Seminary
Doktrina at mga Tipan 46–48: Buod


“Doktrina at mga Tipan 46–48: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 46–48,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 46–48

Doktrina at mga Tipan 46–48

Buod

Hindi nagtagal matapos magtipon ang mga Banal sa Kirtland, Ohio, noong 1831, nagkaroon ng mga tanong tungkol sa ilang gawi at pag-uugali ng ilang miyembro ng Simbahan. Kung minsan, ang mga hindi miyembro ng Simbahan ay hindi kasama sa mga sacrament meeting, at nagsimulang magpakita ang ilang miyembro ng mga kakaibang uri ng pagsamba, at sinasabi nila na nakatanggap sila ng mga espirituwal na kaloob. Ang Panginoon ay naghayag ng mahahalagang katotohanan kay Propetang Joseph Smith para itama ang mga pag-uugaling ito at turuan ang mga Banal tungkol sa mga espirituwal na kaloob.

icon ng trainingBigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo: Ang isang paraan para mailagay si Jesucristo sa sentro ng pagtuturo at pag-aaral ay bigyang-diin kung paano Siya naging perpektong halimbawa ng lahat ng alituntunin ng ebanghelyo. Kahit hindi tuwirang tinutukoy ang halimbawa ng Tagapagligtas sa isang scripture passage, matutulungan natin ang mga mag-aaral na iugnay ang natututuhan natin sa salaysay sa banal na kasulatan at sa halimbawa ng Tagapagligtas. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Bigyang-diin ang Halimbawa ni Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 46:1–6.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 46:1–6

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapagbuti ang kanilang mga pagsisikap na maipadama ang kabaitan at malugod na pagtanggap sa mga miting ng Simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging isipin ang isang tao sa kanilang branch, ward, o klase sa Simbahan na maaaring nangangailangan ng kanilang tulong para mas madama na tinatanggap siya.

  • Larawan: karatulang “Malugod na Tumatanggap ng mga Bisita o Visitors Welcome”

  • Mga Video:Welcome” (1:05); “Inviting Others to ‘Come and Stay’” (1:39)

Doktrina at mga Tipan 46:7–33, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila habang natututuhan nila kung bakit Niya tayo binibigyan ng mga espirituwal na kaloob.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na binigyang-inspirasyon sila ng Espiritu Santo na mag-isip, magsabi, o gumawa ng isang bagay na nagpala sa kanilang buhay o sa buhay ng iba. Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang itinuro sa kanila ng karanasang ito tungkol sa pagmamahal ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak.

  • Video:My Heavenly Father Loves Me” (3:37)

  • Nilalamang ipapakita: Mga kahulugan ng mga espirituwal na kaloob

  • Handout:Ang mga Kaloob na Ito ay Nagmumula sa Diyos

Doktrina at mga Tipan 46:7–33, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maging higit na katulad ni Jesucristo habang hinahangad nila ang mga kaloob ng Espiritu.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagtuunan ang kanilang mga pagsisikap na maging katulad ni Jesucristo sa buong araw bago ang lesson na ito. Hikayatin silang tukuyin ang mga personal na lakas at kahinaan na napansin nila sa kanilang mga pagsisikap. Bibigyan sila ng pagkakataong makahanap ng mga paraan para mapalakas ang kanilang mga kahinaan sa lesson na ito.

  • Video:Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo” (11:33; panoorin mula sa time code na 9:44 hanggang 10:26)

  • Nilalamang ipapakita: Listahan ng mga hakbang na susundin ng mga estudyante sa katapusan ng lesson