Lesson 60—Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 2: Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito
“Lesson 60—Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 2: Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 45:9–75, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Si Jesucristo ay paparitong muli sa mundo na “nadaramitan ng kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” upang tuparin ang mga pangakong Kanyang ginawa (Doktrina at mga Tipan 45:44; tingnan din sa talata 16). Sa Doktrina at mga Tipan 45, mapagmahal na itinuro ng Tagapagligtas kung paano tayo makapaghahanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paghahanda para sa mahahalagang kaganapan
Isipin ang mga kaganapan, gawain, o responsibilidad sa iyong buhay na nangangailangan ng paghahanda. Kapag ginawa mo ito, mag-isip ng isang karanasan kung saan hindi ka handa at isang karanasan kung saan handa ka.
Paano nakaapekto ang antas ng iyong paghahanda sa nadama mo habang papalapit ang aktibidad? Paano ito nakaapekto sa resulta?
Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ay isang kaganapan na hindi tulad ng anumang naranasan natin. Ang paghahanda natin para sa kaganapang iyon ang makapagsasabi kung ano ang nadarama natin habang inaasam natin ang Kanyang pagbabalik, at masasabi nito ang mararanasan natin kapag Siya ay bumalik.
Ano ang nalalaman mo tungkol sa mga pangyayaring magaganap bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?
Mula sa nalalaman mo tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito, bakit gusto mong maging handa para dito?
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 45:44 at ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, at alamin kung ano ang magiging pakiramdam sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.
Walang nagpapasigla sa hangarin kong mas banggitin si Cristo kaysa sa isaisip ang Kanyang pagbabalik. Bagama’t hindi natin alam kung kailan Siya paparito, magiging kamangha-mangha ang mga kaganapan ng Kanyang pagbabalik! Darating Siya sa mga ulap ng langit na may kamahalan at kaluwalhatian kasama ang lahat ng Kanyang banal na mga anghel. Hindi lamang ilang anghel kundi lahat ng Kanyang banal na mga anghel. (Neil L. Andersen, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Nob. 2020, 91)
Paano makatutulong ang pag-unawa sa mga mangyayari sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas para mahikayat kang maghanda para dito?
Gamit ang scale na ito, saan mo ire-rate ang antas ng iyong kumpiyansa para sa mga sumusunod na pahayag?
Alam ko kung paano maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.
Sa palagay ko ay sapat ang paghahanda ko para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.
Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Pagtayo sa mga banal na lugar at pagtanggap ng Banal na Espiritu bilang ating patnubay
Anong mga kaisipan o impresyon ang pinakanapansin mo habang nag-aaral ka?
Paano tayo maihahanda ng paggawa ng mga bagay na ito para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
Pumili ng isa sa dalawang bahagi mula sa handout. Sa likod ng handout, isulat ang dalawa o tatlong partikular na paraan na maipamumuhay ng mga kabataan ang mga turo sa bahaging ito.
Pumili ng isang aksiyon na sa palagay mo ay makabubuti sa iyo na isabuhay.
Ano ang gagawin mo upang maisabuhay ang aksiyong ito?
Paano makatutulong ang paggawa nito sa iyong paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?