasyon.

  • Sa palagay mo, alin sa mga ito ang nakikita natin ngayon?

  • Sa iyong palagay, bakit nais ng Tagapagligtas na malaman natin ang mga palatandaang nagbibigay ng pag-asa at nakababagabag?

  • Paano madaragdagan ang iyong pananampalataya kay Jesus ng kaalamang alam Niya ang mga detalyeng ito tungkol sa ating panahon?

Paano tayo maaaring tumugon sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito?

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 45:35 at Joseph Smith—Mateo 1:23, 39, at alamin ang nais ng Tagapagligtas na maunawaan at madama ng Kanyang mga disipulo tungkol sa mga palatandaan ng Kanyang pagparito.

  • Ano ang nalaman mo?

    Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanan na kapag nakita nating natutupad ang mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, malalaman natin na natutupad na ang Kanyang mga pangako sa atin.

  • Paano makatutulong sa atin ang pag-unawa sa katotohanang iyon para hindi tayo mabagabag ng mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito?

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:

19:11
Elder Dieter F. Uchtdorf

Mga kapatid, iniutos sa atin na pag-aralan ang salita ng Diyos at sundin ang tinig ng Espiritu, upang malaman natin “ang mga tanda ng panahon, at ang mga tanda ng pagparito ng Anak ng Tao” [Doktrina at mga Tipan 68:11].

Samakatwid, alam natin ang mga hamon sa mundo, at alam din natin ang mga pagsubok sa ating panahon. Ngunit hindi ibig sabihin niyan na dapat nating pahirapan ang ating sarili o ang iba dahil lagi tayong natatakot. Sa halip na pagtuunan ang bigat ng ating mga pagsubok, hindi ba mas mahalagang magtuon sa walang hanggang kadakilaan, kabutihan, at walang katapusang kapangyarihan ng ating Diyos, magtiwala sa Kanya at maghanda nang may galak ang puso sa pagbalik ni Jesus ang Cristo?

Bilang Kanyang mga pinagtipanang tao, hindi tayo kailangang maparalisa dahil sa takot na may masamang mangyayari. Sa halip, sumulong tayo nang may pananampalataya, tapang, determinasyon, at tiwala sa Diyos sa pagharap natin sa mga darating na hamon at oportunidad. (Dieter F. Uchtdorf, “Ang Sakdal na Pag-ibig ay Nagpapalayas ng Takot,” Liahona, Mayo 2017, 106)

  • Ano ang pinakanapansin mo mula sa pahayag na ito?

  • Sa lahat ng kaguluhan na nangyayari at mangyayari sa mundo, anong katibayan ang nakita mo na may kapangyarihan si Jesucristo sa lahat ng ito?

Basahin ang talinghagang itinuro ng Tagapagligtas sa Doktrina at mga Tipan 45:36–38. Isipin kung paano makatutulong sa atin ang mga dahon ng puno para malaman kung gaano pa katagal bago ang tag-init.

Sa halip na basahin ang talinghaga, maaari mong ipanood ang video na “Be Not Troubled” (5:14), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

5:10
  • Paano natutulad ang mga dahon ng puno sa talinghagang ito sa mga palatandaan ng mga panahong ibinigay sa atin ng Tagapagligtas?

  • Paano makatutulong ang talinghagang ito sa mga taong nabubuhay sa mga huling araw para hindi sila mabagabag?

Upang matulungan ang mga estudyante na maipakita ang kanilang pagkaunawa sa alituntuning tinalakay sa lesson na ito, maaari mong ipakita ang sumusunod na sitwasyon at anyayahan silang sumagot. Bilang alternatibo, maaari mo silang anyayahang magbigay ng mga detalye para sa sitwasyon, tulad ng pangalan ng kaibigan at mga partikular na pangyayari bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas kung saan maraming kabataan ang nag-aalala.

Ipagpalagay na nalaman ng isang kaibigan ang tungkol sa nakababagabag na mga palatandaan na mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Dahil sa mga lindol kamakailan sa kalapit na lugar, nadama niya na ang ilan sa mga palatandaang ito ay nangyayari na at nababagabag siya sa mga darating pa. Nag-aalala siya kung paano makakaapekto ang mga pangyayaring ito sa kanyang kinabukasan.

Sabihin sa mga estudyante na sumulat ng ilang payo sa kaibigang ito sa kanilang journal batay sa natutuhan nila ngayon. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tanong sa pagsusulat ng payo.

Bilang alternatibo, maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga sagot sa sitwasyon nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

  • Anong banal na kasulatan ang makatutulong sa kaibigan mo para mas maunawaan ang kabutihan ng Tagapagligtas at ang mga pangyayari bago ang Kanyang pagparito?

    Makatutulong na ipakita ang pahayag ni Elder Uchtdorf mula sa naunang bahagi ng lesson habang sinasagot ng mga estudyante ang sumusunod na tanong.

  • Ano ang mga nalaman mo mula sa pahayag ni Elder Uchtdorf na makatutulong sa iyong kaibigan? Bakit?

  • Paano makatutulong sa kanya ang pagsisikap na tingnan ang mga palatandaan nang may walang-hanggang pananaw?

Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi ang pag-asang nadarama nila tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.