Lesson 63—Doktrina at mga Tipan 46:7–33, Bahagi 2: “Masigasig Ninyong Hanapin ang mga Pinakamahusay na Kaloob
“Lesson 63—Doktrina at mga Tipan 46:7–33, Bahagi 2: “Masigasig Ninyong Hanapin ang mga Pinakamahusay na Kaloob,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 46:7–33, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Masigasig Ninyong Hanapin ang mga Pinakamahusay na Kaloob”
Sa pagsisikap nating maging katulad ni Jesucristo, maaaring panghinaan tayo ng loob dahil sa ating mga kahinaan. Dahil kay Jesucristo, matatanggap natin ang Espiritu Santo at mga espirituwal na kaloob na tutulong sa atin na maging higit na katulad ng Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maging higit na katulad ni Jesucristo kapag hinahangad nila ang mga kaloob ng Espiritu.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paghahangad na maging katulad ng Diyos
Ipagpalagay na inamin ng isang tao na nararanasan niya ang ilan sa mga kahinaan sa pisara at iniisip niyang, “Hindi ko madaraig ang mga bagay na ito. Ganito na talaga ako.”
Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na makatutulong sa taong ito na makaunawa?
Mga Kaloob ng Espiritu
Isa sa mga paraan na matutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na madaig ang ating mga kahinaan ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng mga espirituwal na kaloob.
Ano ang nalalaman o naaalala mo tungkol sa mga espirituwal na kaloob?
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 46:8 at bigyang-diin ang paanyaya ng Tagapagligtas na may kaugnayan sa mga espirituwal na kaloob.
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng paghahangad ng mga espirituwal na kaloob?
Paano makatutulong sa atin ang paghahangad ng mga espirituwal na kaloob sa ating mga pagsisikap na maging katulad ng Diyos?
Ipinaliwanag ni Brother Tad R. Callister, dating Sunday School General President, kung paano tayo tinutulungan ng mga espirituwal na kaloob na ito na maging higit na katulad ng Diyos:
Dahil sa Pagbabayad-sala ni Cristo, tayo ay marapat na tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo at ng mga kalakip na espirituwal na kaloob nito. Ang mga kaloob na ito ay mga katangian ng pagiging banal; kung gayon, sa tuwing nagkakaroon tayo ng isang kaloob ng Espiritu, tayo ay nagiging mas katulad ng Diyos. Walang duda na iyon ang dahilan kung bakit hinihikayat tayo ng mga banal na kasulatan nang ilang ulit na hangarin ang mga kaloob na ito.
Itinuro ni Pangulong George Q. Cannon: “Hindi dapat sabihin ng sinuman na, ‘Ah, hindi ko kontrolado ito; likas na sa akin ito.’ Hindi siya mabibigyang-katwiran dito, dahil ipinangako ng Diyos na … bibigyan tayo ng mga kaloob para alisin ang [ating mga kahinaan]. … Kung hindi perpekto ang sinuman sa atin, tungkulin nating ipagdasal na mapasaatin ang kaloob na gagawin tayong perpekto.” (Tad R. Callister, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2019, 87)
Ano ang natutuhan mo mula sa pahayag na ito tungkol sa mga espirituwal na kaloob?
Ano ang ilang espirituwal na kaloob na maaaring hangarin ng isang tao para madaig ang mga kahinaang natukoy kanina sa lesson?
Pag-isipan ang iyong mga pagsisikap na maging katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:
Ano ang isang kahinaan o kakulangan na gusto mong madaig?
Anong mga espirituwal na kaloob ang maaari mong hangarin para madaig ang kahinaang iyon?
Paano natin hinahanangad ang mga espirituwal na kaloob?
Sa iyong palagay, bakit makatutulong sa iyo ang mga pagkilos na natukoy mo sa iyong mga pagsisikap na maghangad ng mga espirituwal na kaloob?
Ibinahagi ni Elder Mervyn B. Arnold, dating miyembro ng Pitumpu, ang isa pang paraan na makahahangad tayo ng mga espirituwal na kaloob mula sa Diyos:
Kapag hinahangad nating magtamo ng espirituwal na kaloob, maaari nating pag-aaralan ang mga halimbawa at turo ng Tagapagligtas na nauukol sa partikular na kaloob na iyon at pagkatapos ay sikaping ipamuhay ang mga turong iyon. (Mervyn B. Arnold, “Messages from the Doctrine and Covenants: Seek Ye the Best Gifts,” Ensign, Mar. 2005, 66)
Tingnan sa iyong journal ang kaloob na isinulat mo na gusto mong matamo. Gawin ang mga sumusunod na hakbang:
Saliksikin ang mga banal na kasulatan para sa halimbawa ng Tagapagligtas na nagpapakita ng kaloob na iyon.
Maghanap ng mga scripture passage na naglalaman ng mga karagdagang turo tungkol sa kaloob na iyon.
Maglista ng dalawa o tatlong bagay na magagawa mo para magamit ang kaloob na iyon sa iyong buhay.
Magsulat ng isang bagay na gagawin mo para matanggap ang tulong ng Tagapagligtas habang patuloy mong hinahangad ang kaloob na iyon. Kung kinakailangan, sumangguni sa Doktrina at mga Tipan 46:7–10, 30–33.