Seminary
Doktrina at mga Tipan 49–50: Buod


“Doktrina at mga Tipan 49–50: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 49–50,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 49–50

Doktrina at mga Tipan 49–50

Buod

Nang itatag at lumago ang Simbahan sa Ohio, inihayag ng Tagapagligtas ang Kanyang salita sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith upang itama ang mga maling paniniwala at gawi. Sa isang paghahayag para sa isang relihiyosong komunidad na tinatawag na Shakers, itinuro ng Panginoon ang Kanyang doktrina tungkol sa kasal, pamilya, at iba pang gawain. Ipinaliwanag din Niya na maraming miyembro ng Simbahan ang nalinlang ng mga kakatwang paniniwala at mga bulaang espiritu. Itinuro Niya sa kanila kung paano mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian at magtayo sa ibabaw ng Kanyang bato.

icon ng training Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pag-aaral: Ang isang paraan para matulungan sila na lumahok nang aktibo sa klase ay maghikayat ng mga tanong at anyayahan ang iba pang mga estudyante na sagutin ang mga tanong na iyon. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maging Responsable sa Kanilang Pag-aaral” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 50, Bahagi 1.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 49

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng kasal at pamilya sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang nadarama nila tungkol sa kasal at pamilya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung bakit sa palagay nila ay mahalaga sa plano ng Ama sa Langit ang kasal sa pagita ng isang lalaki at ng isang babae.

  • Handout:Ang Kasal at Pamilya ay Inorden ng Diyos

Doktrina at mga Tipan 50, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila matutulungan ng Panginoon na matukoy ang katotohanan at maiwasan ang panlilinlang.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na hilingin sa Ama sa Langit na tulungan silang matukoy at maiwasan ang panlilinlang.

  • Larawan: Isang larawan ng skunk

  • Mga Video:Huwag Mo Akong Linlangin” (15:04) mula sa time code na 1:56 hanggang 3:15; “Maglaan ng Oras para sa Panginoon” (5:37) mula sa time code na 1:00 hanggang 2:29

Doktrina at mga Tipan 50, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Mabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magsanay sa pagtuturo at matuto sa pamamagitan ng Espiritu ng Katotohanan.